Chapter 20 - Moving Closer

19 0 0
                                    

Benji's POV

Dumating na din si Ms. Ana sa condo.

"Ms. Ana give me 5 minutes, no 10 minutes. May hahabulin lang ako. Babalik ako agad" sambit ko sa manager ko.

"Oh sige" sagot niya.

Lumabas na ako at hinanap si Jaja.

Baka nakalabas na iyon ng building.

Hinanap ko siya kung saan at nakita ko siya malapit sa may pool.

"Jhanine" sambit ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jaja.

"Jhanine, kung ano yung nakita mo hindi ko ginusto 'yon. Nagulat din ako na hinalikan niya ako.." pagpapaliwanag ko pero nagsalita si Jaja.

"Bakit kailangan mong mag explain sa akin? Kaibigan mo lang naman ako. Natural lang naman siguro iyon. Single ka single si Akira. Bagay kayo" sabi niya.

"Jhanine, 'di mo ko naiintindihan" sagot ko.

"Ano ba dapat kong maintindihan? Na magkaibigan lang tayo o yung nakita ko?" tanong ni Jhanine.

"Na... na.." nauutal kong sabi.

"Na ano Benji?" naghihintay ng sagot si Jaja.

"Na mahal kita Jhanine. Bata pa lang may crush na ko sa'yo. Hindi mo man ako naalala. Ipapaalala ko sa'yo balang araw. Hayaan mong tapusin ko lang ang event ko this week. Maglalaan ako ng oras sa'yo" paliwanag ko.

At niyakap ko si Jaja.

"Babalik na ako sa condo. Andun na kasi si Ms. Ana. Will catch up you later" at nagpaalam na ako.

Jhanine's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Benji. Mahal niya ako at gusto niya na ako nung bata pa lang kami.

Naalala ko yung picture namin ni Benji sa kwarto niya.

Sino ka ba talaga Benji?

Umuwi na ako ng bahay at nagbasa na lang sa social media.

Nakita ko ang facebook page ni Benji.

Nasa iisang event si Benji at Akira. May collaboration silang gagawin na kanta kaya sila magkasama.

Nagbasa ako ng mga comments.

OMG!! Bagay sila.

Finally yung crush ni Benji makaka collab si Akira.

#Benjira #AkiNji

Ok lang kami Benji basta kay Akira lang ah!

Congrats Benji. Bagay kayo <3

Ang daming comments.

Bagay nga sila. Maganda gwapo. Parehas kumakanta. Perfomer.

Kinabukasan..

Bumalik na akong office since magaling na ang paa ko.

"Welcome back po ma'am Jhanine" bati ng secretary ko.

Inasikaso ko na agad ang mga nag apply for Operations Director.

Lahat sila ay deserving sa pwesto.

Pero kailangan kong mamili.

"Ms. Santos, please come in" tawag ko sa seretary ko.

"Can you please hand me a summarize for all of this? Para madali kong makita. Nabasa ko naman na lahat but i need to know ang pagkakaiba nila" sabi ko.

"Yes po ma'am. Right away po" sagot niya.

Makailang oras ay binigay na niya sa akin ng summary ng mga applicants.

"Thank you" sabi ko.

Maganda ang credentials pero hindi ganoon kaganda ang performance. May iba naman na hindi pa masyadong hinog para sa ganitong position. Iba naman ay hindi masyadong ok ang work experience.

What if maghanap ako ng ibang tao? Baka may mas deserving at fit sa position.

"Ms. Santos, please come in" utos ko.

"Yes po?" sagot niya.

"Please paki update sa website natin na hiring tayo for operations director. Starting salary 70,000. Negotiable. Thank you" sabi ko.

"Wala po ba kayo napili ma'am sa nagpasa dito?" tanong niya.

"Meron. Pero i want them to undergo training. At hahanap din tayo sa labas" paliwanag ko.

"Sige po ma'am" at lumabas na siya.

Nagtrabaho lang ako buong araw sa office at hindi ko muna inisip si Benji.

Benji's POV

Magsisimula na ang event namin. Kami ang opening ni Akira.

(Moving Closer - Felip cover)

Moving closer
Closer to you
Moving closer
I'm moving closer to you

"Thank you everyone, to all the fans na naghintay at nag abang i love you all and thank you Akira for this wonderful collaboration" at lumabas na ako ng stage.

Sa wakas natapos na din ang event.

Bukas ay irerelease na ang collaboration song with Mandirigma. At live naming kakantahin iyon sa isang bar.

Natatandaan niyo ba yung kinanta ko kay Jaja? Yes, iyon nga.

Ininvite ko si Jaja mabuti at pumayag siya.

Para sa'yo ang kanta na 'yun, Jhanine.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now