Chapter 18 - Greatest Expressions of Love

16 0 0
                                    

Benji's POV

Pagbalik ko ng kwarto ay tulog pa din si Jaja. Nag order na lang ako ng pantanggal niya ng hang over.

Kung iniisip niyo bakit dito sa condo ko siya dinala?

**flashback**

Busy akong mag edit ng songs ko for my collab with Akira.

Hanggang sa...

**phone ringing**

Si Jhanine?

B: Hello Jhanine, bakit ka napatawag?

J: Hello po sir. Pasensya na po sa pagtawag. Sa The Back Room po ito. Hindi ko po kasi alam sino ang tatawagan. Lahat po kasi ng tinawagan ko hindi po sinasagot maliban po sa inyo. Yung may ari po ng phone na 'to ay lasing na lasing na po.

B: Saan? Sa The Back Room? Sige papunta na ako.

J: Salamat po sir. Sensya po sa abala.

Dali akong pumunta sa bar para sunduin si Jhanine.

Pagkita ko sa kanya ay tulog na tulog dahil sa kalasingan. Bakit naman 'to naglasing ng husto? Dahil ba sa nangyari kanina sa mall?

"Jhanine, si Benji 'to. Uwi na tayo" sabi ko kay Jaja.

"B-benji? Uy andito ka pala hahaha" lasing na sabi ni Jaja.

"Jhanine uuwi na tayo. Lasing ka na" pag aya ko kay Jaja.

"Ayaw nila akong bigyan ng alak. I will pay naman" pacute niyang sabi.

"Uuwi na tayo please? Gabi na" sabi ko.

Buti at napapayag ko siyang umuwi na. Naglalakad kami ngayon at akay akay ko siya.

"I don't want to go home" sabi niya.

"Eh saan naman kita dadalhin?" tanong ko.

"Anywhere except sa bahay ko" sagot niya.

Saan ko naman ito dadalhin.

"Wwwoooooaahhhh" nasukahan ako ni Jhanine.

"Ooops sorry. Akala ko lababo" pagsosorry ni Jhanine.

Really Jhanine mukha ba kong lababo sa paningin mo? Hays.

Dahil nasukahan niya na ako at baka makita pa ako ng maraming tao na bitbit ko 'tong babaeng 'to ay dinala ko na lang siya sa condo ko dahil mas malapit ito kaysa sa bahay niya.

Pa'no ko naman papalitan ng damit to? May suka din damit niya. Ayaw ko naman pahigain to sa kama ko na may suka damit niya.

Naligo muna ako at nagpalit ng damit.

Pero paano ko nga papalitan ng damit si Jaja.

Pipikit na lang ako?

Minsan ko lang gagawin to.

Unti unti kong tinataas ang damit ni Jaja. Pumikit ako habang tinatanggal ang damit niya. At tinakpan ko ng twalya para matakpan ang buong katawan niya.

Tinanggal ko na din ang pants niya at sinuotan ko agad ng jogging pants ko. Wala naman akong damit dito na pambabae eh.

Sunod naman ay sinuotan ko siya ng tshirt ko at tsaka ko tinanggal ang tuwalya ko.

Kumuha ako ng basang bimpo at pinunasan ang mukha at braso niya.

Jaja, nasa tabi mo lang ako palagi.

Hinayaan ko na siyang matulog sa kwarto ko at pinatay ang ilaw.

Sa sala na lang ako matutulog siguro.

Kung ano man ang nararamdaman ni Jhanine ngayon ipaparamdam kong hindi siya nag iisa.

**end of flashback**

Dumating na din ang inorder kong pagkain at chineck ko si Jaja ulit kung gising na siya.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong hawak ni Jaja ang picture namin noong bata pa kami.

Tinititigan niya itong mabuti.

"B-benji?" gulat na sabi ni Jaja.

"Sorry kung dito kita dinala. Ayaw mo kasi umuwi sa bahay mo" bigla akong niyakap ni Jaja at umiyak.

"Sige ilabas mo lang 'yan" habang hinihimas ko ang likod niya.

Nung natapos na siya umiyak ay bigla niya akong tinulak.

"Bakit mo ako dito dinala. Tsaka bakit iba na 'yung suot ko? Manyak ka!!" bulyaw ni Jaja.

"Hoy anong manyak! Nakapikit ako habang pinapalitan ka ng damit mo. Nasukahan mo nga ako kagabi at may suka din damit mo. Tapos sabi mo mukha akong lababo!!! Ayaw ko naman matulog ka sa kama ko na may suka ang damit mo 'no!" paliwanag ko.

"Isa pa, may respeto ako sa mga babae" at lumabas na ako ng kwarto.

Nagmagandang loob na nga ako, nasabihan pa akong manyak. Wew.

I always respect women.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now