Marahang iminulat ni Alaina ang mga mata.
Tumambad sa kanya ang butas-butas na bubong ng kanilang kwarto.
Saka dumako ang tingin nya sa ina na nakahiga sa tabi.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nya.
Napansin nyang hindi na ganon kapayat katulad ng dati ang mama niya. May laman na at medyo mabilog ang pisngi nito na dati ay humpak na humpak.
Humalik sya sa noo ng ina bago tumayo sa papag na higaan.
5:30am na ayon sa orasan nilang basag ang salamin at nakasabit sa tablang tagpi tagpi na nagsisilbing dingding nila.
Lumabas sya ng kwarto na kurtina ang nagsisilbing pinto.
Ang sala nila na salat na salat ang bumati sa kanya.
Tagpi tagpi ring plywood ang haligi ng bahay nila.
Isang mahabang plastik na upuan , isang maliit na lamesa na mayroong nakalagay na maliit na radyo at lumang tv na libangan nila ang tanging gamit na makikita ruon.
Sa isang bahagi naman ay ang kusina nila kung saan nakatayo ang isang mesang kainan, pati narin ang apat na upuan ang pugon na lutuan, dalawang malaking drum na imbakan nila ng tubig at isang banga na lagayan nila ng tubig inumin, at lagayan ng plato na pwede na nilang itapon sa kalumaan.
Napabalik ang tingin nya sa sala ng makitang tumayo ang ate Cheska nya na kanilang ampon sa sahig na tinutulugan nito.
Pupunga-pungas ito na tumayo. "Gising ka na pala." Sinimulan na nitong tupiin ang pinaghigaan.
"Naku ate sorry nagising ba kita? Maaga pa ho matulog pa po kayo, ako na ho bahala magluto ng umagahan."
"Ay sus okay lang. Pagkatapos namang magluto nang umagahan at tanghalian wala na akong gagawin, magk-kwentuhan na lang kami ni ate Imelda." Sabi nito saka dumeretso sa lababo para maghilamos.
Bata lamang ito ng limang taon sa Mama nya.
Dati itong GRO sa may bayan dito sa San Gabriel. Tinulungan nila ito ng makita nilang namimilipit ito sa sakit sa gilid ng kalsada.Binugbog ito ng kinakasama at parang hayop na pinalayas.
Walang tumulong rito kahit sino...
...Dahil dito sa San Gabriel salot ang tingin sa kung sino man ang mababa ang lipad ,may madilim na nakaraan o nagmula sa isang walang kwentang pamilya...malas ang tingin ng mga taga San Gabriel sa ganong uri ng tao...tulad nya.Nakita nyang nagsindi ng pugon ang ate Cheska nya kaya naman kinuha nya na lang ang balde at sumalok ng tubig sa drum. Natigilan sya ng makitang walang laman iyon.
"Naku! Pasensya na Alaina. Sumakit kasi ang likod ko kahapon pagkatapos kong maglaba. Ngayon palang sana ako mag-iigib ng tubig. Teka at ipag-iigib kita-."
"Ako na ho ate, sabi ko naman kasi sa inyo ako na ang maglalaba at mag-iigib."
"Alam mo naman ito lang ang maigaganti ko sa inyo sa pagpapatuloy nyo sakin dito."
"Si Ate talaga alam nyo naman na hindi kami nanghihingi ng kapalit sapat na pong sinasamahan at inaalagaan nyo si Mama kapag wala ako.
Ngumiti ito.
"Sigurado kaba? Mapapagod ka may pasok ka pa naman."
"Okay lang ate nine pa naman first subject ko." naglakad na sya papuntang likod bahay.
Sa likod bahay naka pwesto ang poso na pinagkukuhaan nila ng tubig. Ilang metro din ang layo nito sa kubo nila, duon din ang labahan.
Habang nagb-bomba ng poso, pinagmamasdan nya ang kubo nila na nakapwesto sa paanan ng bundok. Kung malakas lakas na bagyo lang ang dumating sigurado syang magigiba iyon.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...