17

30.1K 849 48
                                    

Sigawan at malakas na putukan ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Pilit kong inaabot ang baril sa bewang ko pero hindi ako makakilos.

Because Sky Aragon is on top of me, tinatakpan niya ng katawan nya ang katawan ko para hindi ako tamaan ng bala.

"Shit! Get off Sir, paano ako makakakilos kung nandyan kayo." inis na sabi ko. Sa dibdib ko naruon ang takot na baka masaktan sya.

"No! Baka tamaan ka ng bala."
Matigas nyang sabi.

Ano bang pinagsasabi nya.

I'am the freaking bodyguard, not him! Katawan ko dapat ang tumatakip at hindi katawan nya.

Nakita ko si Calix na pinoprotektahan si Margaret. May hawak din itong baril.

Hinanap ko kung nasaan ang mga kalaban.

Iyong dalawang lalaki, malapit nasa may pinto at patuloy sa pagputok ng baril.

"Pag hindi ka kumilos Yna para tulungan si Calix makakatakas ang mga iyan!" sigaw ng isip ko.

Kaya ang ginawa ko malakas akong umikot, para magkapalit kami ng ayos ni Sky.

"Damn it! Butterfly."

Hindi ko pinansin ang pagmumura niya. Mabilis akong kumilos at nilabas ang baril ko.

Gumanti ako ng putok. Ngayon papalabas na ang dalawang lalaki.

Kaya naman pala umuulan ng bala may mga kasama pa ang mga ito na nagpapaputok sa labas, sakay ng isang itim na van.

"Calix iikutan ko, cover me. And protect Mr. Aragon." sabi ko na tinanguan nya.

Walang nababakas na kahit ano sa mukha nya at kahit sa mukha ko.

Sinanay kami sa ganito at pare-pareho kaming may tiwala sa isa't-isa, kaya walang bumakas na pagtutol sa mukha nya ng sabihin ko iyon.

Aktong iikot ako papunta sa kabila ng tila may bakal na pumalibot sa bewang ko.

"Dito ka lang!" galit na sabi ni Sky.

Tangna naman ba't ba ganito ito? Nagkakaputukan na, ngayon pa sya naging ganito.

"Sir let me go!" sabi ko rin sa matigas na tinig. Tinignan ko ang mga kalaban nakalabas na, at papasakay na ng van. Wala pa kaming lead kung sino ang gustong magpapatay kay Sky at malaking tulong kung makakahuli kami ng isa.

Pero hindi parin sya bumitaw kaya ginawa ko na ang isang bagay na alam kong maaring ikagalit nya, sinikmuraan ko sya.

Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit nya sakin, na aking sinamantala.

Mabilis akong lumayo sa kanya at gumapang papalapit ng pinto.

"Shit Alaina!" kung nasa normal na sitwasyon lang kami, malamang napaisip na naman ako kung bakit pati sya tinawag akong Alaina.

Pero nasa kumplikadong sitwasyon kami kaya wala akong panahon na mag-isip ng mga walang kwentang bagay.

Nakarating ako ng pinto. Tatlong metro na ang layo ng dalawang lalaki sa van.

Mabilis kong pinaputukan sa paa ng isa.

Natumba sya at ni hindi man lang sya tinulungan ng kasama niya na nakasakay na ng van, bagkus nakita ko pa na tinutukan sya ng baril ng isang lalaki na nasa loob ng sasakyan.

Ang sasama talaga papatayin ang sariling kasamahan imbes na tulungan.

Sa inis ko pinaulanan ko ng bala ang mga nasa van.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon