Dedicated to @ennahrondina.
Salamat po sa votes comment at supports.Hanggat maari gusto kong pasalamatan lahat ng sumusuporta sakin. Kaya nagd-dedicate ako. Paisa-isa lang po sa bawat UD ko sa mga story ko. Bahala na kung saan story mapatapat😆😆😆.
Salamat ulit at happy reading.
*****
"It's good to have you back Alaina." Nakangiting sabi ni Senyora Carmela habang niyayakap ako.
Nasa Mansion na kami ng mga Aragon.
Pagpasok pa lang ibinalita kaagad ni Sky ang lahat sa Mama nya.
Tuwang-tuwa ang ginang. Halos hindi na nga ako bitawan.
"Thank you po seny-."
"Call me Mama hija alam ko naman na hindi ka na papakawalan ng anak ko."
Namula ako sa sinabi nya.
Si Sky natatawang niyakap ako mula a likod at pinatong ang baba sa ibabaw ng ulo ko.
"Tama Ma. Hindi ko na talaga 'to papakawalan."
Pabiro ko syang siniko.
"Masaya talaga akong makita kayong ganyan." Bakas na bakas pati sa tinig ng ginang ang saya.
Hinalikan naman ako ng mabilis sa pisngi ni Sky.
"Yna can I talk to you for awhile?" Sabay kaming napatingin kay Calix.
Base sa mukha nya alam kong tungkol sa kaso ni Sky ang sasabihin nya.
"Excuse me." Paalam ko sa ginang.
Hindi naman ako binitawan ni Sky.
"Sky?" Nilingon ko sya.
"Ayaw kitang bitawan Butterfly." bulong nya.
"Maghapon mo na akong yakap eh, bitaw muna baka maumay ka kaagad." Bulong ko rin.
Ngumiti sya ng pilyo.
"Kahit paulit-ulit hindi ako magsasawa."
Putek talaga itong lalaking ito.Namumulang pinalo ko ang braso nya.
"Sky!" Pinandilatan ko pa.
"Okay,okay. You may go." Natatawang sinabi nya saka ako binitawan.
Inirapan ko sya at pupunta na sana kay Calix ngunit muli na naman akong hinila.
"Pero seryoso ako dun, Butterfly. " sabay halik ng mariin sa mga labi ko.
Ano pang magagawa ko kundi ang pumikit at tumugon.
Kaso hindi ko pa nanamnam ang halik nya, tinapos nya na iyon.
"Go Butterfly, bago kita ipasok sa kwarto ko." He said while placing a kiss in my forehead.
Pinanlakihan ko sya ng mata bago tumalikod.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Calix.
Basang-basa ko ko ang kapilyuhan sa mga mata ng gunggong kong kasama.
"Hands-off David." Narinig kong sabi ni Sky habang naglalakad ako.
Sumaludo naman si Calix dito.
*****
"So anong itatawag ko sayo. Yna?or Alaina?" Iyan ang unang tanong ni Calix ng makarating kami sa veranda.
"So you knew?" Taas kilay na tanong ko.
"Babe I knew it from the start. Sa tingin mo ba may makakaligtas kay Gela?"
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...