5

21.1K 731 43
                                    

Sa likod ng Management building A ako dinala ng mga paa ko.

Doon sa lumang duyan ako umiyak ng umiyak.

This place its my refuge. Pag hindi ko na kaya ang mga pang-aalipusta at pagpapahiya sakin.

Aksidente ko lang na natuklasan ang lugar na ito. Siguro dahil marumi at mapuno sa bahaging ito kaya walang naliligaw na mga estudyante rito.

Ang duyan ang nagsisilbi kong shock absorber. Hindi ko alam kung kelan at sino ang naglagay ng duyan na ito dito, ang alam ko lang nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano may napupuntahan ako dito sa S.G.U pag hindi ko na kinakaya ang lahat.

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang nakahiga sa duyan at nakatingin sa mga dahon ng puno ng mangga, na humaharang sa sinag ng araw. May ilang sinag pa na nakakalusot duon na nagpapasilaw sakin.

Pumikit ako na lalong nagpabalong sa mga luha ko.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi na lang akong hinihiya at pinapahiya ng mga estudyante rito.  Iisa ang puno't dulo ng lahat.

....Dahil ako si Alaina Mae Montecro ay bunga ng dalawang taong pinagbabawal na mag-ibigan.

"Mama... Papa."daing ko.

Malas, salot at anak ng demonyo, binansagan akong ganon dahil sa mga magulang ko.

Sino ba ang may sabing lahat ng tao may karapatan na mahalin ang kung sino man na magustuhan  nya.

Ang kasabihang iyon ang sinunod ng mga magulang ko.

Umibig ang mga ito sa isat-isa kahit na nga sumumpa silang pareho na maglilingkod sa Diyos.

... Isang Pari si Papa at Madre naman ang Mama Sa San Gabriel Church.

Nagkakila...at kahit bawal nagka-ibigan.

At kahit nasa loob ng tahanan ng Diyos di napigilan ng mga ito ang damdamin.

Nabuntis si Mama, nang malaman iyon ng mga taga San Gabriel pinaalis at pinagtabuyan ng mga ito ang mga magulang ko.

Baka daw malasin ang buong San Gabriel sa kasalanang ginawa nila. Baka ang bayan ang parusahan ng Diyos.

Lumayo sila at hindi umalis sa San Gabriel. Duon sa bundok na tinitirhan namin nagsama si Papa at Mama.

Walong taon ako ng mangyari ang trahedyang iyon... Trahedya na lalong nagpatibay sa paniniwala ng mga taga San Gabriel na malas kami.

Bumababa parin ng bayan sina Mama at Papa sa kabila ng pang-aalipusta na tinatanggap nila. Sa bayan ako nag-aaral at hatid sundo nila ako.

Ngunit ng araw iyon...

Bumangga ang jeep na sinasakyan nila habang papunta sila sakin, na kinamatay ng Papa at kinabulag ni Mama. May namatay at nasugatan din bukod sa kanila.

Ako ang sumalo ng lahat ng sisi dahil mula nuon di ko na pinayagan na bumaba ng bayan si Mama, hanggat maari ayokong marinig nya ang mga panglalait at pang-aalipusta ng mga tao.

Sa batang edad natuto akong magtrabaho, sa batang edad sobrang paghihirap na ang dinanas ko.

At ngayon sa edad kong bente dos ganon pa din, walang pinagbago.

Sobrang hirap...

Sobrang sakit...

"Hanggang kailan ba ito Papa?" Umiiyak na tanong ko.

*****

Nagb-bike ako papuntang Diners Fav ng matanggal ang kadena ng bisekleta ko.

Bumaba ako at kinabit iyon.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon