Prologue

33.3K 1K 37
                                    

Palipat-lipat ang tingin ni Yna sa harap ng kanyang boss at kaibigan na si Angela at sa envelop na nakalapag sa mesa.

"Are you kidding me right?" sabi nya.

"Do i look like I'm joking to you?" malamig na balik na tanong   ni Angela sa kanya.

Natigilan naman sya.

Kahit kelan talaga nakakatakot tumingin si Angela Fuentebella Santiago, lalo na kapag seryoso ito.

Nakakatakot kapag walang emosyon ang asul na mga mata nito.

"B-but A, iba na lang. Ayokong magbodyguard you know naman, I hate baby sitting walang thrill iyon."

"My decision is final, you handle this assignment. And believe me hindi ka maiinip sa trabahong ito. So if I were you I will pack my bag and go to San Gabriel.

Sumimangot sya kapag ganon na ang tono nito wag ka nang makipagtalo at di ka mananalo.

"Fine." inabot nya ang envelop at binuksan iyon. Mahirap na pagnagalit ito, nakakatakot.

Si Angela ang isa sa pinakamabait na taong nakilala nya huwag lang itong gagalitin nagiging demonyo ito.

Tanging ang asawa lang nito na si Dylan Santiago ang nakakapagpakalma at nakakapigil dito.

Tss. Ano ba ang sinasabi nya parehas na nakakatakot ang mag-asawang iyon kapag nagagalit. Period.

Ang boss nila. The D&A.

Inilabas nya ang picture ng susunod na assignment nya.

And nothing prepared her nang makita nya ang larawan ni Sky Aragon.

May mga paruparong nagliparan sa tyan nya habang pinagmamasdan ang mga matang tila nakatingin din sa kanya.

Ramdam nya ang paninikip ng dibdib, napahawak sya roon at bahagyang napapikit.

"Are you okay?" tanong ni Angela.

"Ha? O-oo." Ibinalik nya ang litrato sa envelop.

"Sige A, magre-ready na ko." tumayo sya at humalik sa pisngi nito.

Habang naglalakad humihigpit ang hawak nya sa envelop.

"What the heck was that?"

Hindi nya alam kung bakit ganon ang naging pakiramdam at reaksyon nya ng makita ang larawan ni Sky Aragon.

Sumakay sya ng kotse.

But one thing is for sure. Excited sya na makita ito.

Mula naman sa bintana ng 3rd floor sa opisina nya, pinagmasdan ni Angela si Yna.

"So you really did it?" tanong ni Dylan sa asawa nya na yumakap sa kanyang bewang.

"Ylan."

"Ibinagay mo na sa kanya ang assignment?"

Tumango sya at yumakap dito, kinarga naman sya nito at umupo sila sa couch na naruon. Nakaupo sya sa hita ng asawa.

"Its time, na muli silang magkasama. Mahirap makalimutan ng minamahal, pero mas mahirap isipin na wala na ito at kelan man ay di mo na makikita." she said remembering her own suffering ng mabura sya sa alaala ni Dylan.

Hinalikan naman sya nito.

"If they're really belong to each other a forgotten memories can't stopped them to be together. Just like what happened to us. My heart remember you because you belong to me and only me."

Ngumiti sya at hinalikan ito.

"You're right pero hindi naman masama kung tutulong ako ng konti diba?"

Tumawa si Dylan.

"Knowing you, hindi lang kaunti ang itutulong mo. I'am sure na hindi ka titigil para magkasama ulit sila."

Nagkibit balikat sya.

"I want them to be happy."

"Yeah lahat naman kami gusto mong sumaya. That's why we love you."

"And I love you too, Ylan ko."

Ngumiti  sya bago hinalikan ulit ito  ng mabilis.

"Come lets see our children."

Nakangiting tumango sya.

Yeah she is happy at gusto nyang maging masaya ang pamilya nya kahit na magplaying cupid sya.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon