15

31.3K 897 37
                                    

Nakasakay ako sa motor, buhay ang makina pero nakahinto ako sa tapat ng isang Mansion.

Awang ang labi ko at nakakunot ang noo.

Bakit?

Dahil ang Mansion na nasa harapan ko ay ang Mansion ng mga Aragon.

Bakit ganito ang reaksyon ko?

Nagising ako ng maaga kanina.
Dahil maaga nga kaming pinag r-report ni Sky Aragon.

Naligo lang ako at nagkape di na nag-abalang mag-almusal. Pagkatapos ay sumakay ng motor.

Wala sa loob na nagdrive ako at heto nga andito na ko sa tapat ng bahay nila.

Ang di ko lang maintindihan paano akong nakarating dito gayong hindi ko alam ang address nila? Na realize ko yun ng huminto ako sa tapat ng gate.

Hindi ko talaga alam ang address, hindi ko pa binabasa ang file nya dahil na d-distract ako sa nararamdaman ko.

Kaya naman heto ako ngayon takang-taka.

"Ang weird talaga, paano ko napuntahan ang lugar na hindi ko pa nararating?"

Napakamot ako sa ulo.

"Tutunganga ka na lang ba dyan?"

"Ay sexy voice!" dahil busy ako sa pag-aanalisa kung paano ako nakarating dito, nagulat ako sa seksing boses na iyon na biglang pumailanlang sa intercom na nasa gilid ng gate.

"Ang seksi ng boses nya."

"Yna." tawag nya sakin nang ilang sandali akong tulala.

"Ay oo papasok na ako Sir."

Ang lakas ng tama ko narinig ko lang ang boses nya tulaley na ang beauty ko.

Pinagbuksan ako ng gwardya na kung makatingin sakin parang nakakita ng multo.

Wala akong suot na helmet dahil gusto kong i-enjoy ang sariwang hangin ng San Gabriel.

"Hello Kuya." bati ko sa kanya.

Bago derederetso nagdrive papasok ng Mansion, di ko na p-problemahin kung bakit ganon ang reaksyon nya.
May natuklasan kasi ako sa mga tao dito sa San Gabriel.

They're all weird.

At kapag nakakakita sila ng Dyosa, tinatawag nilang malas.
O diba weird.

Nasa harap ng pinto si Sky.
Nakatingin sakin habang nakasandal at nakahalukipkip.

Nyemas ang gwapo.

"Landi mo Yna."

Pero bakit andyan sya? Hinihintay nya ko?

Nakatingin ako sa kanya habang pinaparada ko ang motor, kaya naman kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay nya.

Saka sya nagsimula lumapit sakin.

"Nagd-drive ka ng walang helmet?" tanong nya.

"Sir?" inalalayan nya ko sa pagbaba.

Hindi ako nakaimik kasi ayan na naman ang kakaibang epekto nya sakin ng lumapat ang palad nya sa braso ko.

"Bakit nagd-drive ka ng walang helmet?" ulit nya sa tanong.

Ang kamay nya di parin bumibitaw.

"Ah, gusto ko lang Sir." sagot ko na pasimpleng hinihila ang braso ko.

Nagsalubong ang kilay nya. Humigpit ang pagkakahawak sakin.

"Don't do it again kahit na gusto mo lang, is that clear."

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon