Iyong mga mata nya nag-aalab sa galit habang nakatayo sa bungad ng pinto at nakatingin sakin.
Parang kakainin nya ako ng buo.
"Sir bakit lumabas kayo, delikado rito, asan si Calix?" di ko pinansin ang galit nya.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid mahirap na baka may kalaban sa paligid at bigla na lang syang barilin.
"Pumasok na kayo Sir baka-." bigla nya akong hinigit sa braso.
Putek ang sakit! Duon mismo sa nadaplisan ng tama ng baril nya ako hinawakan. Hindi pansin ang sugat ko dahil sinuot ko ang coat nya.
Kinaladkad nya ako papasok hanggang sa makarating kami ng sala.
"You are a fool!" sabi nya na galit na tinignan ako.
Nasa sala rin sina Senyora Carmela na nakaupo sa single sofa, si Calix na nakatayo malapit sa may bintana, si Margaret at Priscilla na magkatabi sa couch, at si Anthony at Rodrick na parehong nakaupo rin sa single sofa.
Tahimik silang lahat na nakatingin samin.
"Hindi ko alam na wala ka pa lang isip Yna." dagdag nya pa.
Aba, aba kanina pa sya. Ano bang kinakagalit nya.
"Ano bang problema Sir?" timpi Yna.
"What's the problem? You fucking asking me what is the problem!" lalo yata syang nagalit sa tanong ko.
"Opo." sagot ko, eh talaga namang di ko alam kung ano ang problema at anong kinakagalit nya.
"You are the problem! Bakit hindi ka nag-iisip? Bakit basta-basta ka na lang na sumunod sa mga taong iyon. Tanga ka ba hindi mo ba naiisip na maari kang mapahamak!" nakita kong bumakas ang takot sa mukha nina Margaret at Priscilla. Napakalakas kasi ng boses ni Sky at talagang animo dumadagundong sa buong sala ang tinig nya.
"Anong problema dun? Sinanay ako para duon, at sanay ako sa ganon Sir. Iyon ang trabaho ko. Ang protektahan kayo." naiinis na sabi ko.
"I don't give a shit kung iyon ang trabaho mo. Wala akong pakialam kung sanay ka dun. All i care is your safety. At hindi ko gusto na para kang tangang hinabol ang mga kalaban nang ikaw lang!" sigaw nya.
Napahilot ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iintindi kung ano ang point nya.
Idagdag pa ang pananakit ng braso ko."Shit naman oh." mura ko na kinatigalgal ni Sky, kinagulat ni Senyora, at kinanlaki ng mga mata nina Priscilla, Margaret at ng dalawa pang lalaki.
si Calix napailing."Kalma Yna." sabi nya pa.
"Di ko makuha ang gusto nyong iparating. Ginagawa ko ang trabaho ko. Dapat maging masaya kayo dahil sulit ang ibabayad nyo sakin. At hindi po ako tanga. Alam ko kung kelan ako dehado, at alam ko kung anong gagawin sa mga sitwasyon na magigipit ako.
I assured you Sir, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko, dahil iyon ang pinangako ko sa boss ko. So kung ang ginawa kong pagsunod sa kalaban ang kinagagalit nyo. Pasensya na Sir pero di ko maipapangako na hindi mauulit iyon. Its my job." sabi ko na deretsong nakatingin sa kanya.Matagal syang di nagsalita nakatitig lang sakin.
Kung hindi lang ako naiinis baka parang sinisilihan na ako sa tiim ng titig nya sa akin.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya at binalingan ko si Calix.
"Hindi ko naabutan. May tumawag na ba na taga- DQ?"
Umiling sya.
"You need to tend that wound Yna." sabi nya.
Pinanlakihan ko sya ng mga mata.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...