For 3s_marias maraming-maraming salamat po...
****
Kanina pa palakad-lakad si Sky sa harap ng delivery room.Sobrang kinakabahan na ako.
Si Yna ang asawa ko, higit tatlong oras nang nasa loob ng kwartong ito.
"Calmed down Sky." Pang-aalo sa akin ni Dylan.
Tinignan ko lang sya.
Nakaupo sila ni Angela kasama ang ilang D&A si Leigh, Keighla, Xienne, Landon, Gelo, Calix at Jensen.
Pinagpatuloy ko ang pabalik-balik na lakad.
"Gosh kaloka , ganyan talaga, masarap gumawa ng anak pero masakit maglabas." Komento ni Xienne.
"Iyang bibig mo." Saway ni Landon sa kanya.
"Bakit bhe totoo namam ah." Sagot Xienne.
"Don't bhe me, your not my girl." Busangot ang mukha ni Landon napatingin ako sa kanila.
Tama yata ang sabi ni Yna, may something sa dalawang ito.
Kahit hanggang dito, ramdam ko ang tension ng dalawa, sexual tension to be exact.
Si Xienne imbes na mainis nang-aakit pa na tinignan ang lalaki.
"Why? Do you want me to be your girl."
"In your dreams." -Landon.
"Tama na iyan kids baka magkapikunan kayo sa iba mauwi." Natatawang sabi ng buntis na si Leigh.
Kaalis lang ni Tyrrone, na nangako sa asawa na babalikan ito kaagad.
Maselan kasi ang pagbubuntis nito na ngayon ay limang buwan na ang tyan. Bago pa nga umalis ang lalaki katako-takor na bilin amg iniwan nya sa amin at sa asawa nya.
Kahit naman ako. Kung ganyan kaselan ang pagbubuntis ni Yna kung maari hindi rin ako hihiwalay sa tabi nya.
Speaking of my wife, napaunat ako ng tayo at nag-aalalang muling pinagmasdan ang delivery room.
Bakit ba ang tagal-tagal.
Kanina ng makita ko ang asawa ko na naminilipit sa sakit dahil sa pagl-labor, parang gusto kong sapak-sapakin ang sarili ko.
I'm the reason why my wife is in pain right now! Fuck! Fuck!
Tumayo si Dylan at tinapik ako sa balikat.
"I know what you feel man. Sigurado akong sinisisi't minumura-mura mo ang sarili mo ngayon. Ganyan din ako. But Par, kung natatakot ka ngayon triple ang naramdaman ko sa loob ng operating room. Good thing hindi ka sumana sa loob dahil sigurado akong hihimatayin ka. Ilagay mo na lang sa isipan mo na hindi basta-bastang babae si Yna, na kayang-kaya nya iyon. Malakas sya, malusog sigurado akong hindi nya hahayaan na malagay sa panganib ang buhay nya at buhay ng anak nyo. Just like my angel here, na tatlo ang inilabas." Hinapit ni Dylan si Angela na lumapit din sa amin.
"Yna can do it Sky." Sabi ni Angela na hinalikan ni Dylan sa ibabaw ng ulo.
"Malakas si Yna, tignan mo baka isang linggo after this nanapak na iyon." Natatawang sabi naman ni Calix.
Nginitian ko silang lahat.
"Makaka-score ka kaagad Sky hindi kana matiti-ummp." Bahagyang nawala ang tension na nararamdaman ko ng biglang takpan ni Landon ang bibig ni Xienne para mapigilan ang kahalayan na lalabas sa bibig ng babae. "Ummp..."
"Pagpasensyahan mo na ito pare, kulang sa disiplina ang bibig ng babaeng ito." Tumayo si Landon na nakatakip parin ang kamay sa mga labi ni Xienne kaya nadala ang babae sa pagtayo nito. "Kukuha lang kami ng kape." Saka hinila ni Landon ang pumapalag na si Xienne.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...