14

32.1K 848 31
                                    

Confused Heart

My heart is thumping
Jumping and beating wildly.
As i look into your chocolate brown eyes baby

I'm confused,
coz i feel hooked.
You looked into my eyes as if I'm an open book

What is this? Who are you?

Tell me now coz i don't know what to do.

                            Helliza


Kinakapos ako ng hininga, hindi ko alam kung bakit hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya.
Pakiramdam ko hinihigop nya ang kaluluwa ko. Iyong mga mata nya parang inuutos na...

"Tignan mo ako. Ako lang ang tignan mo."

"Maghunusdili ka Yna kliyente yan, magiging amo mo magtino ka." saway ng isang bahagi ng isip ko kaya naman nagpilit akong ngumiti.

"G-good day Sir I'm Yna Montess your bodyguard." kimi akong ngumiti at inabot ang kamay ko sa kanya.

Hindi nya inabot iyon. Nakatitig lang sakin.

Si Calix napapakunot ang noo habang nakatitig samin habang si Senyora Carmela naman nakahawak sa dibdib at tila may inaabangan na kung ano.

Nabura ang ngiti sa mga labi ko.

"Suplado pala sa personal to."

Kung kelan ibaba ko na ang kamay ko saka naman nya iyon inabot.

Napasinghap ako ng malakas ng rumagasa ang init at maliliit na boltahe ng kuryente sa kamay naming magkadaop, paakyat sa siko ko patungong buong katawan ko at naipon sa dibdib ko na nagpalakas pa lalo ng kabog niyon.

"Sky Aragon." sabi nya na humihigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tabingi akong ngumiti.

"N-nice meeting you Sir." pagkasabi ko nuon, hinila ko na ang kamay ko ngunit imbes na pakawalan iyon humigpit pang lalo ang kapit nya sakin.

"Syemay pag hindi nya pa ako binitawan malamang hihimatayin na lang ako dito dahil sa paninikip ng dibdib."

Naramdaman siguro ni Calix ang pagkailang ko kaya nagsalita na sya.

"Ah, pwede na ba natin na ituloy ang pag-uusap tutal andito na si Yna."

Waaa thank you Calix.

"Sit here Yna." Dagdag nya pa.

Nilingon ko sya at nginitian.

Naramdaman ko ang pagdoble  ng higpit ng pagkakahawak sa aking kamay, kaya naging tabingi na naman ang ngiti ko.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking inangkin na yata iyon dahil hindi mabitaw-bitawan .

Sa pagkakataong iyon salubong na ang kilay niya na parang may hindi sya nagustuhan sa nakita, naramdaman ko pa ang bahagya nyang paghila sakin, siguro kung wala ang mesa sa pagitan namin malamang nasa bisig nya na ako.

"Bakit parang gustong-gusto mo naman mayakap nya aber?"

"Ah uupo na po ako Sir."

Ayan na naman sya, tinitigan na naman ako ng tagos hanggang kaluluwa.

Pinisil nya ang kamay ko, bago dahan-dahan na pinakawalan iyon. Hindi ko alam kung sinadya o hindi pero pinagkiskis nya ang kamay namin habang naglalayo, hindi ko tuloy mapigilan na mamula dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

Tumikhim si Senyora Carmela.

"Upo ka Hija."

Nginitian ko ang ginang.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon