Token Of Love
Take this gift as a signed of my love.
Take my love because you're my other half.Token of love, my token of
trust.
From now on i give you my heart.Take care of it...
Treasure it, because my soul is in it.Token of Love you're my missing part.
Hope we have a happy life and never will be apart ...-Helliza
Two weeks...
Its been two weeks after that one fairy tale night.
And its been two weeks simula ng huli kong makita si Sky. Dalawang linggo na rin akong nag-aalala. Hindi man lang kasi sya nagsabi na aalis, kundi ko pa narinig kina Priscilla na may emergency syang pinuntahan sa Maynila hindi ko pa malalaman kung asan sya.
"Hindi man lang sya nagpaalam."
"At bakit naman sya magpapaalam sayo? Sino ka ba?"
Paulit-ulit ang mga salitang iyan sa isip ko.
Nagdaramdam ako. Hindi man lang nya naisip na nag-aalala ako sa kanya.
Tuloy lalo akong naging tahimik at malungkot. Idagdag pa ang mas lumalang pamb-bully sakin nina Priscilla at Margaret, na nadagdagan ang galit sakin dahil sa mga nangyari sa party ni Sky. Higit isang daang beses na nila akong pinahiya sa loob ng dalawang linggo.
Ngayong araw, ilang beses akong napaglaruan ni Priscilla at kaninang umaga pa masama ang pakiramdam ko.
Idagdag pa ang biglang buhos ng malakas na ulan ngayong pauwi ako. Sinugod ko na iyon dahil kung hihintayin ko pang tumila baka abutin ako ng baha sa daan. Isa pa ayaw kong magpalipas ng gabi sa parking lot ng store, hindi ko gusto ang mga titig na binibigay sakin ng gwardya.
Habang nagbibisekleta hindi iilang beses na muntik na akong sumemplang at matumba, hindi lang dahil sa nahihilam ako sa tubig ulan na bumabasa sa buo kong katawan kundi dahil din sa hilong nararamdaman ko.
Maayos akong nakarating sa kubo na tinutuluyan ko.
Sa sobrang sama ng pakiramdam ko basta ko na lang na isinandal sa pinto ang bike, sa luma niyon siguradong wala magkakainteres para nakawin iyon.
Nahiga ako kaagad sa sirang papag, mamaya na ako magpapalit ng damit, sobrang hilo at sama na talaga ng pakiramdam ko. Namaluktot ako sa sobrang lamig na nararamdaman ko. At ang ulo ko sobrang sakit.
I feel so alone, duon sa madilim at lumang kubo na iyon.
"M-mama." tila nagdedeliryong tawag ko, niyakap ko pa ng mahigpit ang sarili ko, hoping na mabawasan ang lamig na nanunuot sa kalamnan ko.
Alam kong dapat akong kumilos at magpalit ng damit kung ayaw kong mapulmonya.
Ngunit masyadong mabigat ang pakiramdam ko, hilong-hilo ako.
Sa sobrang sama nga wala akong magawa kundi ang mamaluktot, pumikit ng mariin at umiyak.
"Mama..." sabi ko. Then i uttered another name. "Sky..."
Lalong naging masagana ang pagtulo ng luha ko, because i know na kahit anong gawin kong pagtawag sa pangalan nila walang dadating, ako lang dito...mag-isa.
Gumuhit ang kidlat sa langit kasunod ang isang napakalakas na kulog.
Hindi ako takot sa kulog at kidlat, ngunit ngayon halos mapasiksik ako sa pader. Dumadagundong ang dibdib ko sa sobrang takot.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...