9

20.9K 725 9
                                    

A kiss in the rain is like a dream
blissful and perfect like you my king.

A kiss in the rain is so sweet,
like my feeling for you that so deep...

A kiss in the rain melt my heart
Like my love for you that so true and right.

A love that sealed in the kiss in the rain...

Make the love stays, even thru the pain...




*****

Iniwasan ko sya.

Lahat ng alam kong pag-iwas ginawa ko.

Halos di ko na nga pasukan ang 1st subject para hindi na kami magkita ni Sky.

Pagkatapos ng ginawa nyang pagkanta sa akin sa harap ng halos buong taga SGU ilang oras akong lutang. Hindi talaga ako makapaniwala... Hindi ako makapaniwala na gagawin nya iyon.

Oo kinilig ako. Pakiramdam ko ispesyal talaga ako para sa kanya.

Pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Margaret sakin, nirerendahan ko ang puso ko, kahit na nga alam ko na useless dahil tuluyan na syang nakapasok.

Kaya ang dapat kong gawin ay ang iwasan sya. Iwasan sya sa abot ng aking makakaya.

Pero paano ko gagawin iyon kung sya ang mapilit na lapit ng lapit?

Alas-dos ng tanghali nasa bahay ako nang mapansin kong nangungulimlim ang langit.

Bihira iyon sa tag-araw kaya hindi ko pa natatapalan ang ang mga butas ng bubong namin.

Kaya naman mabilis kong kinuha ang hagdanang kahoy, umakyat ng bubong at nagsimulang magtapal.

Ngunit hindi pa man ako nangangalahati bumuhos na ang malakas na ulan.

Imbes na sumilong hindi ko iyon  pinansin. Mas binilisan ko ang paggawa.

Hindi ko na inalintana kung nababasa ako, dahil kung iisipin ko pa iyon tiyak na magbabaha sa loob ng bahay namin.

"Alaina!"

Napahinto ako sa ginagawa at napatingin sa ibaba.

"Ano na naman ang ginagawa nya rito?"

Si Sky ang nasa ibaba nakatingin sa akin habang may hawak na plastic ng grocery sa kaliwang kamay habang sa kanan ay payong.

Gulat na gulat ang itsura nya may nababasa din akong takot sa mukha nya.

Saan sya natatakot? Natatakot ba sya na baka mahulog ako?

"Stay put, huwag kang gagalaw. Wait lang!" pumasok sya sa loob ng bahay at nang bumalik ay payong na lang ang dala.

"Paano kang nakaakyat riyan?" tanong nya.

Wala sa loob na itinuro ko ang hagdan na ginamit ko.

Mabilis syang nakaakyat, mayamaya lang na sa harap ko na sya.

"Bakit ka umakyat?" nagtatakang tanong ko. Hawak-hawak parin nya ang payong.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo rito?"

Sa sinabi nyang iyon naalala ko ang ginagawa ko na kailangan ko nang matapos.

Tinalikuran ko sya at pinuntahan ang  bubong na may butas at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Sumunod din sya. The good thing hindi korteng tatsulok ang bubong namin kaya hindi gaanong madulas.

Binitawan nya ang payong na hawak at kinuha sa kamay ko ang pangtapal. Tumulong sya sa akin.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon