3

23.3K 764 68
                                    

"Hey Alaina wait." Narinig nya ang pagtawag na iyon ngunit imbes na huminto, mas lalo nya pang binilisan ang paglalakad. Lumiko sya sa isang pasilyo at nakihalo sa maraming estudyante.

"Alaina!" Muling tawag sa kanya na hindi nya parin nilingon.

"Ano bang kailangan nya?"

It was Sky who keeps calling her. Kanina pagkatapos ng klase tahimik syang lumabas. Iniwasan nyang mapatingin kay rito na kinakausap ni Priscilla at ng iba pa nilang kaklase.

Kaya naman nagulat sya nang pagbaba nya ng hagdanan ay tawagin sya nito. Sa kung ano mang dahilan wala na syang balak na alamin.

Mula pagkabata hindi sya nilalapitan ng mga tao wala nga sya kahit isang kaibigan. Kaya hindi nya maintindihan kung anong kailangan nito sa kanya.

Dati naman di sya pinapansin at nilalapitan nito, at lalong di sya umaasa na mapansinin nito, sya na tinaguriang malas ng buong San Gabriel dahil sa pamilyang pinagmulan nya.

Wala talaga syang maisip na dahilan kung bakit pa sya tinatawag nito.

Unless ibu-bully rin sya nito. Iyon lang naman iyon, nilalapitan lang sya para i-bully at pagkatuwaan.

Huminto sya sa tapat ng locker nya at inilabas ang tatlong libro na kakailanganin nya sa mga susunod na subject.

After that yuko ang ulong naglakad sya ulit.

"Alaina." Kasabay ng pagtawag na iyon ay ang paghawak sa braso nya.

Napaharap at nabangga sya sa isang matipunong dibdib. Dahil hindi nya inaasahan nabitawan nya ang mga librong dala and the next thing she hear ay ang pagsinghap ng taong humila sa kanya na walang iba kundi si Sky.

"Shit!" bumagsak ang mga libro nya sa paa nito makakapal iyon at kung ang dulo ang tumama dito alam nyang nasaktan ito talaga.

"S-sorry."

Yumuko sya para tignan ang mga paa nito.

Ang mga estudyante sa corridor na iyon ay sa kanila na nakatingin.

Lumuhod sya at hinawakan ang sapatos nito.

"You don't have to do that." mabilis syang pinigilan ni Sky. Hinawakan ang kamay nya.

Ayan na naman ang kakaibang kuryente at init, nararamdaman na naman nya.

Napatingin sya rito. Nagtama muli ang mga mata nila.

Tulad kanina, para siyang nalulunod sa mga mata nito. Ang paraan ng pagtitig nito para bang may binabasa na kung ano sa mga mata nya.

Nanlaki ang mga mata nya ng lumapit ang mukha nito sa mukha nya. Nakaluhod parin sya kaya yumukod ito.

"You have a beautiful eyes and kissable lips." bulong nito.

Hindi kaagad na process ng utak nya ang ibig nitong sabihin at bago pa sya makapag-react may babaeng humila kay Sky palayo sa kanya.

"My God Sky! What happened?" tanong kaagad ng babae na nakilala nya. Margaret Escobar ang babaeng patay na patay at hayag na hayag ang damdamin kay Sky. Anak ito ng vice mayor at mayaman din ang angkan.

Bago pa makasagot si Sky nakita na sya ni Margaret.

"Oh I know na, napadikit ka kay Malas."

Nagyuko sya ng ulo at dali-daling pinulot ang mga libro.

Nakalapit naman ulit sa kanya si Sky. "Let me help you."

"A-ako na." binilisan nya ang pagdampot para maunahan ito.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon