23

28.8K 799 50
                                    



Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Iminulat ko ang kanan kong mata, pagkatapos ay ang kaliwa. Sabay balikwas ako ng bangon ng marealize ko na hindi ito ang kwarto na tinutuluyan ko.

Napatingin ako sa side ng kama na ngayon ay bakante na.

"Asan siya?"

As if on cue bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nuon si Sky na mukhang galing na sa pag-aalmusal at nakabihis na para pumasok sa trabaho.

"Ang gwapo talaga."

Nagtama ang mga mata namin.

Sumandal sya sa hamba ng pinto at pinagmasdan ako.

Pasimple ko naman na inayos ang buhok ko.

"Dyahe, sya fresh na fresh ako bilasang bilasa."

"What are you doing here?"

"Ha?"

"Tell me, naubusan na ba kami ng guest room at dito ka natulog sa kwarto ko."

Tatlong beses muna akong napakurap-kurap bago nag sink in sa isip ko ang ibig nyang sabihin.

"Aba teka parang mali yata ang takbo ng pangyayari ah."

Umalis ako sa kama at tumayo habang nakapameywang na nakatingin sa kanya.

"Sir ang ibig nyo bang sabihin ako, me myself and I ang kusang tumabi sayo dito sa kama mo at natulog dito sa kwarto mo?"

"Hindi ba? Imposibleng binuhat kita."

Napasuklay ako sa buhok ko. "Ayos ah."

"Ah sir sorry ha, correction lang po, hindi ako kusang tumabi sa inyo. Nang ihatid namin kayo dito sa kwarto nyo di na kayo bumitaw sa akin kaya naman nagpasya si Senyora Carmela na dito na ako patulugin." May bahid na inis na sabi ko.

"Really? At bakit naman ayaw kitang bitawan?"

"Aba malay ko sayo." Iyon sana ang sasabihin ko kaso hindi pwede.

"Hindi ko po alam sir."

Kumunot ang noo nya.

"Fine but next time wag mo nang gawin matulog dito sa kwarto ko only my girlfriend or my wife lang ang pwedeng mahiga sa tabi ko at wala sa dalawang titulong iyon ang meron ka understand."

Pain. Ewan ko kung saan galing pero iyan ang naramdaman ko ng marinig ko sa kanya ang mga salitang iyon at habang nakatitig ako sa walang emosyon nyang mga mata.

"Bakit ka nasasaktan eh totoo naman iyon di ba?"

"Yes sir." Sagot ko na kasing lamig ng tinig at tingin nya.

"Good. Ano pa hinihintay mo, paalis na ko may plano ka naman sigurong pumasok di ba?" he said na naglakad sa mesa at inayos ang laman ng attaché case nya. "Meron ka pang ten minutes to prepare kung ma l-late ka I will consider you absent at ibabawas iyon sa sahod mo."

Nakatalikod sya sakin kaya hindi nya nakita ang pagtigas ng mukha ko, na dagli ring nawala.

"Of course Sir." Sabi ko na naglakad papunta sa pinto. Ramdam ko ang pagsunod nya at wala akong planong lumingon.

Binuksan ko ang pinto at hindi na pinagkaabalahang isarado iyon dahil mukhang palabas narin sya.

"Anyway you're perfectly fit in my arms Yna like always."

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon