Wakas

32.1K 799 87
                                    

For @heartkeila09 maraming maraming salamat sa support mo baby girl😊

****
Literal na napanganga ako habang nakatingin sa kanya.

"S-seryoso ka ba?"

Tumingin  sa akin ang nangungusap nyang mga mata.

"I'm serious." He answered.

Napasandal naman ako sa sandalan.

"Talagang ikakasal ako ngayon!."

Napahawak ako sa dibdib ko.

"OMG! Ikakasal ako ngayon!" Tili nang utak ko.

"Butterfly..." napatingin ako ng marinig ko ang pagtawag nya sa akin.

Nakahinto na kami, at ng ilibot ko tingin sa paligid, nasa harap kami ng Butterfly garden.

Hindi tulad ng una kong punta ruon marami akong nakikitang taong pumapasok sa loob at mga sasakyan sa parking lot.

"Alaina..." tawag nya ulit kaya naman idinako ko na ang tingin ko sa kanya.

Nagulat ako ng salubungin nya ako ng halik.

Pumikit ako. Tumugon.

"Magpapakasal ka ba sakin...ngayon?" Sabi nya sa pagitan ng paghalik sa akin.

"O-oo naman." Sagot ko. Nakataas na ang mga kamay ko sa batok nya.

Tumigil sya sa paghalik at bahagyang inilayo ang mukha sa akin.

"Talaga?"

Tumango ako.

"Kahit na nakakabigla. Sige magpapakasal ako sayo ngayon."

Ang luwang-luwang ng ngiti nya.

"I love you Butterfly."

"I love you too my Sky."

*****

Hindi ko alam kung paanong nagawa ni Sky ito sa maikling panahon lang.

Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ni Leigh, Keighla, at Xienne mga co-D&A ko at kaibigan.

Hinila nila ako sa likod ng conservatory dahil hindi ko pa daw pwedeng makita ang nasa garden hangga't wala pa ang seremonyo.

Pagpasok nang dressing room sinalubong ako ng triplets. Ysa, Ylac at Dyke ang mga anak nina Gela.

"Tita Yna." Sigaw ni Dyke na mabilis na nagpakarga sa akin.

"Hello babies." Bati ko naman sa kanila lumuhod ako para mahalikan din sina Ysa at Ylac.

"So you're getting married huh." Narinig ko ang boses ni Gela kaya napatingala ako.

Nakaupo sya sa sofa suot ang kulay asul na gown. Ang lamig ng tingin nya at walang ekpresyon ang kanyang mukha.

"A-A."  Shit galit ba sya.

"You're mixing business with pleasure. Dapat ba kitang bigyan ng DA para dun. A week in punished room? Hmm?"

Napalunok ako.

Shit. A week? Paano ang honeymoon ko?

Tumayo sya, lumapit sa akin tinignan ako ng matagal. Iyong tatlong babaeng katabi ko, deretso rin ang tayo. Basta kapag A mode si Angela, nakakakaba.

Ngumiti sya. "But then wala naman sa rule natin na bawal paghaluin ang business at pag-ibig. Damn! Kahit may ganong rule I don't care. Basta pagmahal mo at mahal ka ituloy lang. Screw the fucking rule! Pagnagmamahal walang regulasyon, basta nagkasundo at utak at puso."

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon