*****
I live in my own world.
Lonely and alone.
I don't believe in fairy tale...
in Cinderella, Sleeping beauty and Snow White since i was bornI caged myself.
Locked and safe.
But then you came and take me out from my turf.One Fairy Tale night
My life changed.
One dance
my road turned.-Helliza
*****
This night is so starry. Kitang-kita ang mga nagkikislapan na bituin sa langit.
Malamig din ang simoy ng hanging pang-gabi. Tahimik at payapa.
Ngunit kung ano naman ang kalma ng gabi iyon naman ang ginulo ng pakiramdam ko.
Ilang ulit kong pinuno ng hangin ang dibdib ko.
Ngunit kahit ano yata ang hinga ko hindi ko parin magawang makapasok sa loob ng malaking gate sa mansion ng mga Aragon.
Its Sunday night. June 27, Sky's birthday.
Nanliliit ang pakiramdan ko lalo na kapag nakikita ko ang mga magagarang sasakyan na pumapasok, mas magara pa sa mga sasakyan na nakikita ko sa SGU. Bukod pa ruon natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga tao kapag pumasok ako.
Simple lang ang suot ko.
Isang pink na Sabrina cut dress na kay Ate Cheska pa, ang suot ko. Umabot iyon hanggang ilalim ng tuhod ko. Kay Ate Cheska din ang suot kong sandals na may light pink na strap.
Dahil sa dati nitong trabaho kaya marami itong damit, medyo nahirapan lang kami sa paghahanap ng hindi gaanong daring ang tabas.
Si Mama ang nag-ayos ng buhok ko katulong si Ate Cheska. Mas excited pa nga si Mama kesa sa akin.
Isang mataas na pony tail ang ginawa nila. Emphasizing my may long straight hair na kulot ang dulo. Ginupitan din ni Ate Cheska ang bangs ko hanggang ilalim ng kilay at nagtira ng konting mahaba sa magkabilang dulo.
Ang accessory ko ay isang earring na butterfly ang design na nabili ko ng tag 35 pesos.
Sabi ni Ate Cheska ang ganda-ganda ko raw sa ayos ko. Lalo daw ng nilagyan nya ako ng light make-up at kahit ang Mama na hindi nakakakita sumang-ayon sa kanya.
But kahit na sinabihan nila ako na maganda at presentable ang ayos ko, di ko magawang ihakbang ang mga paa ko papunta sa loob.
Hindi ko magawang makapasok dahil pakiramdan ko ibang mundo ang papasukin ko.
Nagpilit si Sky na sunduin ako na tinanggihan ko dahil hindi pa ako sigurado kung pupunta ako. Sinabi ko na lang sa kanya na may dapat pa akong gawin at hahabol na lang.
Ayaw pa nyang pumayag ng una kung hindi ko pa sya nginitian.
"For the first time, you gave me a real smile Butterfly."
I sighed ng maalala ko ang mga sinabi nyang iyon, giving me a courage to lift up my feet and walk to that huge gate.
Isang gwardya ang nagbabantay sa gate. Kumunot ang noo nya ng makita ako.
Sigurado akong nagtataka sya kung ano ang ginagawa ng isang malas sa lugar na ito.
Hindi naman nya ako sinita dahil inabot ko sa kanya ang invitation ko. Umatras lang sya na tila ba takot-takot na mapalapit sakin.
Hindi ko na lang sya pinansin, yuko ang ulo na naglakad ako papuntang garden kung saan ginaganap ang party.
Hindi ako nahirapan na hanapin iyon dahil sa malakas na ingay na nagmumula ruon.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...