Dedicated po kay Ms. Celestina Juntilla Binesen☺😊 happy birthday🎉🎂🎁 heheh dito na kita binati kasi sa isang araw pa ako mag U-UD kay Leigh thanks sa support☺
*****
Naging usap-usapan ang pangyayaring iyon sa buong San Gabriel.
Halos nalaman ng lahat na nagbalik na ako. At tulad ng inaasahan umiiwas ako, lalo na kapag napupunta ako sa bayan.
Pero hindi na tulad ng dati ang pagtanggap ko sa sitwasyong ganon, kung dati yuko ang ulo ko, ngayon taas noo akong humaharap.
Tss I dont give a fucking damn about what they think, wala akong pakialam kung para akong may ketong kung layuan nila. Hindi naman sila ang nagpapakain sakin, kaya kiber.
Tulad ngayon nasa bayan ako, umagang-umaga para bumili ng mga personal things, itinaon ko na tulog si Sky para walang istorbo.
Speaking of Sky.
Iniiwasan ko parin sya.
Oo alam ko, ang arte-arte ko, pero hindi nyo naman ako masisisi, nasaktan ako at takot akong sumugal ulit, litong-lito pa din ako. Ang problema sobrang kulit ni Sky.
Lagi syang nakahawak sa akin... nakalapit. Buti nga nakakalusot ako but everytime na nangyayari iyon nakikita ko ang pagsasalubong ng kilay nya at pakiramdam ko rin malapit nang maputol ang pisi ng pasensya nya sa akin, na para namang may pakialam ako. Wala akong pakialam kung magalit sya.
"Hoy di ba si Malas yan?" Narinig kong sabi ng may-ari ng stall ng mga damit na nasa harap ko.
Nasa tiangge ako at naglilibot, baka makakita ako rito ng gamit na butterfly ang design.
"Oo naku baka malasin-" natigil sa pagsasalita ang dalawa ng makitang nakatingin ako.
"Hey mga ate magkano ang mga ito?' Balewalang tanong ko habang tinuturo ang blouse na puti, short at jumper na may design na paru-paro."Ha ah?" Nabubulol na sinabi ng tindera ang presyo ng bawat isa.
Ngumiti ako.
"Pakibalot bibilhin ko." Tumingin naman ako sa mga accessories na nasa tabi ng stall.
"Ang ganda nya no." Narinig kong sabi ng tinderang nagbabalot ng mga tinuro ko.
"Oo nga, parang hindi naman tayo mamalasin, tignan mo ang ganda kaagad ng benta natin." Sabi ng isa.
Lihim akong napangiti.
"Gaganda ang benta nyo, dyosa kasi ako." Natatawang sabi ko sa isip.
"Hoy Malas umalis ka rito!" Bigla namang sabi ng nagtitinda ng mga bulaklak.
Taas kilay na tinignan ko sya. Pamilyar ang itsura nya, kung hindi ako nagkakamali dati ko syang kaklase.
"Pakiulit?"-ako.
"Sabi ko umalis ka rito baka hindi kami makabenta dahil sa malas mo."
Pinagtitinginan na kami.
"Kung makapagpaalis ka akala mo sayo itong buong lugar, tell me pag-aari mo ba ito?" Mataray ang mukha na sabi ko.
"H-hindi-."
"O hindi naman pala eh, saka mo na ako paalisin kapag ikaw na ang may-ari nito, kaloka ka teh." Napailing-iling ako. "At huwag mong maisisisi sakin na mawawalan ka ng benta, humarap muna tayo sa salamin para malaman kung sino ang mas lalayuan ng kostumer. Compare mo face mo sa face ko."
Nanlaki ang mga mata at namula ang mukha ng tindera.
Tsss wala akong paki kung napapahiya sya, nanahimik akong bumibili rito eepal sya.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...