H/N
Happy reading everyone😊
*****
Ano ba ang mas mahirap, ang magpanggap na walang alam o ang magpanggap na wala kang nararamdaman?
Hindi ko alam kung gusto kong ipagsigawan na ako si Alaina, hindi ko alam kung dapat bang kastigohin ko si Sky sa panloloko nya sa akin noon at hindi ko alam kung itong nararamdaman ko sa kanya ay pagbibigyan ko ba o kakalimutan ko na lang ba.
"Bakit ba biglang naging kumplikado ang buhay ko?"
Mula sa pagmamaneho ng sasakyan bumuntung hininga ako.
"May problema ba Yna?" Tanong ni Calix na katabi ko.
"Ha?" Iyong mga mata ko imbes na sa kanya ang bagsak kay Sky na nakaupo sa likuran dumako.
Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin ng magkasalubong ang mga mata namin."W-wala." Sagot ko kay Calix.
Kumunot ang noo nya. "Sure?"
"Oo nga."
Napasulyap ulit ako kay Sky na ngayon ay nakapikit na. Ayaw ko man nakaramdam parin ako ng pag-aalala kahit na nga ako ang gumamot sa sugat nya at sigurado akong hindi naman malala iyon.
Mula sa bahay nina Alaina, yeah alam kong ako din sya, pero hindi ko parin magawang yakapin ang katotohanan na iyon. Tinawagan ko si Calix at sinabi sa kanya ang mga nangyari, dali-dali naman syang pumunta at heto na nga kami ngayon papuntang hospital para patignan ang tama ni Sky, na kanina pa tahimik.
"Sigurado ka talaga, para kasing hinugot pa sa ilalim ng hukay iyang ginawa mong buntung hininga." Si Calix.
Minsan talaga gusto nya itong batukan eh.
"Wala nga." Bahagya ko syang pinandilatan.
Buti na lang nanahimik sya hanggang sa makarating kami ng hospital.
Tinanggihan ni Sky ang wheelchair at stretcher kaya naman alalay namin sya ni Calix hanggang emergency room.
Ngayon nakaalala na ako, mas dumoble ang nararamdaman kong elektrisidad at init kapag nagdidikit ang mga katawan namin. Halos magdugo nga ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko duon, lalo pa at ang kamay nya nasa bewang ko at sobrang diin ang pagkakahawak nya.
Nagawa ko lang makahinga ng maluwag ng bumitaw sya at umupo sa hospital bed para maeksamin.
"Cal labas lang ako." Paalam ko na hindi na hinintay ang pagpayag nya. Lumabas na ako kaagad nang hindi sila tinapunan ng tingin dalawa.
Nagpalakad-lakad ako sa labas.
Pinapakalma ang sarili.Kung gusto kong manatili na patay si Alaina, hindi pwedeng magdikit kami ni Sky. Hindi pwede na magtagpo ang mga balat namin kung ayaw kong bumigay at mangibabaw si Alaina. Tama na iyong nangyari noon, iba na ako ngayon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa labas, wala talaga akong balak pumasok kung hindi lang ako sinundo ni Calix.
"Hey dyan ka na lang ba? Tawag ka nya."
Ayaw ko sanang sumunod pero may magagawa ba ako? Baka mapansin pa ni Calix na may tinatago ako, may pagka- intrigero pa naman ang lalaking ito.
Sumunod ako papunta sa private room ni Sky, pagpasok ko pa lang nasa akin na kaagad ang tingin nya.
Hindi ko alam parang may nabasa akong takot at pangamba sa mukha nya na dagli ring nawala ng pumasok ako.
Nakaupo sya sa kama walang damit at may balot na benda ang tagiliran nya.
BINABASA MO ANG
His Jinx Butterfly
RomanceAlaina Montecro- branded as Jinx. She just want to give her mother a happy and peaceful life. Kahit hindi marangya, basta natutustusan ang pangangailangan nila. Impyerno ang dinadanas nya sa San Gabriel University. Lagi syang binubully. Until she go...