CHAPTER 10
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Dahil sa hindi naman ganoon kaselan at kalala ang kondisyon ko ay agad din akong na-discharge sa hospital. Sa mga oras na nanatili ako doon ay inalagaan ako ni Quartz pero kahit na ganun ay hindi n'ya ako kinakausap at malamig pa rin ang pagtingin n'ya sa akin.
I'm not use to it! I want the old Quartz back!
I'm not that numb to not realize that I hurt him somehow, that's why I understand why he suddenly became cold towards me. I can't blame him for acting like I'm someone he despise the most. Alam ko kung ano ang nararamdaman n'ya para sa akin, at alam ko ring nabigo ko s'ya dahil ngayon ay dinadala ko ang bunga ng karahasan ng lalaking hindi ko naman mahal.
I wanted to assure him, pero umiiwas lang s'ya sa akin. Gusto kong sabihin sa kan'ya na kahit na ganito ang sitwasyon naming dalawa wala pa ring magbabago sa nararamdaman ko para sa kan'ya.
I love him! Nothing and no one can change that.
Nang maka-recover na ako ay nagpasya agad akong bumalik sa pagt-trabaho upang asikasuhin ang status ng kompanya. Ayoko ring maburyong sa mansyon dahil sa wala naman akong ginagawa.
"Ma'am, nakahanda na po ang sasakyan sa entrance. Dala ko na rin po ang mga dokumento na kakailanganin sa meeting"
Oh yes! I just remember that I have to meet with that old man Mr. Marquess for a possible business cooperation.
"Good. Let's go, then"
Napahimas ako sa aking ulo ng makaramdam ng kaunting pagkirot. Kunot ang noo kong tumayo sa swivel chair at marahang naglakad palabas habang nakasunod naman ang sekretarya ko.
Nang makalabas sa building ng kompanya ay agaran rin kaming pumasok sa likuran ng sasakyan na nasa entrada.
"Ma'am, napansin ko lang po na namumutla kayo. K-kung masama po ang pakiramdam n'yo 'wag na lang ho tayong tumuloy. Pwede ko naman pong sabihan ang sekretarya ni Mr. Marquess na i-reschedule ang meeting. Kahit na hindi sila pumayag, nasa kanila naman ho 'yon. Tutal sila naman po ang may kailangan sa atin at hindi tayo"
Huminga ako ng malalim at saka isinandal ang ulo ko sa headboard ng back seat.
"I'm okay, don't worry. Umalis na tayo" Utos ko sa driver
Nakapikit lang ako buong biyahe upang kahit pa-paano ay maibsan ang pananakit ng ulo ko. Hindi ko maintindihan, para akong inaantok na ewan!
This stinging pain really came at a wrong time! On my busiest day, seriously?!
"Ma'am narito na po tayo" Rinig kong sambit ng sekretarya ko kaya agad akong nabalik sa wisyo
Binuksan ko ang bintana mula sa back seat ng sasakyan at bumungad sa akin ang isang mamahaling resto. Napakataas din ng istraktura, nagtaka pa ako ng mapansing halos walang tao sa paligid ng lugar. Well, precisely we are the only people in the place as of the moment.
Strange!
"Sally" Tawag ko sa pangalan ng sekretarya ko habang nasa labas pa rin ng sasakyan ang atensyon
"Yes ma'am?"
"Call my head of security and tell him where we are, then please also tell him to bring his best and most reliable personnel and follow us here immediately. I have a bad feeling about this, so called private meeting"
Tinitigan pa n'ya ako ng matagal kaya pinagtaasan ko s'ya ng kilay, like I'm saying whose the boss here.
"O-on it ma'am, s-sabi ko nga po i-ito na tatawagan ko na po hehe"
Napairap na lamang ako at naunang bumaba ng sasakyan, pagkatapos gawin ang binilin ko ay sumunod naman ang sekretarya ko na bitbit ang ilang files na kailangan. Pagpasok pa lang sa resto ay mas lalong lumakas ang masamang kutob ko ng mapagtantong kami lang ang tao sa lugar na 'yon.
"Nabanggit ba ng secretary ni Mr. Marquess ang tungkol dito? Binayaran ba nila ang restaurant na 'to para sa meeting sa pagitan namin ng boss n'ya?"
"A-ah eh, wala naman po silang nabanggit na gan'yan ma'am. Although, ako po ang nagasikaso ng meeting place, date of the meet-up pati na rin ang sekretarya ni Mr. Marquess, wala naman ho s'yang anumang sinabi sa'kin tungkol sa sitwasyon na 'to. Pero baka nga ho nagbayad sila para masolo natin ang buong resto! Napakayaman naman pala talaga ni Mr. Marquess ma'am no? To think na kaya n'yang mag-rent ng ganitong mamahaling lugar for just one day? Grabe!"
Hangang hanga na naglibot si Sally sa buong lugar. The place looks luxurious I can't blame her, but she's to dumb and easy to tricked with. Mabuti na lang at pinatawagan ko sa kan'ya ang security ko bago kami pumasok rito para kung sakali mang may masamang mangyari ay may tulong agad na darating.
"Madame, Janerika?" Napalingon ako ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko
Isang lalaking nakasuot ng pormal na damit ang yumuko sa akin.
"That's me, and who are you?"
"Ako po ang sekretarya ni Mr. Marquess, kanina pa po s'ya naghihintay sa VIP room. Ihahatid ko ho kayo roon, sumunod po kayo sa akin"
Inilahad n'ya ang kamay pero nanatili lang ako sa puwesto ko habang tumabi naman sa akin si Sally.
"M-ma'am? Lakad na raw po?" Bulong sa'kin ng sekretarya ko kaya matalim ko s'yang tinitigan
"You said that Mr. Marquess is in the VIP room of this big restaurant. Am I right?"
"Tama po" Walang alinlangan n'yang sagot
Nagkrus ako ng braso "Kung sa VIP room naman pala kami mag-uusap ng boss mo bakit kailangan n'yo pang rentahan ang buong lugar na 'to for this business meeting, gayong hindi naman kayo sigurado na tatagal ang patutunguhan ng possible partnership na 'to?"
Tila ba natahimik s'ya sa sinabi ko at nagiisip pa ng palusot.
Confirmed! They are up-to something! Ano naman kayang kailangan sa akin ng matandang 'yon kung sakali?
"Masyado pong maselan si Mr. Marquess sa mga ganitong uri ng business affairs. Isa pa, marami rin ang tangka sa buhay n'ya kaya naman siniguro n'yang kayo lang po ang tao sa lugar na 'to. Kung iniisip n'yo ho ang ginastos n'ya, hindi problema ang pera kay Mr. Marquess dahil mas priyoridad ang kaligtasan ng lahat ng taong makikipagkita sa kan'ya"
Ngumisi ako matapos marinig ang paliwanag n'yang hindi naman kapani-paniwala.
"Well, I'm sorry to tell you but you and your boss is being unreasonable. If you want to impress me like this just to get the partnership with JM group, you hundred percent failed. Sorry but we have to leave, I'm wasting my excutive time in here!"
Sinenyasan ko si Sally na sumunod sa akin pero mabilis na humarang sa daraanan namin 'yong lalaki.
"Ma'am, maniwala ho kayo sa sinasabi ko. Kung may pagaalinlangan man kayo bakit hindi n'yo personal na kausapin mismo si Mr. Marquess. I'll lead the way to the VIP room, kung sakali man hong hindi kayo maniwala sa sasabihin ng boss ko malaya po kayong makakaalis sa lugar na 'to"
"Ma'am kausapin----" Tinakpan ko ang bibig ni Sally dahil sa inis
This guy is to persistent isn't he?
I sigh "Interesting. Fine, I'll meet Mr. Marquess then"
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
RandomIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...