CHAPTER 11
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Pagpasok sa VIP room ng restaurant na pinuntahan namin ay isang matandang lalaki na naka-maskara ang sumalubong sa amin. Umupo kami ng sekretarya ko sa couch na nasa harap n'ya. Pansin ko ang matagal na pagtitig sa akin ng matanda, pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Mas nakapukaw ng atensyon ko ang suot suot n'yang maskara na nakatakip sa itaas na parte ng kan'yang mukha.
What is he up-to? Something is off with this!
Kinuha n'ya ang I-pad na nakalapag sa mesang pumapagitna sa amin, at may kung ano s'yang pinipindot doon na mas lalong nagpataas ng masamang kutob na nararamdaman ko.
This old man is really strange in a way, my curiousity lead me to this situation so I must know his intention.
"Masaya raw po si Mr. Marquess na makita kayo ma'dame" Saad ng sekretarya n'ya habang nakatingin sa I-pad na hawak ng boss n'ya
"Oh please drop the formality. Ms. Minerva or ma'am Janerika will do, calling me madame is a bit of overwhelming on my side. Anyway, it's nice to meet you to Mr. Marquess" Seryosong sambit ko "I'm curious, bakit naka-suot ka ng maskara at ang sekretarya mo ang nagsasalita on behalf of you?"
Saglit s'yang hindi umimik kapagkuwan ay nagsimula muling magtipa sa I-pad na hawak n'ya.
"Inaasahan na po ni Mr. Marquess na itatanong n'yo 'yan. I'm talking on behalf of him because Mr. Marquess is a mute. Pasensya na po ma'am Janerika at makalimutan kong sabihin iyon sa e-mail na pinadala ko sa HR n'yo tungkol sa profile ng boss ko" Paliwanag naman ng sekretarya n'ya
Huminga ako ng malalim at wala sa wisyong isinandal ang likuran sa back rest ng couch na kinauupuan ko. I don't buy this guy's explanation at all! Oras na kinutoban ako ng masama ay mahihirapan na akong magtiwala sa taong kaharap ako. And I think that was one of the best personality I have, it's valuable especially on this kind of situation that I'm meeting with a person who want to invest and make a partnership with our family's company.
"Okay, I understand the part that his mute but what about the mask thing?" I asked in a bored tone "Nakita ko na ang litrato mo Mr. Marquess sa profile na sinend ng sekretarya mo kaya bakit kailangan mo pang magsuot ng maskara para takpan ang mukha mo? Are you not even aware that I might feel uncomfortable at all?"
Ipinilig n'ya lang ang ulo at pumikit ng ilang minuto.
"Sa tuwing makikipagkita si Mr. Marquess sa ibang tao lagi ho s'yang nagsusuot ng maskara. It's a habit, kaya kung nakakaramdam man po kayo ng pagkailang humihingi raw po s'ya ng paumanhin"
"Hmm, if you really want to get this cooperation you'll take off your mask for me to feel at ease. For the sake of our future business affair you'll do it"
Tumikhim ang sekretarya n'ya kaya nagtaas ako ng kilay "Iniisip n'ya lang po ang kaligtasan n'yo. Kung sakali mang may ibang tao na makakita ng mukha n'ya at malamang kausap n'yo s'ya maaari kayong mapahamak dahil gaya po ng nabanggit ko kanina sa inyo ma'am Janerika, marami pong masamang tangka sa buhay ni Mr. Marquess. He will not risk, showing his face for your own safety"
Bahagya akong tumawa at tumayo, sinenyasan ko rin si Sally at agaran rin s'yang umalis sa upuan n'ya.
"I don't need anyone's care, I am an independent woman and your insulting me by saying that kind of stuffs. Well-----I'm sorry to tell you but in this case, I won't sign the contract. Didiretsuhin ko na kayo, your to suspicious. Hindi ako basta basta bumubuo ng partnership sa mga taong hindi ako komportable at sa mga taong nararamdaman ko na may iba pang motibo"
"Ma'am Janerika, nagkakamali po kayo. Walang ibang motibo si Mr. Marquess. Gusto lang ho naming magkaroon ng koneksyon sa kompanya ng gaya ng JM group, bukod sa magkakaroon kayo ng advantage we will gain something big as well. Mr. Marquess is an optimistic business man after all. Money is all we need nothing more nothing less" Nakayukong sambit ng sekretarya n'ya na animo'y humihingi ng tawad at pilit akong kinukumbinsi
"My answer will remain the same. I won't sign the contract, so if you don't mind---me and my secretary will leave. Again, it's nice meeting you Mr. Marquess. Although we can't talk properly because of your condition, I'm grateful that you make an effort for this private meeting. Well then, I'm going. Sally, let's go"
Naunang naglakad palabas ang sekretarya ako, tinitigan kong mabuti si Mr. Marquess na tahimik lang na nakaupo at nakatingin rin sa akin.
It's weird how I feel that I somewhat know this old man. I turn my back after bowing my head before him as a sign of respect.
"You're really smart Janerika, and I admire you for that"
Natigilan ako sa paglalakad at bumilis ang kabog ng dibdib ko matapos marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
No! No! I might be hallucinating! J-just continue walking Janerika! Damn! Just leave!
Pilit kong hinahakbang ang mga paa ko pero tila ba naging bato na 'to at hindi ko na maigalaw. Halos nahihirapan na akong huminga dahil sa labis na kaba.
"I-I should get going M-Mr. Marquess" Pagpapanggap ko
Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang imahe ng taong 'yon, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at nakapikit na naglakad palabas ng pinto.
"M-ma'am Janerika takbo!" Sigaw ng sekretarya ko
Nanlaki ang mata ko ng makita ang dalawang armadong lalaki na nakahawak sa braso n'ya at pilit s'yang hinahatak palayo.
"S-Sally?!" Nanginginig na saad ko
"Ma'am tumakbo na po kayo! Sigurado pong parating na po ang security na pinatawagan n'yo sa'kin kanina, tutulungan po nila kayo! Umalis na p------"
Hindi na naituloy ni Sally ang sasabihin ng hampasin s'ya ng baril sa may bandang batok ng isang lalaking may hawak sa kan'ya, dahilan para bumagsak s'ya at tuluyang mawalan ng malay.
Hindi! Hindi pwede 'to!
"I heard your pregnant. Is that true?" Namawis ako ng mapagtantong nasa likuran ko na ang lalaking pinaka-kinamumuhian ko
"O-Onyx, i-it's really you" Nakakuyom ang kamaong sambit ko
"Now you know, you must answer my question Janerika. Totoo bang buntis ka?"
"Hindi" Diretsahang sagot ko rito
Hinapit n'ya ang beywang ko at ipinaharap ako sa kan'ya, napakalapit ng mukha n'ya sa akin kaya damang dama ko ang init ng paghinga n'ya.
"I can see through your eyes that your lying. I came up with the conclusion that I might be the father of that child. It can't be Quartz"
Nagiwas ako ng tingin at pilit s'yang tinutulak palayo.
"Nagkakamali ka. Hindi ako buntis naiintindihan mo ba?! Hah, at kung sakali mang totoo nga 'yon at nalaman kong ikaw ang ama ng dinadala ko alam mo ba kung anong gagawin ko?"
Tumiim ang bagang n'ya at walang ekspresyon akong tinitigan sa mata "What will you do?"
Inilapit ko ang bibig sa tenga n'ya "IPAPALAGLAG KO ANG BATA SA SINAPUPUNAN KO"
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
DiversosIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...