CHAPTER 7
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Quartz bring me to his parent's house, since he said it himself that it's the safest place for me to stay as for now. Sinabi n'ya ring gusto akong makausap ng mga magulang n'ya, kaya naman hindi na ako tumanggi pa. Ginamot at binendahan n'ya ang palapulsuan ng magkabilang kamay ko, namumula kasi iyon dahil sa mga kadenang ilang araw nang ginagamit ni Onyx para ikulong ako sa sarili kong kwarto.
Saglit na iniwan ako ni Quartz sa kwartong pinagdalhan n'ya sa akin upang kausapin ang mga magulang n'ya pagkatapos ay agad din s'yang bumalik.
"I'm sorry" Usal ni Quartz habang sinusuri ang mga kamay at paa ko
"B-bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang kasalanan"
"No I've made a really big mistake and I regret it a lot. I-I'm sorry because I let this happen to you Janerika. Kung sana hindi kita hinayaang mapunta sa kan'ya noon palang hindi sana nangyari sa'yo ang lahat ng 'to, hindi ka sana nagdusa. I hate myself for being coward back then. Nang dahil sa pagiging duwag ko naghirap ang babaeng pinaka-mamahal ko"
Niyapos n'ya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko s'ya ng mahigpit at nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto.
Bumitaw lang kami sa pagkakayapos sa isa't isa ng may kumatok sa pinto.
It's his youngest brother, Morion.
"Sorry to interrupt your lovey dovey moment love birds but mom and dad want's to talk to the both of you. They're downstairs at the living room, you better hurry---" Lumapit s'ya kay Quartz at tinapik ang balikat nito "Seems like dad is not in a good mood big bro"
Agaran kaming lumabas ng kwarto at dumiretso sa sala kung nasa'n ang mga magulang n'ya.
I already met their parents when Quartz and I were still together. But sitting infront of them now send chills on my whole body. Para bang ngayon ko lang sila nakaharap at nakita.
Mr. Hell Aestone gaze is the most deadly one, probably!
"Hell ayusin mo nga 'yang talim ng mga mata mo! Tinatakot mo lang si Janerika eh!" Hiyaw ni Misis Aestone sabay ngiti sa'kin "Pag-pasensyahan mo na ang asawa ko ah. S'ya nga pala, masaya akong makita ka ulit iha. Hindi ka pa rin nagbabago, napakaganda mo pa rin talaga!"
Sinubukan kong ngumiti pabalik at saka yumuko bilang pagbibigay galang sa kanila.
"S-salamat po"
"Wife, you better sit down"
"Oy, inuutusan mo ba ako? Saka anong klaseng pag-uugali 'yan? Hindi mo man lang ba babatiin itong si Janerika?"
"Wife, can you please calm down and sit beside me. Wala na tayong oras para d'yan, we better start telling her everything now"
"Hmpp, oo na!"
"Don't be mad wife"
"Wife wife ka d'yan, magsimula ka na lang!"
"No. Not unless you tell me that you aren't mad"
"Tsk. Magsimula ka na lang pwede ba? Mamaya ka sa'kin"
"Oh? What a tempting invitation wife"
"Che! Ako na nga lang ang magk-kuwento sa kanila baka kung ano pang masabi mo!"
"Okay, your the boss wife"
"Hmpp!"
Oh god this is to awkward!
Nagkatitigan lang kami ni Quartz habang tila ba nagkakaroon ng away sa pagitan ng mga magulang n'ya. But Miss Chatlyn Aestone and Mister Hell Aestone was to cute to watch, their relationship is surely one of the best.
"Mom, dad. Can you please stop it, nakakahiya kay Janerika" Saad ni Quartz habang hinihimas ang ulo n'ya, his embarass seeing his parents like this "Be serious, just this once. Please?"
"H-hindi, o-okay lang po" Usal ko
"Ahemm" Tikhim ni Ms. Aestone "Well, let's get this over with. Iha, sinabi na sa'min ni Quartz ang nangyari. And on behalf of our son, we're sorry"
"That brat Cause us a lot of trouble since then 'till now" Seryosong sabat naman ni Mr. Aestone "Hindi ko akalain na aabot s'ya sa puntong kaya na n'yang manakit ng pisikal lalong lalo na sa isang babae. This is to much"
Naka-krus ang pareho kong kamao at pinisil ko ng mahigpit ang isa kong kamay.
"G-gusto ko lang po sanang itanong kung bakit s'ya nagkakaganun? Napansin ko lang ho kasi na ibang iba ang ugali n'ya kay Quartz, o-oh sa iba n'ya pang kapatid"
Bumuntong hininga si Ms. Aestone at bigla na lang lumungkot ang ekspresyon ng mukha n'ya.
"It's our fault after all, pinabayaan namin s'ya. Noong mga bata pa sila, laging nakatutok ang atensyon namin ni Hell kila Lazuli, Morion at kay Quartz. Para bang kinakalimutan na namin na anak rin namin si Onyx, it's like we ignore his whole existence. His to rebel, kahit noong bata pa s'ya. Inggit na inggit s'ya sa mga kapatid n'ya lalong lalo na sa kuya n'yang si Quartz"
Napalunok ako habang nagk-kuwento si Ms. Aestone, hinawakan ni Quartz ang kamay ko at nakangiting tumingin sa'kin. Para bang sinusubukan n'yang pagaanin ang loob ko.
"We didn't notice that he also need our attention" Pagpapatuloy ni Ms. Aestone "We saw him as an indepent child. Kaya kontento kami na kayang kaya na n'ya ang sarili n'ya at hindi na namin kailangan pang alalayan s'ya. His smart, despite his rebel image his dedicated and an achiever"
"Mom is right" Biglang singit ni Quartz "I don't want to give him this huge compliment but, his better than me, Lazuli and Morion. Mas matalino s'ya kay'sa sa akin, his achievements we're truly amazing and as his eldest brother I'm so proud to him. It's my big regret that I didn't express how glad and proud I am towards him back then. He ended up seeing me as his enemy"
"Habang lumalaki s'ya, unti unti ring lumalayo ang loob n'ya sa amin" Naluluhang saad ni Ms. Aestone "Sa kanilang apat s'ya lang ang lagi kong napapangaralan pati rin ni Hell. We even prohibit him to start dating someone, not unless his financially stable to support her, dahil tingin namin iyon ang tama. When he graduated and started working, nagulat na lang kami ng isang araw naglaho s'ya na parang bula at walang pasabi. But then, hinanap namin s'ya nang malaman namin kung nasa'n s'ya. W-we tried to talk to him but he made us leave. That's when we learn that we lost our second eldest son. We lost him completely, kahit anong gawin namin, kahit mag-makaawa pa kami sa kan'ya hindi na s'ya babalik. K-kasalanan n-namin, k-kasalanan ko. Nagkulang ako bilang ina n'ya, napabayaan ko s'ya--s-sana maintindihan m-mo s'ya at mapatawad J-Janerika"
Himdi na naituloy ni Ms. Aestone ang pagk-kuwento dahil napahagulgol na s'ya ng iyak.
"I'll take your mom back to our room. Pagpahingahin mo na rin ang bisita mo Quartz" Sambit ni Mr. Aestone habang inaalalayang tumayo ang asawa n'ya "One more thing, I'm sorry for causing you trouble Janerika on behalf of Onyx, I'm really sorry for what he did to you. We will try to fix this, we will make it up to you"
Tumango lang ako hanggang sa tuluyan na silang makaalis. Naramdaman ko ang mga kamay ni Quartz sa pisngi ko at pinaharap n'ya ako sa kan'ya.
"I want to say sorry also, for everything that my brother does to you Janerika. Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad bilang pamilya n'ya pero pangako, hinding hindi ka na n'ya ulit masasaktan"
Hindi ako nakaimik, at yumakap na lang sa kan'ya.
"Onyx just want attention and love" Dagdag pa ni Quartz saka humiwalay ng pagkakayakap sa'kin
"N-Now I understand, kung bakit ganun na lang s'ya kung umasta. Pero ngayon pa lang gusto ko ng humingi ng tawad sa'yo at sa pamilya mo Quartz" Ani ko sabay tayo sa kinauupuan ko
"Anong ibig mong sabihin?"
"Oo, naiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Onyx. Pero sorry, dahil hindi ko s'ya magagawang patawarin gaya ng hinihingi ng magulang mo. Hinding hindi mabubura sa isip ko ang lahat ng masasamang bagay na ginawa n'ya sa'kin"
"J-Janerika---"
I bitterly smile "He traumatized me already. I can't and will never forgive him, I'm sorry"
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
De TodoIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...