CHAPTER 12
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Mas lalo kong nakumpirma na si Onyx ang lalaking kaharap ko ng tanggalin n'ya ang maskara, pekeng balat at ang peke n'yang buhok na ginamit n'ya upang magmukha s'yang matanda.
How foolish I am! So this is how he plays? Psycho!
Humakbang s'ya palapit sa puwesto ko habang paatras naman ako ng paatras. I don't want to stammer to show that I'm not frightened or overwhelmed in his presence, but when I noticed his serious face, nervousness conquer me.
"S-stay where you are. H-huwag kang lalapit!" Kagat labing sambit ko "Sabi ng 'wag kang lalapit eh!"
Parang wala s'yang narinig at patuloy pa rin sa paghakbang ng mga paa n'ya upang lumiit ang pagitan naming dalawa.
"This time, I won't let you run away from me Janerika. Ilang araw, linggo akong nagtiis, hinayaan kong kunin ka ni Quartz, pinili kong 'wag kang guluhin dahil nagmakaawa sa'kin ang mga magulang ko. But I can't fucking stand it! Whether your willing or not you'll come with me. By hook or by force—I don't give a damn anymore!"
Wala sa sariling tumawa ako at pinagtaasan s'ya ng kilay.
"Sa tingin mo talaga makikisama ako sa'yo ng normal kahit pa pilitin mo akong bumalik sa'yo?! Hindi ba dapat nung nawala ako sa puder mo naging masaya ka? Kasi, malaya ka ng gawin ang anumang gusto mo. Malaya ka ng magdala ng babae sa pamamahay mo ng walang kumu-kuwistiyon sayo. 'Yon naman ang gusto mo eh!"
Hinigit n'ya ang braso ko at marahas akong kinaladkad palabas ng building kung nasa'n kami. Sa entrada ay nagpalinga linga ako, nagbabakasakaling parating na ang securities na pinatawagan ko kay Sally kanina.
Nasa'n na ba kasi sila? I told them to follow us as soon as possible, then where the heck are they?!
Wala na rin ang sasakyan ko na kanina lang ay pinarada ko sa mismong harap ng resto. May iilang armadong tauhan din si Onyx na nagbabantay sa labas.
Talagang planado n'ya na ang lahat.
"Waiting for your back-up? Well, sorry to dissapoint you but---" Hinatak n'ya ako palapit sa kanya at mas lalong hinigpitan ang kapit sa braso ko "My men has already get rid of them. No one will come to help you and take you away from me AGAIN, Janerika. NEVER---EVER---AGAIN!"
"Who said I need anyone to save me from you?"
Buong lakas kong tinuhod ang sikmura n'ya at saka s'ya sinuntok sa mukha. Nang makawala sa pagkakahawak n'ya ay mabilis akong kumaripas ng takbo. Mabuti na lang at malayo ang agwat ng distansya ng puwesto namin mula sa mga tauhan n'ya kaya hindi rin nila ako nagawang mahabol.
"Bumalik ka rito Janerika!" Rinig kong sigaw n'ya
Hindi na ako lumingon pa at patuloy lang sa pagtakbo. Bumilis ang paghinga ko, nagtaka pa ako dahil sa mas mabilis ata akong hingalin ngayon kay'sa dati. Siguro dala na rin ito ng pagbubuntis ko.
Saglit akong tumigil at kinapa ang telepono ko sa pouch na dala. I dial my father's number immediately.
"Dad, p-please sumagot ka"
Halos nakatatlong tawag na ako ay hindi pa rin s'ya sumasagot kaya sunod kong hinanap ang numero ni Quartz. Nagdadalawang isip pa akong tawagan s'ya dahil iniiwasan na n'ya ako pero wala na akong pagpipilian sa sitwasyon na 'to.
"Quartz please respond" Naluluha kong sambit
Nakahinga ako ng maluwag ng may sumagot sa kabilang linya.
[Janerika? Malapit ng magsimula ang trial ng client ko bakit ka tumawag?]
"Q-Quartz I need you, I---"
[Not now Janerika. Kung may gusto kang sabihin, tatawag na lang ako mamaya pagkatapos ng trial sa korte]
"Si Onyx hinahabol n'ya ako! Tulungan mo ako Quartz, p-please you're the only person who can help me now. P-Please ayoko ng bumalik sa kan'ya, ayoko ng balikan ang bangungot na 'yon! Tulungan mo ako!"
Humahagulgol na ako habang hinihintay ang pagtugon niya. Hindi na ako mapakali sa kinalalagyan ko dahil sa labis na kaba at takot.
[Onyx?! Damn it! I-open mo ang GPS ng telepono mo at it-track ko ang location mo. For now, go to the place where in he can't find you. I'll be there, wait for me]
"S-salamat. Salamat Quartz"
Binaba na n'ya ang tawag at napaluhod na lamang ako habng patuloy sa pagiyak. Hapong hapo na rin ako at nakaramdam ng labis na pagod dahil sa kasalukuyan kong kondisyon ngayon.
Normal sa isang babaeng nagdadalang tao ang maging emosyonal at mabilis na panghihina.
"Janerika!"
Natulala ako ng marinig ang boses na 'yon. Agad akong lumingon at nakita ang sasakyan n'ya na nakatapat ang hood sa akin. Paulit ulit n'yang pinindot ang busina nun.
"O-Onyx"
"Huwag mo ng sagarin ang pasensya ko! Come here like an obedient sheep you are before I run out of patience!"
Kinuyom ko ang kamao at mula sa windshield ng sasakyan ay tinaliman ko s'ya ng titig habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.
"Hinding hindi na ako babalik sa impyernong buhay na binigay mo"
Gamit ang natitirang lakas ko ay pinilit ko ang buo kong katawan na tumakbo.
Isang malakas na busina ang dumagundong sa tenga ko, pagtingin kong muli sa likuran ay tanging ilaw na lang mula sa headlights ang nakita ko at tuluyan akong nabundol ng sasakyang minamaneho n'ya.
Bumagsak ako dahil sa lakas ng impact na dinulot nun, nanlumo ako ng mapansin ang dugong umaagos mula sa binti ko.
No! N-no! This can't be happening!
"H-hindi! Hindi! Ang b-baby ko!" With that I lost my conciousness
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
DiversosIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...