CHAPTER 17
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Inilipat ako ng kwarto ni Onyx matapos kong kumalma at tumigil sa paghagulgol ng iyak. Nanatili lang akong nakatulala at walang imik, naririnig ko ang pagbulong sa'kin ni Onyx pero ni-hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi n'ya dahil masyadong okupado ang isip ko sa mga nangyayari.
"I need to take care of something, stay here. I'll be right back"
Akmang dadampian n'ya ako ng halik sa noo ng mabilis akong dumistansya sa kan'ya. Malamig ko s'yang tinitigan at saka inilahad ang mga kamay ko sa kan'ya. Alam ko naman kasing ikakadena n'ya ulit ang mga 'yon para 'di ako makawala. I'm use to it after all, chaining me all day long, so I'm submitting my hands myself now.
"I won't do that again. I won't lock you up anymore, as long as you don't try to run away or leave. Isa pa---kahit pa takasan mo ako hahanapin pa rin kita"
Nagiwas ako ng tingin, dinig ko pa ang mga yabag n'ya palabas ng kwarto. Ng makasigurong wala na ito ay nagsimula muling tumulo ang mga luha ko. Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo na tila ba anumang oras ay pipikit na ng tuluyan ang mga mata ko.
A lot of questions cross my mind, I can't handle each one of them.
Isa sa pinakamalaking tanong na bumabagabag sa akin ngayon ay kung bakit ang taong pinakamamahal at pinakapinagkakatiwalaan ko ay nagawang kunin ang nagiisang pag-asa sa buhay ko? Paano n'ya naatim ang kumitil ng buhay ng isang hamak na inosenteng bata na hindi pa naisisilang sa mundong 'to? Of all people, bakit si Quartz pa?! Hindi ko inaasahan na kung sino pa ang pinakamalapit sa puso ko ay s'ya pang gagawa ng bagay na labis na ikakasuklam ko.
Why you among all others? I fully trusted and loved you, and now all you're going to do is to betray and manipulate me? Is this how you repay my affection and attention towards you? What's the difference between you and your immoral wicked brother?! There's nothing, you all are the same taking advantage of me!
Lahat ba ng pinakita n'ya sa akin ay peke lang?! Nagpakatanga ako at buo ang loob kong nagtiwala sa kan'ya pero sa huli katulad lang rin pala s'ya ng iba, inaabuso ang kahinaan ko at paulit ulit akong pinaglaruan at pinaikot sa sarili nilang mga bitag.
Tuliro akong lumabas ng kwarto, dumiretso ako sa main door nang agarang humarang sa akin ang mga tauhan ni Onyx.
"Padaanin n'yo ako" Walang emosyon kong sambit
"Pasensya na ho kayo pero hindi namin pwedeng gawin ang bagay na 'yan. Mahigpit na bilin sa'min ni Mr. Aestone na 'wag kayong hahayaang lumabas ng mansyon"
"Sabi ng padaanin n'yo ako!"
Buong lakas ko silang tinulak at kumaripas ng takbo palayo. I didn't look back, I just kept running until I was sure I was far away, then I slowly started to walk.
Wala akong sapin sa paa kaya ramdam ko ang lamig na dumadaloy na rin sa buo kong katawan. I'm numb of pain so a cold won't bother me.
Tumingala ako ng makaramdam ng tubig na pumapatak sa mukha at mga kamay ko. Napagtanto kong umuulan pala at mas lumakas pa ito. Ipinagsawalang bahala ko lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.
Isang itim na kotse ang mabilis na humarurot sa harapan ko, lumabas mula sa driver seat si Onyx na may bitbit na payong at matalim na nakatitig sa'kin.
"Stubborn as ever. Hindi ba't sinabi ko na sa'yong 'wag na 'wag kang magtatangkang tumakas?! Tsk, look at you're soaking wet"
Lumapit s'ya sa akin pero humahakbang lang ako paatras.
"What the hell are you doing Janerika?! Pwede bang 'wag mong ubusin ang pasensya ko! Sumama ka sa'kin, bumalik na tayo"
"Ayoko ng bumalik sa'yo" Nakayukong saad ko habang umiiyak
"What did you say?!"
"Ayoko ng bumalik sa'yo! Ayoko nang manatili pa sa puder mo! Ayoko na!"
Inihagis n'ya ang hawak na payong at marahas na higit ang mga braso ko.
"At saan mo balak na pumunta? Kay Quartz?!" Kwustiyon n'ya habang niyuyugyog ang balikat ko
I stare at him expressionless "None of your business"
"Fuck! Despite what he did, you will still go back to that man? Ginagago mo ba ako Janerika?! Pinatay n'ya ang anak mo, ang anak natin pero s'ya pa rin ang mas pipiliin mo kay'sa sa'kin?! Just what the fuck are you thinking?! Your messing with me and my feelings! Do you know how fucking hurt I am?! Are you even concern with how I feel towards you? Answer me!"
Wala sa sariling tumawa ako habang patuloy sa pagpatak ang luha sa mga mata ko. He was stunned as I sob while laughing.
"Kahit sino sa inyo wala akong pipiliin. Pare-pareho lang kayong manloloko, umpisa pa lang minamanipula n'yo na ako kaya bakit iniisip mo na may pipiliin ako sa inyong dalawa? I bet that it was really fun playing with me, isn't it? Gusto kong lumayo sa'yo at sa taong 'yon! Gusto kong lumayo sa inyong lahat! Gusto kong mawala sa mundong 'to ng hindi nananatili sa puder ng kahit sino man sa inyo. Oh, your feelings? Pathetic! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, dahil hindi pagmamahal 'yan kundi kasakiman Onyx! Walang pagmamahal d'yan sa puso mo, dahil ang totoo sarili mo lang ang iniisip mo!"
He gulped and step backward, then out of a sudden he started crying.
"I understand. It's my fault, I hurt you, I made you suffer so much. I deserve it. I deserve this!"
"Then let me go. Palayain mo na ako, dahil kahit anong gawin mo hinding hindi ko ibibigay ang pagmamahal na gusto mo"
Napahilamos s'ya sa kan'yang mukha, at 'di na tumutugon pa. Akmang aalis na ako ng may itakip s'yang panyo sa ilong ko, may kakaibang amoy iyon na naging dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo. He put something into it.
"Tingin mo ba talaga hahayaan kitang iwan ako? Whether you love me or not, you'll stay with me. Your mine, I own you Janerika"
His insane!
Tuluyan akong nawalan ng malay, nagising na lang ako na nakahiga sa isang 'di pamilyar na kwarto. Taranta akong tumakbo palabas, buong akala ko ay nakalock ang pinto pero ikinagulat ko ng malamang bukas ito. Nang makalabas ay sumalubong sa akin ang isang babae at yumuko ito sa akin.
"N-nasa'n ako?"
"Nasa casa po kayo ni Mr. Onyx Aestone"
Him? So he really caught me!
Tinungo ko ang main door at ng buksan ito ay tuloy tuloy akong napalunok ng makita ang buong paligid sa labas, pinapalibutan ang lugar ng dagat at wala kang ibang strukturang makikita.
"W-what is this?" Kinakabahan kong tanong
"Dinala po kayo ni Sir Onyx dito sa South Caribbean, sa private Island na pagma-may ari n'ya"
Ano?! Desperado talaga s'yang ikulong ako!
"Do you like the view?" Napalingon ako at napagtantong nakatayo na pala s'ya sa likuran ko
"Alisin mo ako sa lugar na 'to!"
"I won't. In fact how can you even get out of here, we're sorrounded by water can't you see?"
Kinuyom ko ang kamao habang nakakaloko naman s'yang ngumisi sa akin.
His a psycho! A strange, high level PSYCHO!
"I told you over and over Janerika. You're mine, and no one can have you except me"
![](https://img.wattpad.com/cover/362639377-288-k602998.jpg)
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
De TodoIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...