CHAPTER 14
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Nang ma-discharge sa ospital ay lagi na akong walang imik at tulala, nakatingin sa kawalan na para bang napakalalim ng iniisip. Inilalayo ko ang sarili sa mga tao, kahit pa sa mga malalapit sa'kin gaya ni Quartz. Gusto ko lang mapagisa at i-proseso sa utak ko ang mga nangyari. Pero hindi ko rin pala kayang maging ilag sa iba.
Kumakain ako ng maayos at umiinom ng gamot ngunit parang mas lalo lang lumalala ang kondisyon ko. Para bang imbes na makatulong sa akin 'yong mga gamot na binibigay sa'kin eh mas pinapahirapan pa nun ang utak at katawan ko.
It's getting to the point where I even forget the identities of the people who enter the room where I'm isolated. It's like I'm having a short-term memory loss and then it comes right back.
Am I really being treated or am I being made worse?
Nawawala na ang tiwala ko sa mga taong nakapaligid sa akin, dumating na rin sa puntong pati si Quartz nagagawa ko ng pagdudahan sa kabila ng maayos n'yang pag-trato sa akin.
Baka nga epekto lang 'to ng labis labis na traumang dinanas ko. Idagdag mo pa ang 'di-inaasahang pagkawala ng sana'y nagiisang pag-asa ko.
My unborn child, whose now gone because of that devil.
"Janerika? Oras na para uminom ng gamot"
Napasulyap ako sa pinto at bumungad sa'kin si Quartz na may dalang baso ng tubig at tablets. Lumapit s'ya sa akin at umupo sa tabi ko.
"S-salamat"
Agad kong ininom ang gamot na inabot n'ya saka mataman s'yang nginitian.
"Staying in your room will only make your sadness and depression worse. Why don't you come with me to the garden and have a picnic together, how about that?"
"A-ayoko"
"How about a vacation?"
Ipinilig ko lang ang ulo ng paulit ulit para tumanggi sa alok n'ya. Seryoso ko s'yang tinignan kaya natahimik ito.
"Quartz, mahal mo ba talaga ako?"
Tila nagulat pa s'ya sa tanong ko kapagkuwan ay hinimas ng paulit ulit ang buhok ko.
"Of course Janerika, I love you so much then until now. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa'yo" Walang alinlangan n'yang tugon
"Kung ganun, hindi ka naman gagawa ng bagay na alam mong ikagagalit at ikasisira ng tiwala ko d'ba?" Walang emosyon kong muling kwustiyon sa kan'ya
He frowned as if he was confused by what I was saying. Maging ako nagtataka na rin sa mga salitang lumalabas sa bibig ko, bakit ko ba pinagdududahan ang taong mahal ko at mahal ako? Bakit ba pakiramdam ko ay may mga bagay s'yang itinatago sa'kin na ayaw n'yang malaman ko, kahit ano pa man ang mangyari?.
"Janerika, I love you. Sinabi ko 'yon at kaya ko ring patunayan, mahal na mahal kita kaya hinding hindi ako gagawa ng isang desiyon na maghihiwalay sa ating dalawa. I will never do something that I know will hurt you. Out of all people, I know the best about what you've been through and how amazing a person you are, you don't deserve to be hurt and manipulated at all"
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko ng marinig ang sinseridad sa tono ng boses n'ya. Hinawakan n'ya ang ulo ko at isinandal ito sa dibdib n'ya.
I cried as I buried my face in his chest, the hem of his polo shirt got tangled because I grip it tightly.
"Quartz promise me—promise me that whatever happens you will always be there for me. I know that I'm being selfish with that request of mine but I hope you can do it. Ikaw na lang ang meron ako, ayokong pati ikaw mawala sa'kin dahil kapag nangyari 'yon wala ng saysay ang buhay ko"
I heard him chuckled, he planted a peek kiss on my forehead.
"What are you saying? Nand'yan pa naman ang pa'pa mo hindi ba?"
Nagiwas ako ng tingin sa kan'ya "Nand'yan s'ya pero ni-minsan hindi ko naramdaman ang presensya n'ya bilang ama ko. Business is what matters the most to him, kaya nga pumayag s'yang ipakasal ako sa kapatid mo para lang makuha ang partnership sa kompanya ni Onyx. Kahit na tumanggi ako, kahit na labag 'yon sa loob ko at kahit na nagmakaawa na ako sa harap n'ya, hindi n'ya ako pinakinggan. Quartz, ikaw na lang ang taong inaasahan kong mananatili sa'kin hanggang sa dulo"
Hinawakan n'ya ang pisngi ko habang nakatitig ng direkta sa mga mata ko. His touch made me feel safe.
Unti unti n'yang inilapit ang mukha sa akin hanggang sa magdikit ang mga labi naming dalawa.
Agad kaming naghiwalay ng biglang kumalabog ang pinto.
"Your quite enjoying this don't you?"
Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko ng makita ang taong pinakakinamumuhian ko. Lahat ng masasamang bagay na naranasan ko sa mga kamay n'ya ay unti unting bumalik sa isip ko.
I was surrounded by fear and dread during that moment, why? Why does fate let this evil person find me? No matter what I do, no matter where I hide, it seems like I can't escape from the chains he put on me.
"O-Onyx? Paano ka nakapasok rito?!" Gulat na tanong ni Quartz saka ako tinago sa likuran n'ya
"Oh, just casually visiting you. KUYA"
Marahan s'yang naglakad palapit sa gawi namin, hindi n'ya inaalis ang mga titig sa akin.
"Bakit ka ba talaga nandito hah?!"
"I'm taking back what's mine, now that you spend some time with that thing behind you it's time to give it back from it's real owner. Now, come here like an obedient sheep Janerika. Kung ayaw mong dumanak ang dugo ng lalaking 'to rito, lumapit ka sa'kin"
Nanginginig ang buo kong katawan at hindi ko na magawa pang magsalita dahil sa labis na takot.
"She's not coming with you, Onyx!"
Inambahan ng suntok ni Quartz si Onyx pero tumabingi lang ang mukha nito at nanatili pa rin sa kinatatayuan n'ya.
"Oh fuck! I don't have time for this, you go take care of this bastard!" Utos ni Onyx sa mga armadong tauhan n'yang nakaabang lang sa labas ng pinto
Agad na hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso si Quartz at nagbantay naman ang iba sa kilos n'ya kaya 'di na s'ya nakapalag pa.
Unti unting lumapit sa akin si Onyx habang paatras naman ako ng paatras, patuloy sa pagtulo ang luha sa mga mata ko habang hinahakbang ng dahan dahan ang aking mga paa palayo sa kan'ya.
Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng likuran ko sa malamig na pader ng kwarto.
He cornered me, it's over.
Mahigpit n'yang hinigit ang braso ko at hinatak ako palapit sa kan'ya.
"Long time no see my dove, you miss me?"
"Hayop ka Onyx! Layuan mo si Janerika!" Rinig kong hiyaw ni Quartz
Sinenyasan lang ni Onyx ang mga tauhan n'ya kaya agad na lumabas ngkwarto ang mga ito bitbit si Quartz na nagpupumiglas pa rin.
"Damn it. You enjoy the company of other men. You angered your master, now—how should I punish you?"
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
RandomIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...