CHAPTER 21
JANERIKA'S POINT OF VIEW
As week passed by, I immersed myself in a whirlwind of professional engagements—juggling meetings, conferences, client liaisons, and investor interactions. I found myself a frequent attendee at grand events, soirées, and pivotal moments in the lives of colleagues. This relentless cycle has become the rhythm of my existence, not that I'm complaining though, there's a quiet satisfaction in the harmony of this orchestrated life.
Nililimitahan ko ang sarili na makipagusap sa ibang tao, iniisip ko kasi na mas mabuting lunurin ko ang sarili sa pagaasikaso ng sarili kong kompanya kaysa ituon ang atensyon sa mga normal na bagay na ginagawa ng isang normal na tao. May isa pang senaryo ang gumugulo sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula ng pumunta ako sa luxury bar na iminungkahi ni Sally palagi na akong nakakatanggap ng iba't ibang regalo mula sa isang unknown sender. Minsan boquet of flowers, minsan naman tsokolate at umaabot pa sa puntong mamahaling kwintas at iba pang uri ng alahas ang ipinapadala.
Nakaipon ang mga 'yon sa isang cabinet sa kwarto ko at 'di iyon ginagalaw. Wala naman akong balak na tanggapin iyon ng bukal sa loob dahil una sa lahat ay hindi ko naman kilala kung sino ang taong nagpapadala ng mga 'yon.
Nasa private resort ako ngayon kasama ang sekretarya ko para sa isang business deal. Gabi na at gusto ng investor na makipagusap sa isang private cruise. Halos magsalubong ang kilay ko ng mapagtanto na may event party palang ginaganap sa cruise na binanggit ng taong kausap ng sekretarya ko. Napakaformal ng suot ko kaya naman mas lalo akong nairita. If this weren't such a crucial matter, I'd have walked away without a second thought. However, given that the potential investor holds significant sway, I find myself enduring the clamor of this lively gathering, choosing to set aside personal discomfort for the sake of the bigger picture.
Dumiretso kami sa ground floor at hinanap ang kwarto kung nasa'n naghihintay ang nasabing investor na kikitain ko. Mabuti na lang at hindi umaabot sa ibabang parte ng cruise ang ingay sa kabila ng dami ng tao at lakas ng speaker na naka-set up sa taas.
"Miss J. You're finally here!" Bungad sa akin ng isang matandang lalaki
May akbay-akbay pa itong dalawang babae sa magkabilang braso, sinenyasan n'ya ang mga ito na lumabas kaya nakahinga ako ng maluwag. Wala sa wisyong umupo ako sa couch na nasa harap n'ya at inilapag ang folder kung saan nakalagay ang mga papeles na kailangang pirmahan para sa kontrata.
"Pleased to meet you, Mr. Bonvich" Nakangiting saad ko
Inilahad ko ang palad na agad naman n'yang tinanggap, hinigpitan n'ya ang pagkapit sa kamay ko at paminsan-minsang hinihimas ang mga daliri ko, para bang ayaw n'ya 'yong pakawalan kaya ako na ang kusang bumitaw.
"Do you like this cruise Miss J? I exclusively bought it" Nakangisi n'yang kwustiyon, kinutuban ako ng masama pero nagkibit balikat na lang ako dahil alam kong makakaalis din agad ako sa lugar na 'to
"I like it very much. Moving on, let's get down to business" Iniusog ko ang bitbit na folder sa mesa papunta sa direksyon n'ya "Within that folder lies the contract. I won't impose further, but know that I appreciate your proposition. Your investment holds immense potential to propel my company's growth. Unlike some other investors I've encountered, your secretary excels in communication. Your person persuaded me in a hook. Hence, I wholeheartedly accept your offer, and I'm eager to forge a strong partnership with you"
Binuksan nito ang folder at pinirmahan ang mga dokumentong laman nun. Tumayo ako at nakipag-kamay sa kan'ya. Akmang maglalakad na ako palabas ng humarang sa pintuan ang dalawa sa mga security na tauhan n'ya. Walang emosyon akong lumingon sa matanda at hinihintay itong magsalita.
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
RandomIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...