CHAPTER 20: Free

118 5 0
                                    

CHAPTER 20

JANERIKA'S POINT OF VIEW

Madaling araw pa lang ay umalis na agad ako sa condo papunta sa airport kung saan nakaset ang private flight ko ng 6 am. Hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil alam kong hindi rin magdadalawang isip si Onyx na ipahanap ako sa mga tauhan n'ya o s'ya mismo ang personal na maghanap sa'kin oras na magkaroon s'ya ng malay. Kahit na nakaupo na ako sa departure lounge gate ng airport, hindi ko mapigilang magpalinga linga dahil sa kabang nararamdaman na baka mangyari ang kinakatakutan ko. Na baka bigla na lang s'yang lumitaw sa harapan ko at pilitin akong muli na sumama sa kan'ya. Na baka ang inaasahan kong pagiging malaya sa kamay n'ya ay hindi mangyari.

Tension grips my chest, a relentless reminder of the trauma that turned my life into a living hell reminisce. The air becomes suffocating, and each passing moment intensifies the nervousness that the person who caused this agony might appear infront or behind me.

"Ma'am Janerika, on-board na raw po ang flight n'yo sabi ng announcer. Tara na po"

Napakurap kurap ako ng marinig ang boses ng sekretarya ko. Diretso akong tumayo at pirming naglakad habang hila-hila ang maleta ko. Nang makasakay sa high class seat ay maluwag ang loob na sumandal ako sa head rest ng upuan ko at tulirong tumingin sa labas ng eroplano mula sa bintana.

His nowhere to be seen, that's a great relief!

"Sally, you can go now. Salamat sa pagtulong sa akin para masettle ang mga papeles ko. Masyado na kitang naaabala, your service ends here. I'm not the president of the company anymore, hindi mo na ako boss kaya naman hanggang dito na lang ang deals sa pagitan nating dalawa. Don't worry, nakapagtransfer na ako ng sapat na compensation sa bank account mo. Take it as my gratitude for all the assistance you've provided to me from the past until now"

"Ma'am, hindi ko ho ata nasabi sa inyo na makiki-join-in ako"

Nakangiti n'yang ipinakita ang passport n'ya at itinuro ang luggage na nakalagay na sa overhead compartment. Nagtaas ako ng kilay ng walang alinlangan s'yang umupo sa tabi ko.

"Sigurado ka ba d'yan sa desisyon mo? Gaya ng sinabi ko kanina hindi mo na ako boss, which means hindi na ako responsable sa'yo at wala ka na ring mahihitang pera galing sa'kin"

"Sapat naman na po ma'am 'yong pera na nasa account ko, saka isa pa hinding hindi ko po kayo iiwan no! Halos ilang taon na po akong sekretarya n'yo kaya naman kahit saan kayo magpunta, kahit anong gawin n'yo, susuportahan ko po kayo"

"If that's your final decision, then I won't question you anymore. Basta, ginusto mo 'yan at hindi kita pinuwersang sumama"

"Yes ma'am!"

Lumapit sa amin ang isang attendant na tulak-tulak ang trolley na may kape at magazine, inilapag nito ang isang baso sa folding table na nasa harap ko at yumuko.

"Enjoy your flight Ms. Janerika" Nginitian ko lang s'ya bago ito bumalik sa staff's cabin

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago tuluyang nagtake-off ang eroplano kung nasa'n kami. Napanatag ang kalooban ko at halos lahat ng takot at kabang nararamdaman ko ay iglap na nawala.

It was as if a thorn had been pulled out of my throat, as if all the chains wrapped around my body for so many years that were preventing me from breaking free had been completely removed and unlock.

"I'm finally free from everyone" I utter as a deep sigh come out on my mouth

I decided to stay and relax in Corbeanca Romania, where my mother has left me an Equestrian property. It's her hometown. This ensures that I have a comfortable place to live with no concerns. The tranquility of that place prevails as it is distant from urban hustle and embraced by serenity of nature.

His Psychotic ObsessionWhere stories live. Discover now