Halos Isang linggo din Silang naglakbay bago makarating sa tirahan nina Neryum at ng kapatid nito. Mabuti nalang at wala Silang nakasagupang mga rogue adventurer o halimaw. Sadya Silang umiiwas sa gulo dahil ayaw nilang magkaroon ng aberya sa kanilang paglalakbay at baka matagalan pa sila. Kailangan nilang makarating agad sa lugar kung nasaan ang kapatid ni Neryum dahil sa bawat minutong lumilipas ay lalong lumalala ang kalagayan nito.
Mabilis tumakbo si Neryum sa kanilang tahanan at binuksan agad ang pintuan habang nakasunod naman sa kanya ang Tatlo. Tinawag nito ang kapatid. "Lira! Andito na si kuya!, may mga kasama akong makakatulong na sa atin sa wakas." Malakas nitong sigaw habang mababakasan ang kasabikan sa boses nito. Kaya Lang katahimikan ang bumungad sa kanila. Maging sina Arthon, Adelina at Kaizen ay nagtataka dahil ang tahimik at parang walang tao.
Kinabahan si Neryum, mabilis itong nagtungo at pwersahang binuksan ang silid ng kanyang kapatid. Ngunit wala ito roon. Bumalik ito at tumingin sa kanilang kusina, ngunit wala din dun, tumulong na Sina Arthon sa paghahanap sa buong bahay Pero wala Silang makitang tao.
Makikitang balisang palakad lakad si Neryum, nag aalala ito dahil hindi nila makita ang kanyang kapatid. "Baka naman may pinuntahan lang ang iyong kapatid" pang -aalo ni Adelina rito.
"Hindi, hindi iyon umaalis, kung umalis man-" biglang may naalala ito. "Tama! Maaaring nandoon siya!" Mabilis itong tumakbo palabas ng kanilang tahanan. Nagkatinginan ang Tatlo, at nagpasyang sundan ito kung saan ito patungo.
Nakarating sila kaizen sa Isang talon, sinusundan parin nila si Neryum, umakyat ito sa mga bato. Sa likod pala ng rumaragasang tubig mula sa talon ay mayroon nakatagong kuweba. Pagpasok nila sa loob ay namangha sila sa kanilang nakita, hindi madilim kung di maliwanag dahil sa iba't ibang Kristal na umiilaw sa bawat pader. Makikita rin ang mga halamang ligaw na tumubo sa paligid. Kung sina Arthon, Adelina at Kaizen ay namamangha si Neryum naman ay kinabahan ng makitang ang kanyang kapatid ay nakahiga sa pinakagitna ng kuweba.
"Lira!" Sigaw nito, at dali-daling lumapit sa kapatid nitong nakahandusay.
Dahan-dahan nagmulat ang mga mata ni lira, ngumiti ito ng makita ang kanyang kuya. "Ku-kuya, s-sa wakas nandito k-kana". Hinang-hinang wika Niya.
Lumapit na din sina Arthon, nabigla sila sa itsura ng kapatid ni Neryum. Humpak na ang mukha nito maging ang katawan. Halos buto't balat nalang ito, unti-unti rin nalalagas ang mahabang nitong buhok Nakikita rin nilang pahina ng pahina ang star system ni lira. Mabilis tumingin si Neryum Kay Kaizen. "Master!, pagalingin mo ang aking kapatid". Nagsusumamong pakiusap nito.
Mabilis na lumapit si Kaizen, seryuso niyang pinagmasdan at inobserbahan ang kalagayan ng kapatid nito. Makalipas lang ng ilang segundo ay lumingon siya Kay Neryum at tumugon. "Huwag Kang mag-alala ginoo, mabuti nalang at nakita natin siya agad, kung nagtagal pa tayo, maaaring mahuli na ang lahat."
Bumaling naman siya kina arthon. "Guro, maari niyo bang hawakan ni ginoong Neryum si binibining lira. Paupuin niyo po siya at isandal sa pader." Utos Niya sa mga ito. Mabilis naman kumilos ang dalawa. Inalalayan nilang makaupo si lira at isinandal sa pader ng kuweba. Mabilis na umupo si Kaizen sa harap at hinawakan ang noo ni lira habang nakapikit. Alam Niya na kung paano gawin ang colliequesco tiknik mabuti nalang at may nakalap siyang impormasyong mula sa ipinasa ni haring Amer sa kanya, magiging gabay Niya ito upang magawa ng Tama ang colliequesco teknik.
Makikita ngayon sa mukha ng tatlo ang pagkamangha sa kanilang nasasaksihan. Ilang sandali pagkatapos hawakan ni Kaizen ang noo ni lira ay biglang nagliwanag ito. Mula sa daliri nitong nakatutok sa noo ng dalaga ay may lumabas na puting apoy, tumama ito sa noo ni lira at unti-unting pumasok sa katawan nito. Sa pagpasok ng puting apoy, ay mabilis itong kumalat sa lahat ng ugat kung saan dumadaloy at namamahay ang nanmuneris dekensya na siyang nagpapabara para hindi makahigop ng enerhiya ang star system ni lira, at dahilan para ito'y unti-unting manghina at mamatay. Pagkatapos lusawin ng puting apoy ang nanmuneris dekensya ay nagsimula na ulit makahigop ng enerhiya ang star system ni lira. Akala nila Neryum ay doon na matatapos ang ginagawa ni Kaizen. Pero higit Silang nagulat ng pagkatapos nitong mapalabas ng purong puting apoy, ay may lumalabas narin na limang iba't ibang kulay na nakahalo dito. At dahil dito, mapapansin ang mabilis na pagbabago sa katawan ni lira, ang nalagas nitong buhok ay tumubo Ulit, ang humpak nitong katawan ay nagkalaman na, hindi na ito mukhang kalansay. Kung di napakasigla na nitong tignan at parang hindi galing sa sakit.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...