kabanata 69

173 29 2
                                    


Kasalukuyan masayang nag-uusap usap sina pinunong ka-tenyong, elder Samuel at Mang johanas,, ng humahangos na pumasok si Elvin ang kanan kamay ng pinuno at derederitsong nagtungo sa kanilang harapan.

"Pinuno! Masamang balita!" Hinihingal na bungad nito sa Tatlo, halatang balisa ito.

Agad naman Natahimik sina Mang johanas at elder Samuel. Napakunot noo naman si pinunong ka-tenyong. "Kumalma ka elvin,, anong bang nangyayari at anong masamang balita ang sinasabi mo?"

Huminga muna si elvin saka dahan-dahan nagsalita ulit. "Pi-pinapalayas na tayo ng mahal na hari sa ating lupain!"

Nabigla silang Tatlo sa narinig. Lumapit si Mang johanas. "Anong ibig mong sabihin pinapalayas tayo ng kamahalan?"

"Oo nga, Elvin,, paano mangyayari iyon eh nagpadala pa nga ng apat na malalakas na kawal ang mahal na hari nitong nakaraang araw lamang upang tayo ay protektahan laban sa mga angkan gustav.?" Naguguluhang tanong din ni elder Samuel.

Napailing -iling si Elvin at malungkot na nagwika. "Pinuno,,, pumunta tayo sa sentro naroon ang pinuno ng angkan Gustav kasama ng ilang kawal mula sa palasyo."

Nagkatinginan Silang Tatlo. Huminga ng malalim si pinunong ka-tenyong, maski siya ay naguguluhan sa nangyayari. "Sige, puntahin natin sila." Nanguna ng lumabas ang pinuno kasunod si Elvin.

"Sumunod tayo elder Samuel, dapat natin malaman kung anong nangyayari at bakit bigla bigla tayong papaalisin" yayang Saad ni mang johanas ang ama ni Kaizen.

Tumango si elder Samuel. "Mabuti pa nga"

----

Sa sentro ay makikita ang pagkakagulo ng mga tao. Makikita ang ilang mga kawal na kinakaladkad ang ilang redvil paalis sa kanilang mga tahanan at tinitipon sa gitna.

Mabilis na humarang ang pinuno ng makitang muntikan ng hampasin ng latigo ng Isang Gustav ang Isang matandang redvil.

"Lapastangan! Narito ka sa aming tiretoryo! Anong karapatan mong manakit!" Galit na sigaw ng pinuno.

Ngumisi lang ang lalaki. Maya-maya pa ay biglang bumigat ang tensyon ng paligid, napaluhod si ka-tenyong. Pinupunterya pala siya ng awra mula sa tumatawang pinuno ng angkan Gustav na naglalakad papalapit sa kanila.

"Tenyong! Tenyong! Hahaha!  Nakakaawang pinuno mula sa napakahinang angkan!" Pang-alipusta nito.

Nagpanting ang Tenga ng lahat ng angkan redvil lalo na si Mang johanas. Ngunit wala Silang magawa ng palawakin ni pinunong Ronaldo ang kanyang awra at pinuntirya Silang lahat. Lahat sila ay napaluhod, pilit nilalabanan ang lakas ng awra mula rito.

Patuloy lang na humalakhak si pinunong Ronaldo, masayang masaya siyang nakikitang nahihirapan nakaluhod ang angkan redvil. Maging si Anastasia ay malapad ang ngiti, gustong gusto Niya ang tanawin nakikita sa kanyang harapan.

"A-anong ibigsabihin nito Heneral!" Tanong na Sigaw ni Mang Johanas habang seryusong nakatingin sa Isang Heneral malapit sa kanila. Ito ang Heneral na palaging pumupunta sa kanila sa tuwing maghahatid ng mga kayamanan makakatulong sa kanilang angkan mula sa palasyo. Ito rin ang pinuno ng mga kawal na promoprotekta sa kanila mula sa panggugulo ng angkan Gustav.

Blanko ang ekpresyon ng Heneral ngunit umabanti ito. Sa Isang iglap lang ay nawala ang mabigat na awra mula sa pinuno ng angkan gustav. Mas malakas di hamak ang Heneral kaysa Kay pinunong Ronaldo.

Nakaramdam ng inis ang angkan Gustav ngunit pinili  magtimpi ng kanilang pinuno hudyat upang hindi matuloy ang Pag-alma nila Anastasia, naintindihan nila ang ibinigay na matalim na sulyap ng kanilang pinuno sa kanila.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now