Napahinto ang lahat sa nakita, unti-unting bumagsak ang katawan ni aling letina.
Thud!
Dahan-dahan bumaba sina arthon at Adelina, nanlalaki ang kanilang mga mata, hindi sila makapaniwala sa nangyari. Nagkatinginan silang dalawa. Para Silang nawalan ng dila, hindi sila makapagsalita.
Napaluhod nalang si arthon, bigla siyang nakaramdam ng sobrang panghihina. Bumalik na sa dati ang kanilang mga itsura. Nakatulala niyang pinagmasdan ang dalawang katawan nina aling letina at Mang johanas, mukhang parehong wala ng buhay.
" Heneral! Ano na ang gagawin natin? Su-sundan ba natin ang bata upang siguruhin patay na ito?" Tanong ng Isang kawal na may palakol na hawak.
Humalakhak lang ang Heneral. "Hindi na! Baka ikapahamak pa natin kung bababa pa tayo, ang babagsakan ng batang iyon ay ang lupa ng kontenenting navarian, Alam niyo naman isinumpa ang lugar na iyan, lahat ng nakakapasok diyan ay hindi na muling nakabalik pa, tiyak kamatayan ang nangyayari sa mga taong napapadpad sa kontenenting iyan." Nakangising Paliwanag nito.
Napalunok at Napatango nalang ang kawal, sa totoo lang ay pagud na pagod na siya, marami na siyang iniindang pinsala sa katawan kaya nais na niyang magpahinga, mabuti nalang at hindi na nila kailangan pang sundan ang bata.
Lahat naman ay nagulat ng walang ano-ano'y tumakbo ng mabilis si Neryum patungo sa bangin, hahabulin Sana ito ng dalawang kawal ngunit nakatalon na ito.
"Hayaan niyo siya! Matagal na dapat siyang ipinatapon diyan, sadyang hindi lang ginawa ng hari dahil kahit papaano ay malaki ang naitulong Niya sa bansa" pigil ng Heneral sa dalawang kawal.
Nakita ni Adelina ang pagtalon ni Neryum sa bangin, hahabulin Niya Sana ito ngunit pinigilan siya ni arthon. Galit siyang bumaling dito. "Ano ba! Ikamamatay Niya ang pagtungo sa lugar na iyon! Kailangan natin Siyang iligtas!" Nangagalaiting sigaw Niya rito.
Umiling lang si arthon at nanlulumong nagsalita. "Tama na Adelina, pareho natin Alam kung anong meron sa lugar na iyan, kahit bumaba pa tayo, hindi na natin siya maililigtas. Alam Kong mahal mo si Neryum, ngunit hindi iyan dahilan para sayangin mo ang iyong buhay." Mahinang Paliwanag Niya rito. "Isa pa sa kalagayan mong iyan, hindi ka aabut" tumingin siya sa itaas kung nasaan ang Heneral.
Nanlulumong napaupo nalang si Adelina. Bumalik na siya sa dating anyo. "Natalo tayo, nawalan ng saysay ang lahat" bumagsak ang kanina pa Niya pinipigilan luha, dahil higit sa lahat nasasaktan siya, may kirot sa kanyang puso habang isinasariwa ang alaala nila ni Neryum. Ayaw man Niya, sinubukan niyang pigilan ang kanyang damdamin para dito ngunit sadyang mahal Niya ito. At ngayon wala na ito, para siyang namatay.
"Dakpin niyo na ang dalawang iyan, kailangan Silang ibalik sa kulungan." Utos ng Heneral sa dalawang kawal.
Mabilis naman naglabas ng dalawang bakal na kuwentas na may bato na kulay pula sa gitna ang dalawang kawal, isinuot nila ito kina arthon. Ang kuwentas na ito ang siyang pipigil sa kanilang kapangyarihan.
Napabuntong hininga nalang si arthon. "Dapat tumakas ka at bumalik sa inyong mundo" mahinang bulong Niya rito.
"Hmmph, kung kaya ko lang kanina ko pa ginawa, said na ang enerhiya ko. Hindi ko na magawang ipalabas ang aking salamin." Paismid na tugon ni Adelina. Isa pa para sa kanya hindi Niya iiwan ang kanyang katuwang, kailangan siya nito, at wala sa bokabolaryo Niya ang pansariling pagtakas. May paraan siya upang makatakas Silang pareho, kailangan Niya lang ng sapat na panahon.
Bumalik na sa dating anyo ang Heneral, lumapit ito sa dalawa habang hawak-hawak ang mga ito ng dalawang kawal. "Tsk, tsk, tsk, pasalamat kayo at kahit papaano ay naawa ako sa Inyo kaya hindi ko ipapaalam sa mahal na hari at konseho ang inyong pagtakas." Napapa-iling ito, "tayo na!" At mabilis na itong naglaho. agad naman sumunod ang dalawang kawal habang bitbit sila ni Adilena na.
![](https://img.wattpad.com/cover/360269503-288-k576190.jpg)
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...