"Anong Sabi mo!?" Napatayo sa Galit na sigaw ng Isang hari habang nakaupo sa kanyang Trono.
Nanginig naman sa takot ang tatlong lalaking nakayuko dahil sa lakas ng awrang ipinamalas ng hari sa kanila.
"O-opo mahal na hari, m-may Isang batang lalaki po ang may ka-kapangyarihan na ka-katulad Kay binibining Shaira." Nauutal na pahayag ng Isa.
"Tama po siya mahal hari at ang Batang lalaki po na ito ay mula sa bansang golbath" lakas loob naman na wika ng pinakamatanda sa kanila. Na si wayom.
Matatandaan na Sina tiko,Miko at wayom Ay mula sa tribong ligera, sila'y mga elder ng kanilang angkan ngunit dahil sa pinagtangkaan nilang patayin si Shaira at kung hindi lang nakialam si Kaizen ay baka nagtagumpay sila. Hindi na sila maaaring makabalik pa sa kanilang angkan o manatili sa bundok wudang sapagkat pinaghahanap na sila ngayon ng kanilang pinuno at ng mga mandirigma nito. Hindi pa sila lubusang magaling mula sa pinsalang naidulot ni Kaizen sa huling laban nila. Kaya imposibling manalo sila laban sa kanilang pinuno kung sakaling makipagsagupaan sila.
Sa narinig ay mas lalong uminit ang ulo ng hari. Gamit ang kanyang lakas ay tumilapon ang tatlong lalaki sa di kalayuan at tumama sa pader.
"Mga inutil! Dalawang bata lang hindi niyo pa mapatay? Sinayang niyo lang ang lakas na ipinagkaloob ko sa Inyo! Lalo ka na wayom!" Galit na galit na wari nito.
Napalunok nalang Sina wayom. Alam nilang magiging ganito ang reaksyon ng kanilang hari Pero naniniwala Silang hindi sila nito papatayin dahil kailangan pa nito ang kanilang serbisyo. Kaysa naman kung manatili sila sa bundok wudang ay tiyak papatayin sila ng kanilang pinuno.
Biglang may humawak sa balikat ng kanilang hari at malumanay itong nagwika.
"Huminahon ka haring Hakan" Saad ng misteryusong nilalang ng bigla itong lumitaw sa gilid ng kanilang hari.
Agad naman huminahon si haring Hakan at umayos ng tindig ng mapagtantong nasa kanyang tabi ang misteryusong nilalang na nakasuot ng itim na cloak, hindi makita ang mukha nito dahil natatakluban ito ng hood at may suot din itong maskara.
"Paumanhin kagalang-galang na Heneral Fuego, na-nabigla lamang ako." Tumingin siya sa tatlong lalaki nakayuko. "Umalis na muna kayo, wayom pagalingin mo muna iyang dalawa mong alalay. Ipapatawag ko nalang kayo kapag may ipapagawa na ako sa inyo." Seryusong wika nito. Agad naman tumango ang Tatlo at mabilis na Umalis sa kanilang harapan.
Naiwan nalang ngayon ang dalawa. Lumipad pa balik sa kanyang Trono si haring Hakan. Habang sumunod naman ang tinawag niyang Heneral Fuego at tumayo sa gilid Niya.
Biglang kumumpas ng kanyang kanan kamay ang Heneral at mula sa kawalan ay may nabuong imahe. Makikita dito ang iba't ibang adventurer na nagsasanay mula sa ilalim ng kuweba.
Napangisi naman si haring Hakan sa kanyang nasasaksihan. "Maraming salamat Heneral Fuego sa pagtulong sa akin. Hindi magtatagal ay makakaya narin ng bansang ito makipagdigmaan sa ibang bansa." Nagmamalaking salaysay Niya.
"Dahil iyon naman ang plano natin mahal na hari, kailangan niyong maging malakas ng sa ganun ay magawa natin masakop lahat ng mga bansang narito,, at ikaw haring Hakan ang tatanghaling pinakamakapangyarihan hari sa buong mundo." Seryusong komento nito.
Natuwa naman ang hari sa narinig, naiimahe na Niya ang pagluhod ng lahat ng mga tao, sa kanyang harapan. Napatango -tango pa siya ngunit bigla siyang Nangamba ng maisip muli ang ibinalita sa kanya nina wayom. "Ngunit,, ako'y nababahala dahil sa dalawang batang ito, buong akala ko si Shaira mula sa angkan ng legira lamang ang maaring maging tinik sa ating mga plano, dahil sa kanyang pagtataglay ng kapangyarihan sa liwanag at puting apoy. Ngunit ngayon may lumitaw na panibagong Banta sa atin mga plano, at ito pa ay galing sa bansang golbath,!" Nag-aalalang wika Niya.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...