Malakas na itinira ni Kaizen ang Kanyang palaso na gawa sa pinagsamang enerhiya mula sa elemento ng hangin at apoy. Mabilis itong bumubulusok patungo Kay Lucas na nakapagtatakang hindi mababakasan ng pangamba. Dahil dito ay Napakunot ang noo ni Kaizen, ngunit ng malapit na ang Kanyang palaso rito ay bigla siyang Nangamba at natakot. Dahil sa Isang kisap lamang ay biglang nagbago ang katauhan ni Lucas. At nakita Niya ang natatakot na mukha ng kanyang inang si letina. Kuhang kuha nito ang bawat detalye ng mukha at katawan ng kanyang ina na maging pananamit ay magkatulad, at higit sa lahat ang awrang inilalabas nito ay kaparehong kapareho ng kanyang ina. Kaya naman sa bugso ng damdamin at sa bilis ng pangyayari ay Isa lang ang nasaisip niya, kailangan niyang iligtas ang kanyang ina.
Gamit ang kanyang pinakamabilis na tiknik ay lumitaw siya Isang metro ang layo mula sa kanyang palaso. At mabilis na Iniharang ang sarili para sa inaakala niyang ina.
"Inay!" Nag-aalala niyang tawag dito.
Pag-angat ng mukha ng kanyang inay ay ngumisi ito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng unti-unting nagbago ulit ang katauhan ng kanyang ina at naging si Lucas itong muli.
"Anak/Kaizen!" Malakas na sigaw ng kanyang tunay na mga magulang.
Parang bumagal ang sandali at Liningon niya ang kanyang mga magulang na umiiyak. Huli na para siya makaiwas, nalinlang siya ng kanyang kalaban.
Booooom!
Malakas na pagsabog, Makikita ang purong alikabok at makapal na usok sa paligid, ng unti-unting mawala ang usok ay makikita ang malaking butas sa lupa na gawa mula sa pagsabog ng kapangyarihan ni Kaizen. Sa gitna ay makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ng nakadapang si kaizen.
Agad na lumapit sina Mang johanas at aling letina. Awang-awa sila sa kalagayan ng bata. Duguan ito, at may malaking pinsala sa bandang tagiliran. Bali din ang Isang kamay at dalawang Binti nito. Nasunog din ang likuran nito kung saan tumama ang malakas na enerhiya. Ganito pala kalala ang naidudulot ng kanyang pinagsamang elemento.
"Anak ko! Kaizen! Gumising ka anak!" Umiiyak na sigaw ni letina habang dahan-dahan ipinatong sa kanyang hita ang Ulo ni Kaizen at pilit itong ginigising. Natatakot itong tumingin sa kanyang asawa.
"Jo-johanas! A-anong gagawin natin? Ka-kailangan natin ng -tu-tulong!" Natatarantang wika niya pa sa asawa.Hindi Naman Alam ni Mang johanas ang gagawin, natutuliro din siya, hindi Niya lubos maisip na mangyayari ito sa kanilang anak. Kasalukuyan wala paring malay si Kaizen. Mabilis Niyang hinawakan ang kamay nito.
"A-anak! G-gumising ka! Pa-patawad, dapat ako ang promoprotekta sa Inyo!" Umiiyak na pagsisisi nito. "Kung malakas lang Sana ako! Hindi Sana ito mangyayari! Ka-kasalanan ko itong lahat!" Higit na Sinisisi Niya ang kanyang sarili, pakiramdam Niya wala siyang kuwentang ama. Wala Sana sila sa ganitong sitwasyon kung nung una palang naging malakas na siya, kung Sana pinanganak Silang may malakas na elemento, hindi Sana dadanasin ng kanyang asawa't anak ang mga ganitong paghihirap sa kanilang buhay.
Di maiwasan mapailing ni Lucas ng makita at masuri ang kabuuang pinsala ni Kaizen. Kung nagkataon siya ang tinamaan baka higit pa riyan ang kanyang mararanasan. Mabuti nalang nakaisip siya ng magandang ideya at agad naman gumana. Itong espisyal niyang kakayahan ang palaging nagliligtas sa kanya sa tuwing nasa alanganin siyang sitwasyon. Nakakaya niyang gayahin ang katauhan ng ibang tao Pati narin ang awra nito kahit na Isang beses pa lang Niya itong nakita. Mabuti nalang at hindi namatay ang bata kung nagkataon malaking problema ang kanyang kakaharapin sa kanyang pinuno.
Naramdaman ni Mang johanas at aling letina ang paglapit ni Lucas patungo sa kanila. Agad Silang naging alerto. Mabilis na humarang si Mang johanas at mula sa kanyang likuran ay inilabas Niya ang kanyang palakol. Ito ang kanyang bagong gawang sandata isang midtier armament lamang. Alam niyang hindi sapat ang kanyang lakas bilang Isang nasa silver rank laban sa nasa gold rank. Ang layo ng kanilang agwat. Ngunit hindi ibigsabihin nitong hahayaan Niyang makuha ng lalaki ang kanyang anak, Magkamatayan man, Handa siyang lumaban.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
MaceraSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...