kabanata 64

238 26 10
                                    

"Hmm,,"

Unti-unti ng nagkamalay si kaizen. Napansin niyang nakatulala sina hara at nakatingin sa itaas. Unti-unti siyang bumangon at napansin naman siya ni Ella.

"Kumusta ang pakiramdam mo Kaizen?" Nag-aalalang tanong nito.

"Maayos naman, bakit sila nakatulala? Sino ba ang tinitignan  nila?" Marahan niyang tanong dito.

Naramdaman naman nina Lexington ang Pagbangon ni kaizen  kaya  agad Silang lumapit dito.

"Yung nga ang gusto din namin malaman bata, sino ang dalawang kakaibang na nilalang na iyon?" Tanong nito at Tinuro ang  direksyon ng dragon at ang dalawang nilalang na kasalukuyan nakikipag-usap dito.

Tumingin naman si kaizen at nanlaki ang kanyang mga mata. Napasinghap siya at napatayo.

"Bakit sila nandito? At paano sila nakalabas?" Naguguluhang tanong Niya.

"Ku-kung ganun ay kilala mo nga sila, bakit ka nila tinawag na master kanina? Ano mo sila Kaizen?" Nagtatakang tanong ni hara.

"Ahm ang hirap ipaliwanag eh,," hindi Alam ni Kaizen kung paano ipapaliwanag kina Lexington ang tungkol kina Leon at Chen, hindi naman Niya maaaring sabihin sa mga ito ang tungkol sa mundo ng gwalima, ang kanyang pag-aaring mundo.

Napansin naman ni Chen na nagkamalay na si Kaizen. Kaya tumingin ulit siya sa dragon. "Katulad mo ay nagmula din kami sa ibang mundo at sa ibang dimensyon, ang dahilan kung bakit kami ay hindi kasali sa restriksyon ng mundong ito ay dahil kami ay nakakunekta Kay Kaizen, kami ay kanyang mga protektor monstrum. Sa antas at ranggo namin ni Leon ay imposibling matalo mo kami, ang masama pa ay baka mapatay ka pa namin." Nagmamalaking Lahad niya.

Nainsulto naman ang dragon. "At sa palagay niyo takot akong mamatay? Tsk, wala akong pakialam dahil wala na rin naman akong dahilan pa upang mabuhay, wala na ang aking anak, hindi ko rin naman magawang wakasan na ang aking buhay. Kung kaya malugod kong tatangapin kung sakaling mapatay niyo nga ako". Galit na tugon nito.

Napangisi si Leon. "Tsk,tsk, ikaw ang bahala, Yun nga lang mamamatay ka ng mangmang at ginawa lamang uto-uto ng ibang nilalang. Ni hindi mo Alam ginamit ka lang at ginawang kasangkapan para sa kanilang mga plano."

"Tama si Leon, hindi mo lubusan Alam ang buong katutuhanan, Pero ang lalaking iyon (turo nito Kay pinunong Beryl) siya ang mag mumulat sa iyo, at magagawa mo narin mabigyan ng tunay na hustisiya ang iyong anak." Nakangiting ani Chen.

Huminahon ang dragon, at napaisip siya sa mga sinabi ng dalawang nilalang. Bakit nga ba hindi Niya nalang pakinggan ang mga ito, dahil aaminin Niya may nararamdaman siyang kakaiba na para bang may kailangan siyang malaman, kung sakaling niluluko na naman siya ulit, ay sisiguraduhin niyang uubusin Niya ang lahat ng mga mamayan ng bansang magton kahit kapalit pa nito ang kanyang buhay.

Napansin naman ni Chen ang pag-iiba ng ekpresyon ng mukha ng dragon. Kaya napangisi siya at masayang nagwika. "Hmm mukhang nakapagdesisyon ka na, mabuti iyan, Tara at puntahan na natin sila." Masigla Niya Aya dito. nauna na siyang nagtungo kina Kaizen. Sumunod narin sa kanya  si Leon.

"Master!" Masayang bungad niya Kay Kaizen. Habang tahimik lang si Leon.

"Chen! Anong nangyayari?" Naguguluhang bungad ni Kaizen rito. Hindi Niya talaga maintindihan kung papaano nakalabas ang mga ito eh hindi naman Niya binuksan ang lagusan, at ang huli niyang natatandaan ay yung tatamaan na sina Lexington ng malakas na kapangyarihan mula sa dragon, ay nakaramdam siya ng takot at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pagkatapos nun ay wala na, nagising nalang siya na para bang nakatulog siya ng ilang oras.

"Ah Yun ba, sa susunod ko nalang ipapaliwanag ang tungkol doon, limitado lang ang oras na kaya naming guguling dito sa labas kaya magmadali na tayo sa pakay mo sa dragon kung bakit gusto mo siyang makausap." Masiglang ani chen.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now