Ilang metro ang layo mula sa isla ay huminto muna sila. Ito ay dahil mayroon palang entrenamiento o Isang malakas na Harang na siyang nagproprotekta sa isla.
May inilabas si arthon na Isang kapirasong papel at idinikit sa Harang. Mayamaya lang ay nagkaroon ng butas ito kasing laki lang ng ibon si mola,.sapat para sila ay makadaan. Namamangha sila dahil habang sila ay dahan-dahan pumapasok sa Harang ay mapapansin ang maliliit na boltahe ng kuryente sa paligid nito.Ng makalagpas na sila ay dumiritso na agad si mola sa paglipad pababa. Narating nila ang harapan ng Isang malaking tarangkahan na may na kasulat na Goldbath academy.
Isa Isa Silang bumaba habang si Kaizen ay hinawakan si zenki at tumalon. Napatingin nalang sa kanila ang ibang studyante.
Pinahanay ulit sila ni arthon base sa kanilang angkan. Mayamaya lamang ay may dumating na Isang matandang lalaki. Ito ay nakasuot ng purong puti, mula sa kanyang sumbrero hanggang sa sapatos. Nakasalamin din ito tulad ni ginoong arthon, mapapansin narin ang katandaan nito dahil sa pagkakulubot ng mukha. Mukha lang itong mahina sa unang tingin Pero kung pag-aaralan ang awrang Nilalabas ng katawan nito ay masasabing ito ay hindi Isang pangkaraniwan nilalang. Bagamat ito ay nakangiti at mukhang napakabait, sa likod nito ay ang pagiging tuso at mapanlinglang."Maligayang pagdating sa goldbath Academy mga bago naming estudyante!" Masiglang bati nito sa kanila. "Ako nga pala si Rodolfo ang inyong punong tagapamahala ng paaralan goldbath." Pagpapakilala nito.
"Maraming salamat po punong-tagapamahala." sabay sabay na wika ng mga bata.
Bumaling ang punong-tagapamahala Kay arthon "sila na ba lahat ang nakapasa sa pagtatasang iyong ginawa kamakailan?" Tanong nito.
Yumuko muna si arthon bilang pagbibigay galang. "Opo punong-tagapamahala". seryuso niyang Saad.
Lumakad ng mabagal si Rodolfo paikot sa mga estudyanteng nakahanay base sa angkan. pinagmasdan Niya isa-isa at pilit pinag-aaralan. Patango-tango pa ito hanggang mapunta siya sa hulihan Hanay, napataas ang kanyang kilay. "Hmm Isang redvil?" Tumingin ito Kay arthon
"Ah opo, nag-iisa lang siyang nakapasa mula sa kanilang angkan" matipid niyang sagot.
Napatango ulit si Rodolfo, "interesante, ito ang unang pagkakataon na magkaroon tayo ng bagong hahasain mula sa angkan redvil." Tumingin siya sa mga mata ni Kaizen. Namangha siya sa mga kulay ng mga mata nito, 'napakagandang tignan,' sa isip Niya.
"Ano ang iyong ngalan batang ginoo?" Tanong Niya kay Kaizen.Tumingin ng deretso sa mata si Kaizen. Inaamin niyang Kinakabahan siya, hindi Niya Alam Pero parang hindi siya kumportabli sa taong ito. "Ako po si kaizen redvil mula sa angkan redvil." Tugon Niya.
"Nakikita Kong ikaw ay nasa 3rd bronze rank. Ngunit nararamdaman Kong ika'y higit pa rito." Nakangiti nitong Saad
Hindi Alam ni Kaizen kung ano ang isasagot, kaya napangiti nalang siya ng pilit at sinabing "hindi ko po Alam kung bakit punong-tagapamahala."
Napatango nalang si Rodolfo. "Buweno, sa aking nakikita ay magiging malakas ka dito kaya pagbutihin mo iho," bulong nito sa kanya. Bago umalis sa kanyang harapan at bumalik na sa unahan.
Tumingin siya sa lahat ng bata naroon "inaasahan Kong magiging maganda at interesante ang bagong henerasyon ngayon. Nakikita Kong ang lahat nang nandito ay may matataas na potensyal, Kaya wag niyo Sana akong bibiguin, nais Kong makita kung sinu-sino sa Inyo ang mapapabilang sa elite quads!" Sigaw nito
Ikinumpas nito ang Isang kamay, at sa isang iglap bumukas ang tarangkahan. "Halina kayo mga bata, pumasok na tayo, " Habang naglalakad ay tinawag nito si arthon."Arthon, ikaw na bahala sa kanila, may aasikasuhin lang ako na importating bagay. Ikaw na ang magsabi sa kanila ang lahat lahat na dapat nilang malaman dito sa ating paaralan." Bilin Niya rito bago umalis.
Tumango nalang si arthon at yumuko bilang pagbibigay galang.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...