kabanata 46

181 24 4
                                    



Nakahinga na ng maluwag Sina Kaizen ng dumating narin sa wakas ang Tatlong kolonel.

Sinubukan ng Isang kolonel na habulin sina pinunong Ruke ngunit hindi na nito naabutan pa at tuluyan ng nakatakas. May ginamit kasi itong  Isang kayamanan kayang dalhin ang Isang adventurer sa ibang lugar ng wala pang Isang segundo.

Inalalayan naman ng ibang tauhan sa barko sina xim, deon at  hara pabalik sa barko upang malapatan ng Lunas. Habang si Kaizen naman ay sumunod nalang sa kanila dahil hindi naman Malala ang kanyang tinamong pinsala.

Ipinasok sila sa Isang silid, naroon na si ella at kasalukuyan nagpapahinga. Hindi naman masyadong malubha ang kalagayan ng tatlo na Sina Ella, xim, at deon dahil kayang kaya ng mga ito na mapagaling ng kusa ang kanilang pinsala basta bibigyan lang sila ng sapat na panahon upang makapagpahinga, hindi katulad ni hara. Kung matatandaan nagtamo ito ng pinsala ng saksakin ito ng kadenang may patalim sa dulo ni pinunong Ruke. Tumagos ito at natamaan ang Isa sa mga ugat nito kung saan dumadaloy ang enerhiya ng star system.

Ito ang napansin ni kolonel haji ng masuri niya ang katawan ni hara. Magulo ang daluyan ng enerhiya nito sa star system kaya ito ang rasun kung bakit hindi nito kayang kusang pagalingin ang sugat nito hindi katulad nina Ella. Nagiging kritikal ang sitwasyon nito habang nagtatagal.

"Hindi maganda ang kalagayan ng binibini. Sino sa Inyo ang marunong sa alchemy?" Matiim nitong Sabi at tumingin sa mga naroon.

"Sa kasamaang palad kolonel haji, walang alchemist na pasahero ngayon dito. Pero baka kaya ng mga gamot na gamutin si binibini?" Tumingin ito sa limang elites dahil Hindi pa Alam ng kapitan  ang pangalan ng mga ito.

kaya kusa ng nagsalita si Deon. "Hara ang pangalan Niya,  ako naman si Deon, at ang Isa pang babae ay si  Ella at itong katabi ko ay si xim, at ang bata naming kasama, siya si Kaizen."

Kasalukuyan nawalan na ng malay si hara. Nakakaramdam na ng kaba sina Deon. Wala sa kanila ang marunong sa alchemy.

Napabuntong hininga naman si kolonel haji, nagkaroon ng kumplikasyon sa kanyang mukha. "Naputol ang Isa niyang ugat kung saan dumadaloy ang enerhiya patungo sa kanyang system. Masyadong malakas ang pagkakasaksak sa kanya at hindi nagawang protektahan ni hara ang kanyang star system kaya Pati ito ay tinamaan. Walang gamot, pill o potion ang kayang gamutin ito kung hindi ang alchemist mismo. ang alchemist ang may kakayahan gamutin ito sa pamamagitan ng pagpapadaloy nito ng kanyang apoy sa mga ugat ng star system upang magawa nitong mapagdugtong ulit ang naputol." Mahabang Paliwanag Niya.

"Kung walang alchemist dito, baka sa lugar ng coling mayroon," suhesyon ng Isang kawal.

Napailing naman si kolonel haji. "Tiyak mayroon sila, Pero ilang milya pa ang layo natin sa kanilang unang bayan. Wala sa atin ang marunong lumipad, at kung mayroon man wala ng oras, sa nakikita ko mayroon nalang limang minuto ang binibini bago tuluyan masaid ang enerhiya Niya na patuloy na tumatagas."

Sa sinabi nito ay napaiyak si Ella, at napatungo naman sina xim at deon.

"Wa-wala na bang ibang paraan?" Nanlulumong tanong ni Deon.

"Ka-kaya ko po siyang pagalingin!" Saad ni Kaizen, kanina pa siya nakikinig, maging siya man ay may alam kung ano ang tunay na kalagayan ni hara, at Alam niyang mamamatay ito kapag hindi agad naagapan. Hindi Niya lang magawa makisali dahil masyadong kumplikado ang kanyang sitwasyon. Kanina pa siya pinagsasabihan ni Leon na huwag makialam. Pero hindi kaya ng kunsensya Niya.

"'bata! Makinig ka! Hindi maaaring makita o malaman nila ang sekreto mo, hindi pa oras para ipaalam ang pagtataglay mo ng puting apoy.!" Pagpigil sa kanya ni Leon. Kinakausap siya ng mga ito sa isipan.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now