Pinuntahan at pumasok si Kaizen sa Isang kuweba, nadiskubre Niya ito nang pabalik na sila sa bayan ng Bura mula sa bundok Varion. Napansin niyang tago ito at hindi pansinin kung kaya dito Niya piniling magnilay.
Gamit ang kanyang apoy na Lila ay nagkaroon ng kaunting ilaw, sapat upang mailawan lang siya. Umupo Siya sa Pinakagitna at sinimulan ng ang pagnilay-nilay. Sa loob ng kamyang kamalayan ay nakita niya ulit ang kanyang star system kung nasaan ang Isang Batang wala paring mukha. Nakaupo lang ito paharap sa kanyang Tala.
"Alam ko kung bakit ka naparito," usal nito.
Napakamot nalang siya sa leeg.
"Uhm mabuti naman" tugon Niya nalang, hinintay Niya nalang itong kusang magsalita dahil tingin Niya ipapaliwanag naman na nito ang lahat ng mga katanungan nasa isip Niya. At dahil Mukhang Alam naman na nito kung ano ang mga nangyayari sa kanya .Nakita niyang tumayo ang bata at humarap ito sa kanya. Kahit wala itong mukha ay nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanyang mga mata.
"Tignan mo ang ika-limang bato" utos nito sa kanya. Tumingin siya sa taas kung nasaan ang kanyang Tala at ang limang batong sinasabi nito, napansin niyang aktibong lumiliwanag ang kanyang batong pula na may halong Lila, at ang batong berde na siyang elementong hangin. Pero kapansin-pansin ang puting bato na siyang sumisimbolo ng kapangyarihan liwanag, dahil umiilaw na ito ng kaunti ngunit parang napipigilan ng mga simbolong nakapaligid dito na parang Isang Kadena.
Napakunot noo siya. At bumaling sa bata.
"Anong mga simbolong iyon? Bakit parang pinipigilan nito ang aking kapangyarihan sa liwanag?" Pagtataka niyang tanong."Hindi ko rin Alam, bigla nalang iyang umilaw ng malakas ng dalawang beses. Nung una ng manganib ang buhay mo mula sa mga nakalaban mo sa angkan legira. Pangalawa nitong pagsagip mo sa mga kasamahan mo mula sa dragon. Pero pagkatapos nun bigla nalang may lumabas na mga simbolo at mukhang pinipigilan na nito ang iyong kapangyarihan sa liwanag. Kung hindi ako nagkakamali Isa itong selyo na naging aktibo ng sandaling magamit mo ang iyong kapangyarihan." Paliwanag nito
"Pero bakit sa elemento ng liwanag lamang? Bakit sa elemento ng apoy at hangin hindi naman?" Naguguluhang niyang tanong.
" Mukhang sinadyang maselyuhan ang iyong kapangyarihan, at nilagyan ng kung sinuman ng dobleng selyu ang elemento ng liwanag. Ang unang selyo ay nasira mula ng magawa mong magamit ito ng di mo nalalaman dahil sa labis na pagkagusto mong mailigtas ang batang si shaira. At umaktibo ang ikalawang selyo ng ginamit mo itong muli sa pakikipaglaban sa dragon. At dahil naselyuhan na itong muli ay tiyak di mo na magagawa pang maipalabas muli ang kakayahang ipinamalas mo ng dalawang beses." Tugon ng bata.
"Hmm Ganun ba, kung talagang napakalakas ko ng magamit ko iyan, malaking tulong Sana ito kung sakali para sa nalalapit na digmaang binabalak ng hari ng magton. Kailangan ko itong makuntrol, magiging alas ko ito balang araw. Pero paano? Kung nakaselyo na itong muli at mukhang napakalakas pa ng pagkakaselyo, ni hindi ko maintindihan ang mga simbolong nakasulat.... siguro masisira din iyan kapag nagawa ko ng mapaaktibo ang dalawa pang elemento, ang tubig at lupa." Umaasang ani ni Kaizen.
Hindi siya masyadong apektado Pero Nakakaramdam siya ng panghihinayang. Wala siyang nakuhang tugon mula sa bata kung kaya nagpasya nalang siyang magpaalam.
"Oh panu, Yun lang ang ipinunta ko dito, papasok pa ako sa aking mundo nais Kong makausap ang dalawang protektor ko." Paalam Niya nalang dito. Wala siyang nakuhang konkretong sagot mula rito, kaya mas mabuti nalang ay puntahan Niya Sina Leon at Chen at baka may alam ang dalawa. pumikit nalang siya para bumalik na sa kanyang kamalayan.
Hinayaan lang ng bata si Kaizen, Pero ng mawala na ito ay umusal siya. "Mukhang nag-iingat kung sino man ang nagselyo sa iyo ng iyong kapangyarihan. Sabagay hindi rin naman maganda kapag tuluyan umaktibo ang iyong elemento sa liwanag dahil sa antas ng iyong kakayahan at pisikal na pangangatawan ngayon ay hindi mo pa kakayanin, tiyak sasabog ang iyong katawan dahil hindi nito kakayanin ang lakas mula sa kapangyarihan ito. siguro Alam ng nilalang na iyon na baka mangyari ito kung kaya nilagyan Niya ng dalawang selyu ang elementong liwanag, mukhang prinuprotiktahan ka Niya kung ganun." Salaysay Niya.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...