kabanata 76

165 30 4
                                    

Clang!

Swissh!

Woosh!

Bang!

Palitan ng Pag atake mula kina Adelina, at arthon laban sa Heneral. Ngunit Makikita parin na sa kanilang Tatlo, tangin sina Adelina at arthon lamang ang may malaking pinsalang natatamo. kulang na kulang ang bilis nila kumpara sa bilis nito. Ni hindi nila magawang magalusan ito kahit kaunti. Pagud na sila, samantala ito ay malakas at puno-puno parin ng sigla.

Mabilis na kinuntrol ni Adelina ang kanyang mga naglalakihang ugat at ito ay pumulupot sa katawan ng Heneral. Agad naman siyang sumenyas Kay arthon na gawin na ang kanilang pinag-uusapan.

Agad nag ipon ng malakas na enerhiya si arthon sa kanyang dalawang kamay, pinalaki Niya ito ng pinalaki. Ng makitang sapat na ang lakas na Kanyang kapangyarihan ay mabilis Niya itong inihagis patungo sa Heneral na pilit tinatagpas ang mga ugat na pumupulupot dito.

"Supreme airball!"

Boom!

Malakas na pagsabog ang nangyari, halos yumanig ang bundok na kanilang kinaroroonan. Makikita rin ang ilang mga punong nagsitumbahan dahil sa kanilang paglalaban.

Mabilis na lumapit si Adelina Kay arthon at marahang tinanong ito. "Napuruhan mo ba?" Pilit niyang sinusuri ang lugar kung saan Niya nakitang natamaan ang Heneral. Punong -puno ito ng usok kaya hindi pa nila makita kung ano ang naging resulta.

Hinihingal naman tumugon si arthon. "Hindi ako sigurado, Pero -(malalim itong humugot ng hininga) Pero natitiyak Kong tinamaan siya ng aking supreme airball."

Tagaktak na ang pawis ni arthon, makikita narin na nakakaramdam na ito ng panghihina. Dahil sa dami na ng enerhiya ang nagamit niya dahil sa tagal ng kanilang pakikipaglaban.

At sa huling itinira niya ay apatnapong porsyento ng kanyang kapangyarihan ang inilaan Niya dun. Nais Niya kasing  masiguro na mapipinsala na nila ang Heneral.

Alam ito ni Adelina. Sa totoo lang ay nangangamba na ang dalaga dahil kapag hindi parin nila mapinsala manlang ang Heneral ano pa ang kanilang magagawa? Tiyak ang kanilang pagkatalo, ang lakas nito ay sadyang hindi nila mapapantayan kahit pa pagtulungan nila ito.

Nawala na ang usok, agad nanlumo sina Adelina ng makitang matayog parin nakatayo ang Heneral at wala manlang itong pinsalang natamo, at ito ay dahil may bakal na kalasag pala itong ginawa na siyang promotekta rito. Agad natunaw ang bakal na kalasag at unti unti itong bumalik sa katawan ng Heneral.

Ngumisi ang Heneral sa kanila at nanghahamak Silang pinagmasdan. "Ngayon ba ay Alam niyo na ang katutuhanang imposibli na matalo niyo ako? Kahit magsamasama pa kayo ay wala kayong katiting na pag-asa sakin, kaya kung ako sa Inyo, sumuko na kayo at ibigay niyo nalang sa akin ang bata, baka sakaling mapatawad pa kayo ng ating mahal na hari"   pangungumbinsi Niya sa mga ito.

Napaismid lang si Adelina, habang napailing-iling lang si arthon. Marahan itong umusal. "Papayag lang kaming sumuko, kung hahayaan mong makatakas ang bata, tatangapin namin ang kahit na anong kaparusahan basta huwag niyo lang idamay si Kaizen. Inosente siya!" Mariing wika ni arthon sa Heneral.

Nawala ang ngisi sa mukha ng Heneral. "Tsk! Maling disisyon, (napailing-iling ito) ang mga kabataan nga naman hindi marunong mag-isip!" Lumakas pa ang awrang inilalabas ng katawan nito. "Nais niyong ialay ang inyong buhay para lang sa batang iyan? Tsk!tsk! Mga hangal! Pasalamat kayo at walang utos ang mahal na hari na kayo ay patayin!. Dahil kung nagkataon malugod ko kayong isasama sa impyerno ng batang iyan!" Dagdag Niya pa.

Naalerto sina arthon. Agad itong bumaling Kay Adelina. "Maghanda ka, mukhang may hindi magandang mangyayari" anas Niya rito. Tumango lang si Adelina bilang tugon. Pareho nilang inihanda ang kanilang sarili, ng makitang naglabas ng maraming sibat na bakal ang Heneral. Mahinang napausal nalang si Adelina. "Lintik! Uulit na naman ang matandang to sa ganyang atake."

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now