kabanata 11

179 23 2
                                    


Tug!

Pahigang bumagsak ang katawan ng batang si Kaizen, hingal na hingal ito, tagaktak ang pawis dahil  sa kanyang ginagawang pagsasanay ang Pag akyat-baba sa matarik na bundok. halos tatlong araw na Niya itong ginagawa ng paulit ulit.  Napakahigpit kasi ni Leon, hindi siya pinapagpahinga hanggat hindi umaabot ng Isang Daan beses ang kanyang pag-akyat baba.

"Ano kaya pa?" Tanong ni Leon. Tumihaya si Kaizen habang hinihingal parin. Pinilit niyang tumayo ulit. "Kaya pa! Kakayanin ko" determinadong sagot Niya.

"Mabuti, mayroon ka nalang limang minutong pahinga simula ngayon, at sa susunod nais kong makaabot ka muna ng dalawang-daan beses ng pag akyat-baba bago ka magpahinga." Wika nito bago maglaho. Bumalik na ulit si Leon sa dati niyang puwesto.

Sa narinig ni Kaizen ay parang gusto niyang magreklamo, Pero wala naman siyang magagawa, kailangan niyang patunayan dito na kaya Niya at karapatdapat siya.
Huminga siya ng malalim, kinundisyon Niya ulit ang kanyang katawan. Inaalala niyang baka hanapin na siya ng kanyang mga magulang at siguradong nag aalala na ang mga ito. Hindi Niya kasi nagawang makapag-paalam sakanila. Hindi Niya naman kasi naisip na maaaring magtagal pala ang gagawin niyang pagsasanay. "Di bale, magpapaliwanag nalang siya pagkabalik Niya." Sa isip Niya.

Pagkatapos ng limang minutong pagpapahinga niya ay nagsimula na ulit siyang magsanay. Malaki na ang Kanyang pagbabago kumpara sa unang araw ng kanyang pagakyat-baba. Kung dati halos kaladkarin Niya ang kanyang katawan, ngayun ay nagagawa na niyang tumakbo ng maayos. Mapapansin narin nagkakaroon na ng matigas na kalamnan ang kanyang mga braso at Binti.

"Malaki na ang Kanyang pagbabago sa loob lamang ng Tatlong araw." Pahayag ni Chen.

"Dapat lang, ng hindi naman masayang ang pagsasanay ko sa kanya." Sagot ni leon. "Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sayo?" Tanong niya dito.

Umismid mo na ito bago magsalita. "Ako pa ba? Syempre naman, para saan ba itong pinagawa mo Sakin?" May Nilabas itong Isang maliit na kahon. Sa loob nito ay may Isang kahoy na hugis triangulo. Wala naman  itong masyadong desinyo maliban sa talang nakaukit sa gitna. Iniabot ni Chen ang kahon na iyon Kay Leon. Kinuha naman Niya ito at sinuri ng maigi. Pagkatapos Niya itong masuri ng mabuti ay tumango-tango na ito. Kuntento na siya sa nagawang trabaho ni Chen.

"Para ito sa batang iyan, panligtas buhay Niya kung sakaling mapunta siya sa Isang alanganing sitwasyon sa labas." Paliwanag ni Leon. Tinago na Niya ang kahon, at bumalik na sa kanyang puwesto.

"Sabagay, hindi nga pa pala kaya ni master na tayo ay palabasin sa mundong ito hangat hindi Niya pa naaabot ang goldrank. Kung sakaling manganib siya hindi natin siya magagawang saklolohan". Tugon ni Chen. Mayamaya lang ay may napagtanto siya, sumilay ang kanyang pilyong ngiti at tumingin Kay Leon.

"Leon, mukhang nag aalala ka na Kay master! Tinatanggap mo na ba siya?" Ngising asar Niya dito.

Napakunot ang noo ni Leon, matalim niyang tinignan si chen. "Tumahimik ka, Alam mo naman na Pag yang Batang yan ay mamatay sa labas, matatagalan na naman tayong nakakulong dito. Ilang milyong taon na naman ang hihintayin natin para sa susunod na tatangapin ng mahiwagang bato na bagong master." Naiinis napaliwanag nito, "hanggat hindi Niya napapasa ang lahat ng Pag sasanay ko sa kanya, hindi ko pa siya ituturing na bago natin master." Pagtatapos nito sa usapan at pumikit na.

Natatawa nalang si Chen. "Ayaw pang aminin, Pero sige Sabi mo eh" pang-aasar Niya rito.

Hindi naniniwala si Chen Kay Leon sapagkat kung talagang ayaw nito Kay Kaizen hindi ito mag-aabalang magpagawa sa kanya ng Isang mataas na Uri ng epic entrenamiento. Ang aspis-triangulum mataas na Uri ng entrenamiento para sa pagprotekta, pagdepensa, at Pag opensa.
Kaya nitong protektahan ang nagmamay-ari , patibayin ang depinsa ng Tatlong beses at ibalik ng Tatlong beses ang kapangyarihan itinira ng kalaban.
Maaari naman kasing bigyan nalang nila si Kaizen ng Isang high tier entrenamiento, napakarami naman nila nun sa palasyo.

Sa Isang banda, mabuti nalang din at nagpagawa si leon sa kanya, hindi Niya kasi yun naisip. Dapat talaga mayroon si Kaizen ng Isang bagay na magagamit sa oras ng kagipitan. Maaari nga itong punteryahin ng mga masasamang adventurer kapag nalaman nilang may mga kayamanan itong matataas na Uri. Halimbawa na rito itong mismong mundo ng gwalima. Ang mahiwagang pintuan na siyang tangin lagusan para makapasok dito. Nandyan pa ang mahiwagang palayok nito at higit sa lahat ang kakayahan nito sa alchemy na ipinasa rin ng kanilang master, Pati narin ang pagtataglay nito ng maalamat na puting apoy. Marami pa itong pag-aaring kamangha-manghang kayaman  ng lingid sa  kaalaman nito. "Mabuti narin sigurong huwag na muna namin ipaalam sa kanya ang tungkol doon, hahayaan namin siya ang unang makatuklas." Sa isip ni Chen.




Samantala sa bahay ni Kaizen ay makikitang nababahala ang kanyang ama at ina. Hindi nila kasi matagpuan ang kanilang anak na si Kaizen. Nung Isang araw pa ito nawawala. Nalaman lang nilang nawawala ito ng hindi ito umuwi kagabi. Pagkatapos kasi ng pagpupulong hindi na nila tinignan kung nasa higaan ba si Kaizen, tiwala Silang ito'y natutulog na. At nung kinabukasan ng Umaga, hindi nila ito nakita ng tignan nila ang silid nito. Inisip lang nilang baka umalis ng Maaga at may ginawang importanting bagay. Ngunit gumabi na wala manlang Kaizen na dumating. Nais Sana nilang manghingi ng tulong sa kanilang kaangkan , ngunit nag aalangan sila. Kaya pinagpasyahan nalang nilang maghintay pa ng Isang araw.

"Mahal anong gagawin natin,? mula pa kahapon siya nawawala,, mayroon kayang masamang nangyari sa kanya?" Di mapakaling Saad ni lenita.

"Huwag Kang mag-isip ng ganyan. Malakas ang kutob Kong nasa maayos na kalagayan si Kaizen". Pagpapalubag-loob ni johanas sa kanyang asawa. "Maghintay pa tayo, naniniwala akong babalik agad ang anak natin., maaaring umalis lang siya upang magsanay."

"Bakit kasi hindi nalang natin ipaalam kina-pinuno ang nangyayari para matulungan nila tayo sa paghahanap Kay Kaizen" naiinis na wika ni lineta

"Hindi maaari,  Alam mo naman na si Kaizen ang nakikita nilang Pag asa para sa angkan natin. Kapag nalaman nilang hindi natin Alam kung nasaan ang anak natin magmula pa kahapon, malamang iisipin nilang baka dinukot ito ng kalaban nating angkan, tiyak susugod Sina pinuno. Pag kaganun, malaking problima ang mas kahaharapin natin. " Mahabang Paliwanag niya. "Manalig ka mahal ko, malakas ang pakiramdam Kong nasa maayos na kalagayan ang anak natin, magtiwala ka. " Aaminin ni johanas na nababahala siya, Pero kailangan Niyang ipakita sa kanyang asawa na maayos lang ang lahat. Isa pa, ang lakas ng kutob niyang maayus lang nag anak Niya.


Hindi na nagsalita pa si lineta, umiiyak nalang itong yumakap sa kanyang asawa. Labis labis ng pag-aalala Niya para sa kanyang anak.

Hindi nila namalayan ang Isang anino na biglang naglaho mula sa kanilang bakuran.
Ito pala ay Isang espiya mula sa angkan Gustav, nagmamadali itong umalis sa lugar ng mga redvil.







The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now