kabanata 71

213 27 1
                                    



Mabilis na naglalakbay si kaizen sa pamamagitan ng paglipad sa himpapawid. hanggat maaari ay nasa taas siya ng mga ulap ng sa ganun ay hindi siya mapansin ng mga adventurer na naghahanap sa kanya mula sa ibaba. Tama ang kanyang hinala na lahat ng mga kawal at rogue adventurer na tumutugis sa kanya ay naghahanap sa kalupaan lamang. Walang ideya ang mga ito na may kakayahan siyang lumipad. Mabuti nalang at hindi ipinaalam ni Lexington sa hari ang kakayahan niyang makalipad Kundi tangin pagkakaroon lamang Niya ng kakayahan makagamit sa elemento ng hangin ang ipinaalam nito. Ito ang rason kung bakit hindi inisip ng hari na may posibilidad siyang maglakbay sa himpapawid para makapasok sa bansang golbath. Malaki itong kalamangan para sa kanya dahil magagawa niyang mapuntahan ang kanyang mga magulang ng hindi kinakailangan malagay ang kanyang sarili sa alanganin.


Hindi Niya pa napuntahan ang bundok Yamada kung kaya't hindi Niya Alam kung nasaan parte ito ng bansa, Pero dahil sa sinabi ni xim na ang lugar na iyon ay patay na bundok at wala masyadong nabubuhay na pananim o hayop ay umaaasa siyang mabilis Niya nalang itong matatagpuan. Dahil mula sa himpapawid ay kitang-kita Niya naman ang bawat bayan, bundok at karagatan na Kanyang nadadaaanan sa ibaba. Kaya umaasa siyang madali niya nalang matutukoy kung nasaan ang bundok Yamada. Masyadong mapanganib sa kanya kung bababa siya upang magtanong at baka may makakilala pa  sa kanya. Kung hindi siya nag kakamali ay ipinakalat na ng hari ang buong mukha niya sa bawat sulok ng bansa.

---

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng umalis ang mga redvil sa kanilang teritoryo, Isang linggo narin nakalipat ang mga Gustav sa lugar ng mga ito. Sa loob ng dating tahanan ni pinunong ka-tenyong ay Makikita ang nakabusangot na mukha ng pinuno na si Ronaldo Gustav. Habang nakapangalumbaba sa kanyang mesa sa ginawang niyang opisina na dating silid ng Pinuno ng redvil.

Maya-maya pa ay naramdaman Niya na ang presensya ni Lucas patungo sa kanya. Pagpasok na pagpasok ni Lucas ay agad Niya itong tinanong.

"Nahanap niyo na ba?" Naiinip nitong tanong.

Agad yumuko si Lucas bilang Paggalang sa kanya at marahang tumango.

"Opo pinuno, nahanap na namin ang eksaktong kinaroroonan ng mahiwagang kuweba." Tugon ni Lucas, hindi napansin ni pinunong Ronaldo ang kumplikadong ekspresyon Nito.

Masayang napahalakhak ang pinuno at sabik na nagwika. "Kung gayun, atin ng puntahan,!" Nagmamadali nitong Niyaya si Lucas at akmang aalis na. Ngunit napahinto sa sumunod na sinabi ni Lucas.

"Ahm pinuno, may problima"

Napa kunot ang noo ni Ronaldo. "Anong ibig mong sabihin?"

Napalunok muna si Lucas bagu marahan sumagot. "Hm,, yung mahiwagang kuweba na aming natagpuan ay mukhang napasok na ng iba, dahil makikita po ang bakas ng pagkasira nito sa labas."

Nawala ang ngiti sa mukha ng pinuno at Marahas itong nagwika. "Baka nag kakamali ka lang, halika Na't puntahan na natin yang sinasabi mo!" At nagmamadali itong lumabas.

Agad naman sumunod si Lucas at mabilis iginiya ang kanyang pinuno patungo sa kinaroroonan ng mahiwagang kuweba.

Pagkarating nila sa bundok kung saan matatagpuan ang mahiwagang kuweba ay agad nagdilim ang ekspresyon ng mukha ng kanilang pinuno.

Makikita kasi ang pagkawasak ng kuweba at mahahalatang pwersahang binutas ang gitna upang magkaroon ng lagusan palabas. Agad lumingon lingon ang pinuno at nakita Niya ang palatandaan kung saan maaaring matagpuan ang kuweba. Ang Isang puno na may roon iba't ibang kulay ng mga dahon. Dahil dito kaya natiyak na rin Niya na ang mahiwagang kuweba na kanyang hinahanap sa teritoryo ng mga redvil ay itong nasa harapan Niya na ngayon. Mabilis siyang pumasok sa loob, habang nanatiling nakasunod lamang sa kanya si Lucas.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now