"Aalis na po ba tayo guro?"
Bungad na Tanong ni Kaizen ng makita niyang naghahanda na ang mga ito. Mukhang maayos na ang pakiramdam ng kanyang mga kasama.
Nakangiting lumapit si Ella sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. "Oo, tapos na ang misyon natin dito kaya kailangan na natin bumalik."
"Hayyy! Sa wakas makakabalik na tayo sa golbath Academy! Sabik na akong ibalita sa aking kapatid na ang kuya Niya ay nagtagumpay sa pinakaunang misyon bilang elites quads." Nagmamalaking Saad ni xim.
Napailing nalang Sina hara at deon. Habang seryuso lang na nakadungaw sa labas ng bintana si ginoong Lexington,,, malalim ang iniisip nito magmula ng makatanggap ito ng mensahi mula sa hari ng golbath.Nagkaroon ng kumplikasyon sa mukha nito. Napansin naman ito ni Kaizen kaya lumapit siya dito.
"Uhm guro,, ok ka lang po ba?" Pag-uusisa Niya dito.
Napabalik naman sa ulirat si Lexington ng marinig ang boses ni Kaizen kaya lumingon siya dito at ngumiti. "Oo naman, nakabalik ka na pala, aalis na tayo,, nahanda mo na ba ang iyong mga gamit?"
"Ah opo guro, wala naman po akong masyadong dala."
"Hindi ka ba namili ng ipapasalubong mo sa iyong mga magulang?" Tanong ni Ella.
Napakunot noo naman si Kaizen, makikita ang pagtataka sa kanyang mukha kung ano ang ibigsabihin sa sinabi ni Ella.
Inagaw ni hara ang atensyon Niya ng magsalita ito. "Kasi bukod sa bibigyan tayo ng mataas na puntos ay papayagan din tayong makabisita sa atin kanya kanyang angkan ng Tatlong araw bilang gantingpala sa atin misyon napagtagumpayan." Dagdag niya.
Umaliwalas ang mukha ni Kaizen at makikita ang kasiyahan naramdaman niya, sabik na sabik na siyang makita ang kanyang mga magulang,, marami siyang e-kwekwento sa mga ito. Masaya siyang tumugon kina hara. "Talaga ba,, ang galing! Tara na mga kasama at bumalik na tayo sa atin bansa!" Masigla nitong Saad at lumipad lipad.
Natawa nalang si Deon. Lumapit ito sa kanya ng bumaba na siya. May inilabas itong Isang supot. "Oh para sayo, binilhan na kita ng mga pasalubong mo para sa iyong ina at ama, tiyak magugustuhan nila iyan." Saad nito at ginulo nito ang kanyang buhok.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Kaizen ng makita ang laman ng supot. Masaya siyang tumingin Kay deon. "Maraming salamat kuya Deon! Sigurado Ngan matutuwa nito sina ama at ina!"
Natigil ang kanilang pag-uusap ng biglang pumasok at magsalita si pinunong byrel. "Mukhang handa na kayong lahat, halina kayo't ihahatid ko kayo hanggang sa bukana ng tulay." Masayang wika nito.
Nagsitanguan naman silang lahat at sumunod na dito. Hinatid sila nito hanggang sa tulay. Pagkatapos ng ilang sandaling pamamaalam ay sinimulan na nilang muli ang paglalakbay pabalik sa kanilang bansa.
Masayang lumilipad lipad si Kaizen sa himpapawid, pinayagan nalang siya ni Lexington basta wag siyang masyadong lumayo sa kanila.
Lumapit naman si Ella Kay hara at bumulong. "May napapansin ka ba Kay guro hara?" Pagtatanong nito.
Tumingin naman si hara kay Lexington, at tumugon Kay Ella. "Wala naman,, bakit?" Patuloy lang Silang tumatalon-talon sa mga Sanga ng puno habang nag-uusap.
"Napansin ko lang parang malalim ang iniisip ni guro at parang may prinuproblema siya" nag-aalalang wika ni Ella.
"Hmm, ganun ba,, baka may kinalaman ito sa ilalahad niyang balita sa ating hari tungkol sa ating natuklasan sa bayan ng Bura. Hayaan mo nalang si guro,,, huwag mo nalang siya pansinin." Pagtatapos nito ng kanilang usapan.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...