kabanata 70

195 25 4
                                    

Biglang Napahinto si Lexington, tatlong bundok nalang ang pagitan makakarating na sila sa kanilang bansa. Makikita ang pagtataka sa mga mukha nina hara, Pero mayamaya lamang ay napansin nila ang papalapit na ibon na kung tawagin ay palomas mensajeras. Kaya naunawaan na nila kung bakit ito biglang huminto.

Nakita nilang dumapo ang maliit na ibon sa palad ni ginoong Lexington, ilang sandali pa ay nakita na nilang unti-unting naglalaho na ang Ibon. Ito ang kagandahan sa ibon na ito. Pagkatapos nitong maihatid ang mensahi ay kusa itong babalik sa lugar kung nasaan ang amo nito.

Nanatiling nakatayo lamang si ginoong Lexington at taimtim nag iisip. Nagtataka tuloy sina hara kung anong meron at mukhang hindi maipinta ang mukha ng kanilang guro.

"Psst, deon,, may ideya ka ba sa kung ano ang mensahing ibinigay ng ibon?" Sitsit ni xim Kay deon at pabulong na nagtanong.

Umiling lang si Deon dahil maging siya man ay walang  kaide- ideya.

Ilang sandali pa ay nakita nilang napabuntong hininga si Lexington at lumipad patungo sa kanila.

Agad na nagtanong si Ella.
"Ahm guro? May problima po ba?"

Tumingin si Lexington isa-isa sa kanila at huminto Kay Kaizen. Seryuso niyang tinitigan ang bata. Nakaramdam naman ng kaba si kaizen dahil kakaiba ang paraan ng Pagtitig sa kanya ng kanilang guro.

"Kaizen," mahinang usal nito.

"Po?" Inosenting tugon Niya naman dito.

Huminga ng malalim si Lexington. "Kailangan mong umalis at magtago!" Mahinang wika nito.

Nabigla Silang lima sa narinig mula sa kanilang guro. Lalong lalo na si Kaizen. Hindi Niya mawari kung bakit siya pinapaalis ng kanilang guro at bakit kailangan niyang magtago? Magtago kanino?

"Teka lang guro, ano bang ibig niyong sabihin?" Naguguluhang Sabat ni hara.

"Oo nga guro, bakit kailangan magtago ni Kaizen?" Segunda naman ni xim.

"May problima ba sa paaralan at palasyo guro?" Seryusong tanong naman ni deon.

Tumingin sa kanila si Lexington at mahinang nagsalita. "nanganganib ang buhay ni kaizen sa golbath, nagbaba ng kautusan ang kamahalan na tugisin at patayin si kaizen" malungkot na pahayag niya.

Nagulat at napanganga Silang lahat sa narinig. Para Silang binuhusan ng malamig na tubig.

"A-ako? Ba-bakit po g-guro?" Naiiyak na Tanong ni Kaizen. Nakaramdam siya ng takot dahil hindi Niya Alam kung anong nagawa niyang kasalanan upang ipag-utos ng hari na siya'y patayin.

Hindi makatingin ng deretso si Lexington. "Dahil,,, Sabi ng hari,, i-isa kang traydor ng ating bansa. Dahil sa pagkakaroon mo ng koneksyon Kay Neryum Avox na siyang espiya ng bansang whiyork. Nakita ka raw na kasama si Neryum at tinawag ka raw na master nito. Kung kaya't inisip ngayon ng hari at ng konseho na ikaw ay Isang espiya mula sa bansang whiyork." Lahad Niya rito.

Biglang nanghina si Kaizen at napaluhod. Bigla niyang naisip ang kanyang mga magulang.

"Teka guro,, sino bang Neryum na yan?" Naguguluhang tanong ni hara

"Siya yung tinakwil at tinapon sa kontenenting navarian ni haring Elsiyo. Dahil siya ang sinisi nito sa pagkamatay ni prinsipe Eli." Sagot ni deon. Kahit papaano ay may Alam siya tungkol doon.

Napailing si xim. "Pero imposibli iyon, Kaizen,, hindi naman totoo na Isa Kang espiya diba?" Baling ni xim sa napaupong si kaizen.

Biglang umangat ang ulo ni Kaizen at nagpaliwanag. "Hindi po, maniwala kayo, tinulungan ko lang po si ginoong Neryum, dahil matalik siyang kaibigan ni gurong arthon at binibining Adelina" umiiyak na tugon niya sa kanila.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now