Nakita ni kaizen na pumasok ang kanyang itay sa Isang sulok ng butas. Kung mapapansin ang loob ng kuweba ay maraming mga butas, at sa bawat butas na ito pansamantalang naninirahan ang kanyang mga kaangkan. At Isa sa mga butas na pinasukan ng kanyang ama ay malayo sa iba. Dahil dito madali nalang sa kanya ang sumunod dito at pumasok ng walang nakakapansin.
Naabutan Niya ang kanyang ama at ina na nag-uusap."Nasaan na kaya ang ating anak?" Malungkot na tanong ng kanyang inay.
"Huwag Kang mag-alala nararamdaman Kong ligtas lang siya" nakangiting tugon ng kanyang itay at inilatag nito ang nakuhang pagkain sa harap ng kanyang inay.
Malungkot na pinagmasdan lang ng kanyang inay ang pagkain. "Nakakain kaya siya?" Wala sa sariling anas nito. Makikita rito ang labis na pag-aalala para sa kanya. Kung kaya hindi na Niya natiis ay bumaba na siya sa likuran ng kanyang itay.
Napansin naman ng kanyang mga magulang ang kanyang paglapag. Kaya lumingon ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ng mga ito at agad siyang nilapitan.
"Anak!" Sabik nitong Saad at Mabilis na tumulo ang mga luha. "A-ayos ka lang ba? Wala bang nakakita sayo?" Nag-aalalang tanong ng mga ito at agad na hinawakan siya at itinago sa likuran nito.
Mabilis naman Tumingin -tingin sa labas ng butas ang kanyang itay at tinignan kung may nakapansin ba sa kanila. Ng makitang abala lang ang kanilang mga kaangkan sa Kani-kanilang pamilya ay napahinga ng maluwag ang kanyang itay. Mabilis itong bumalik at lumapit sa kanila habang pabulong na nagtanong.
"Paano ka nakapasok dito anak?" Nagtatakang tanong nito.Kumalas sa pagkakayakap si Kaizen sa kanyang inay at Seryusong tumingin sa mga ito. "Hindi na mahalaga iyon itay, inay, kailangan niyo na pong sumama sa akin! Hindi ligtas dito" mahina ngunit nagmamadali nitong Saad.
Nagkatinginan ang dalawa at tumingin sa kanya. "Papaano natin magagawang makatakas sa kanila anak? Bantay sarado ng mga kawal ang buong kabundukan." Nanlulumong wika ng kanyang itay.
"Isa pa anak, ano ba ang nangyayari? Bakit ka inakusahan traydor ng kamahalan?" Naguguluhang tanong ng kanyang inay.
Malungkot na tumugon si kaizen, "hindi ko rin po Alam inay, itay. Maski ako ay naguguluhan din sa mga nangyayari."
Mahabang katahimikan ang namayani sa Kanila bago muling nagsalita si Kaizen.
"Kailangan natin makatakas dito itay, inay, may paraan po akong naisip. Kaya sumama na po kayo sa akin." Pag pupumilit Niya sa mga ito."Anong paraan naman anak?" Kuryusidad na tanong ni Mang johanas.
May inilabas na Isang maliit na salamin si kaizen. Sa totoo lang ay binalak Niya na ipasok nalang sa kanyang mundo ang kanyang mga magulang, ngunit hindi iyon maaari sa kadahilanan kakailanganin Niyang gumamit ng kapangyarihan, upang makuntrol ang paglitaw ng mahiwagang pintuan mula sa kanyang katawan. At kapag ginawa niya iyon ay maalerto Niya ang mga kawal sa labas. Kahit na kaunting enerhiya lang ang kanyang gamitin.
Hindi maaring malaman ng kahit na sino ang tungkol sa kanyang mga kayamanan tinatago. Kaya nag isip nalang siya ng alternatibong paraan. Mabuti nalang at bago Niya isinagawa ang plano ay nanhingi muna siya ng teleportation mirror Kay Chen. Dalawa ang teleportation mirror, bukod sa hawak niya. ang Isa ay iniwan Niya sa Isang bundok malayo sa kinaroroonan nila.dahil iyon ang magsisilbing portal upang makarating sila agad sa lugar kung saan Niya iniwan ang Isang teleportation mirror. Sa pamamagitan nito, magagawa na nilang makatakas sa mga kawal.
Inilatag Niya ito sa lupa, kusa itong lumaki kasing hugis ng Isang batya. Namamangha naman napatingin ang kanyang mga magulang.
"Anak-" magtatanong na Sana si aling letina ngunit naputol ito dahil sa naramdaman nilang malalakas na awra ang kasalukuyang papasok sa kuweba.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...