Habang Mabilis na naglalakbay sina Kaizen ay may dinukot naman si arthon sa kanyang bulsa at ibinigay Kay Mang johanas.
"Inumin niyo po iyan, ng sa ganun ay mabilis kayong gumaling" utos Niya rito.
Nang makita ni Mang johanas na Isang recupill ito ay nag-alilangan siya. "Uhm, maraming salamat, ngunit sa anak ko nalang ibibigay ito, mas kailangan Niya ito." Nakikiusap niyang Saad.
"Hindi niyan magagawang pagalingin si Kaizen. Ang pinsalang natamo ng anak mo sa loob ng kanyang katawan ay kinakailangan ng Isang magaling na alchemist." Malungkot na napabuntong hininga siya. "Kailangan siyang matignan agad ng Isang alchemy master." Dagdag Niya pa.
Sa narinig ay nanlulumong sinubo nalang ni Mang johanas ang pill. Kailangan Niyang maging malakas para sa kanyang asawa't anak.
"Mag-ingat kayo, mukhang nakita na nila tayo." Mahinang usal ni Adelina.
Naging alerto naman sina arthon at Neryum, nararamdaman narin nila ang apat na awrang nakapaligid sa kanila at sumasabay sa kanilang mabilis na pagtakbo at Pag talun-talon sa bawat sanga ng mga puno.
Nakaramdam naman ng pangamba sina Mang johanas at aling letina. Nag-aalalang nilang tinignan si Kaizen na kasalukuyang nakapikit. Mukhang nakatulog ito.
Hangang sa paglabas nila ng kabundukan ay napahinto sila at nanlaki ang kanilang mga mata. Ilang metro ang layo mula sa kanila ay makikita ang dulo ng bangin. Nakaramdam sila ng kumplikasyon dahil ang Kabila ng bangin ay ang kontenenting navarian. Hindi nila Alam na nasa hangganan na pala sila ng kontenenting kazanian.
Mabilis na Sana Silang lilihis ng deriksyon ngunit sa kanilang pagharap ay nakita nilang napapaligiran na sila ng apat na adventurer, Isang Heneral at ang tatlong kawal nito.
"Uhmm,, mukhang Tama ako sa aking hinala, kasama niyo nga ang batang iyan" malamig na Saad ni Heneral Yoshiko.
Lumapit si letina at Mang johanas sa kanilang anak na si kaizen. Agad naman ibinigay ni Neryum sa dalawa ang bata.
Humarap sina arthon, Adelina at Neryum sa Heneral.Sa nakita ay napangisi ang Heneral. "Hindi ko akalain ang Isang magaling na guro mula sa paaralang goldbath at ang prinsesa nitong katuwang ay Isa palang traydor."
"Hindi kami traydor! At mas lalong hindi traydor ang bata iyan! Kaya maniwala kayo walang kabuluhan ang ibinibintang niyo sa amin. Kahit kailan hindi namin pinagtrayduran ang hari, inosente si Kaizen, wala siyang ginawang masama para hatulan niyo ng kamatayan!" Mahabang Paliwanag ni arthon, mababakasan din ang pakikiusap nito.
"Alam mo ang ipinatupad na batas ng ating mahal na hari tungkol sa lalaking iyan! Ang sinuman makitang tumulong sa lalaking iyan ay pinapatawan ng pagiging traydor ng ating bansa.!" Mariing tugon naman ng Heneral.
Sa narinig ay napairap si Adelina. "Letsing batas iyan!" Di Niya mapigilang bulalas.
Sa narinig ay nagalit ang Heneral. "Sinasabihan mo ba ng hinding maganda ang ating mahal na hari?,, Lapastangan! Mga kawal dakpin sila at patayin niyo ang batang redvil." Galit nitong utos.
Mabilis namang naghanda sina arthon. Agad nilang Nilabas ang kani-kanilang sandata at pinagana ang kanilang kapangyarihan. Mabuti nalang kahit papaano ay nagsanay sila ni Adelina nitong nakaraang mga buwan at naging matagumpay Silang makatapak sa unang antas ng skyrank.
Si Adelina ay muling nagpalit anyo, muli ay nasilayan ang kanyang nakakabighaning kagandahan at kaseksihan. Tangin makakapal na dahon lamang ang tumatakip sa dibdib nito habang Isang maikling palda na gawa sa bulaklak naman sa pang-ibaba. Ang bawat kamay at paa nito ay mayroong parang mga ugat na maninipis na kulay berde. Ang ulo nito ay may nakapatong parang Isang korona na gawa sa mga dahon at bulaklak. Na sa pinakagitna ay may kulay asul na batong kumakinang.
YOU ARE READING
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)
AdventureSi Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil...