kabanata 73

176 31 3
                                    

Boom!

Malakas na pagsabog ang tumama sa isang puno. Napahinga nalang si Anastasia dahil sa Muntikan na siyang matusta dahil sa kapangyarihan ni Kaizen. Mabuti nalang at lumitaw sa kanyang harapan si Lucas at mabilis siyang hinila upang makaiwas.

"Sinabi ko na sayong hindi basta-basta ang batang iyan, sa katigasan ng ulo mo, yan ang napala mo," naiiritang bulyaw ni Lucas sa dalaga.

Napaismid naman si Anastasia ngunit hindi na siya tumugon pa, nagagalit siya dahil napatunayan lang niya na higit na mas malakas ang bata kumpara sa kanya, ni hindi manlang Niya ito nagalusan, Samantalang siya ang dami niyang sugat at paso. Mabilis siyang uminum ng recupill. kahit papaano eh natulungan ng gamot na gamutin ang kanyang mga pinsala.

"Kailangan mag-ingat tayo sa kanya, mukhang Nagagamit Niya na ang kapangyarihan ng mahiwagang bato." Seryusong tumingin si Lucas Kay kaizen habang pinaalalahanan si Anastasia.

"Oo na, makikipagtulungan na ako sayo" pairap na tugon ni Anastasia.

Mabilis Silang kumilos at pinaligiran nila si Kaizen.

Naging alerto naman si Kaizen. Nararamdaman Niya ang Pagtaas ng awra nila Lucas at Anastasia. Mukhang pagtutulungan na siya ng mga ito. Napansin niyang naglabas ng dalawang mahabang Kadena si Lucas na may patalim sa pinakadulo. Isang high tier armament, habang si Anastasia naman ay naglabas ng Isang pamaypay.

Mabilis sumugod si Lucas, kinuntrol Niya ang kanyang mga Kadena patungo Kay Kaizen, para  itong may sariling buhay na sumusunod sa bata kahit saan man ito magtungo.

Agad naman tumalon-talon si kaizen habang umiiwas sa mga ataking pinakakawalan din ni Anastasia.

Paulit-ulit lang ang ginagawa niya, talon paatras, ilag pakaliwa, yumuko, at magpasirko-sirko. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang pagkilos ni Kaizen at nahihirapan ng makasabay ni Anastasia. Nakakaramdam na siya ng pagkapagud. Hindi naman kasi siya sanay sa pangmatagalan labanan dahil kulang siya sa pisikal na pagsasanay.

Hindi naman magawang makaganti ni Kaizen pabalik. puro siya Pag depensa. ilag at Pag-iwas lamang ang kanyang nagagawa dahil kahit bumabagal na si Anastasia, ay nandyan naman ang dalawang Kadena ni Lucas. Mabilis din ang mga ito, madali para sa kanyang maiwasan lahat ng ataki mula Kay anastasia maliban lang sa ataki mula Kay Lucas, minsan may nakakalusot na atake mula rito kung kaya't mayroon narin mga kaunting galos at hiwa ang ilang parti ng kanyang katawan.

Sa tuwing sinusubukan niyan atakahin si Anastasia ay agad naman itong prinuprotiktahan ng Isang Kadena ni Lucas. At Sa tuwing iwinawasiwas ni Anastasia ang kanyang pamaypay ay may lumabas na malakas na hangin at kasabay nito ay ang maliliit na buhok na parang Isang karayom ang hulma. Kailangan ni kaizen iyon maiwasan dahil nakikita Niya na sa bawat dulo ng mga maliliit na karayom na iyon ay nakakalason na kayang magparalisa ng katawan. Ganun din ang bawat dulo ng Kadena ni Lucas, mayroon itong Lason. At dahil dito nakumpirma niyang walang planong patayin siya ng mga ito Kundi dakpin lamang.

Sa pag-ilag Niya sa maliliit na karayom ay nahuli siya ni Lucas, mabilis nitong ipinulupot ang dalawang Kadena sa kanyang pulupulsuhan.

"Kaizen!" Nag-aalalang sigaw nina Mang Johanas at aling letina para sa kanilang anak. Ng makita nilang nahuli ito.

"Tsk! Pinagud mo kami bata!" Hinihingal na Saad ni Anastasia.

"Pakawalan niyo ang anak namin!" Galit na sigaw ni Mang johanas. Sinusubukan nilang makalabas sa Harang na ginawa ng kanilang anak. Nais nila itong masakluluhan.

Bumaling naman si Anastasia sa mga ito. At ngumisi. Dahan-dahan itong lumapit at nang-uuyam na nagsalita. "Bakit? Anong magagawa niyo? Sa tingin ba ninyo kaya niyong matulungan ang anak niyo kung sakaling makalabas kayo riyan?" Nangmamaliit nitong pinagmasdan si Mang johanas.  "Sa antas niyong iyan (unti-unti nitong hinawakan ang Harang) ni hindi niyo magawang makawala sa Harang na ito" sa Isang iglap ay nabasag ang Harang.

The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now