Chapter 3

13 4 0
                                    

Ameera's POV
 
 
Ilang araw na ang lumipas simula no'ng huling pagkikita namin ni Zayn. noon pang nag bonding kami. Simula no'n ay biglang hindi siya nag paramdam. Mini-message ko hindi naman nag rereply.

Sa skwelahan naman hindi na siya pumapasok nag tataka nga ang ibang mga studyante kung bakit, lalong lalo na ako. Kahit kailan hindi um-absent si Zayn. Ayaw niyang na b-behind siya sa lesson. Kaya nakakapagtaka talaga ang hindi niya pag pasok.

Akala ko hindi ko lang siya nakikita sa campus pero sa room naman nila talaga ay pumapasok siya kaya pumunta ako sa departament nila. E t-try ko'ng mag tanong sa barkada niya na kilala ko. Dahil mag kaklase naman sila.

Nang nasa tapat na ako ng room nila,  tinawag ko yung babae na nasa may pintoan.

"Bakit? " nagtatakang tanong naman nito.

"Ah nandyan ba si Aamon? " nahihiyang tanong ko

"Ah oo, gusto mo tawagin ko? " tumango ako kaya sinilip niya sa loob.

"AAMON! MAY NAGHAHANAP SAYO! " nagulat naman ako sa biglaang laki ng boses niya.

Grabe naman si ate parang nakalunok lang ng megaphone.

"Ang ingay mo Tine! Hinaan mo nga boses mo parang hindi babae eh noh!  lalapit na. " narinig ko'ng reklamo sa loob at ilang minuto lang ay lumabas itong nakakunot noon sa babae na sumigaw kanina. Nang napalingon siya sakin, nawala ang kunot noo nito at napalitan ng gulat.

"Oy Amee, anong meron! " Bati niya sakin sabay taboy no'ng babae kanina, na inirapan lang siya.

"Ah pede ba kitang makausap? " Tumango naman ito at inaya ako sa cafeteria.

"So ano ang pag-uusapan natin? " tanong niya agad ng makaupo na kami sa pang dalawahang table. Bumuli lang ako ng kapi, habang siya naman ay pagkain.

"About kay Zayn, hindi na kasi nagpaparamdam ang mokong na yon, tsaka hindi ko na din makita dito sa campus. Baka pumapasok pa naman dito hindi lang masyasong lumalabas. " napatigil ito sa pag lamon at tumingin sakin.

"Hindi mo alam? " Nagtaka ako sa tanong niya, anong hindi ko alam? Ang ano?

"Kayanga nag tatanong ako diba, kasi hindi ko alam." naiinis na sabi ko, ayaw ko sa lahat yung walang common sense.

"Ay sorry na, suplada talaga" napairap ako sa komento niya at hinintay pa ang sasabihin niya.

"Ang totoo niyan ay hindi na papasok dito si Zayn." napakunot noo ako at nakinig sa sasabihin niya.

"Nabigla nga kami no'ng binalita yan ng professor samin, sabi niya na nag tranfer daw si Zayn. Tinanong namin kung bakit, sabi naman ni prof na yun lang ang sinabi ng parents ni Zayn. Nagtataka nga ako dahil hindi mo alam, diba bestfriend kayo? " Napatulala ako. Transfer? Bakit naman biglaan? Tsaka hindi man lang niya ako sinabihan? Nang makabawi sa gulat napatungo ako.

"Hindi ko alam na nag tranfer siya, wala siyang sinabi.. " mahinang sabi ko at nag isip. Wala sa ugali ni Zayn na bigla-biglang nawawala, nagpapa-alam siya sakin pag may lakad sila ng mama niya, or pag may problema.  Para nanga kaming mag jowa kung mag paalam sakin eh, pero ganon na talaga kami. Simula pa bata kaya nasanay na din ako.

"Huh? hindi na ako nag taka na biglang di nag paramdam yon kasi di naman talaga nag sasabi sakin yon. Pero sayo? Imposible. Eh kulang nalang pati pag ihi sabihin niya sayo. " napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Nagtataka na din ako.

"Hindi ba sinabi kung saa'ng eskwelahan siya nag transfer? At kailan pa? " nilunok muna niya yung kinakain niya saka sumagot.

"Hindi e, tsaka no'ng lunes pa namin nalaman." lunes? Friday na ngayon tapos yung last kita namin ni Zayn no'ng sabado pa. So possible na nag tranfer siya no'ng sunday. Pero ba't wala man lang siyang sinabi sakin about sa pag transfer niya? Ba't gano'n.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon