Ameera's POV
Ilang araw na ang lumipas simula ng malaman ko'ng nag transfer na ng school si Zayn. Ilang araw ko na ding napapansin ang sarili ko na wala parin sa huwesyo. Minsan kasi natatagpuan ko nalang ang sarili ko'ng nakatulala sa kawalan.Napapansin din yun ni mama kaya hindi niya ako tinigilan sa kakatanong kung ano ang nangyayari sakin. Kaya sinabi ko ang lahat sa kanya. Nagulat at nagtaka din si mama sa nangyari. Pero wala naman akong ma sagot sa mga tanong niya dahil katulad din niya, hindi ko din alam.
Sa school naman parang bumalik ako sa pagiging aloof sa ibang studyante. Dati kasi kasama ko naman si Zayn kaya wala na sa ibang tao ang atensyon ko, pero dahil ako nalang mag isa ay nanibago talaga ako ng husto, bumalik yung dating ako. Tahimik at hindi nakikipaghalubilo. Pero hindi naman as in bumalik sa dati ang sitwasyon, dati kasi may nang b-bully pa sakin, ngayong third year college wala na.
Kalauna'y masasanay din akong wala ka Zayn.
Sasanayin ko ang sarili ko.
8 YEARS LATER
Ilang taon din ang lumipas at ngayon nag t-trabaho na ako sa H's corporation as Mr. H's secretary. 25 years old na ako ngayon. Ang bilis lang nang panahon.
"Ms. Quezo this is our new employee si Ms. Sarah. I want you to guide her in our company and explain the basics. You'll know what to do right? " bumaling ang tingin ko sa pinakilala ni sir sakin, sa tingin ko ay mahiyain siya.
Napa-isip tuloy ako, ganitong-ganito ako dati. Walang confidence buti nalagpasan ko na ang era ko na yon.
"Ms. Quezo? " bumalik ako sa huwesyo ng narinig ko ang boses ni sir.
"Huh? Ah, I mean yes sir. I understand. " Wala sa sarili ko namang sabi. Napatango naman si sir Erickson at nag paalam na dahil may pipirmahan pa daw siyang mga papeles sa opisina niya. Nang makaalis si sir ay binalingan ko naman yung bagong employee.
"Ms. Sarah right?" Nakangiting tanong ko rito, tumango naman siya. Inexplain ko lang sa kanya kung ano ang trabaho niya at pinakilala na din sa ibang employee. Binati naman nila si Sarah ng maayos kaya natuwa naman si Sarah dahil ang babait daw ng nga employado hindi daw katulad sa dati niyang pinag t-trabahoan na mga suplada.
"Alam mo Amee, kanina ko pa talaga to napapansin bakit Mr. H lang pangalan ng CEO natin? Hindi man nalang kinompleto. " madaldal din pala itong si Sarah. We're addressing each other informally dahil yun nalang daw. Masyado dawng seryoso ang ms. Sa unang tingin ay aakalain mong mahiyain itong si Sarah , pero kalaunan at maging close kayo ay madaldal naman pala.
Kasalukuyan kaming kumakain sa kainan dito sa tapat lang ng building dahil lunch time na. Inaya ko siyang samahan ako'ng kumain dahil sigurado naman akong wala siyang kasabay dahil baguhan pa siya. Umoo naman siya agad at nagpasalamat sakin.
"Ah yun ba, ang sabi sakin misteryoso kasi talaga ang nag mamay-ari nang kompanya, ayaw ipaalam kung sino talaga siya." pinaliwag ko pa ang iba kung nalalaman tungkol sa kompanya namin.
No'ng first day ko pa din lang ay nag tataka din ako kung bakit Mr.H ang tawag sa boss namin. Sabi naman ng mga katrabaho ko ay misteryosong tao lang talaga ang nag mamay-ari ng H's corporation hindi lang dito sa Pilipinas, kung di pati ang ibang branches sa ibang bansa.
Wala talagang nakakaalam kung sino talaga si Mr. H. Kaya pinabayaan ko na. Sa ngayon ay hindi si Mr. H ang nag hahandle sa kompanya. Kung di si sir Erickson, parang kanang kamay na din ni Mr. H.
"Ang sabi ng ka trabaho ko ay ipapadala daw ni Mr.H ang anak niya dito sa Pilipinas para mag handle sa mga businesses nila dito. " huli ko'ng saad sa mahaba ko'ng kwento, nakinig naman siya ng maigi. Napaghahalatang interesado sa mga kinekwento ko.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...