Ameera's POV
Ilang araw na simula nang binisita ko si mama kasama si Ashton. Ilang araw na din akong sinusungitan ng bipolar kong boss.Walang iba, kundi ang nakakalitong si Zayn.
Nagtaka nalang ako ng bumalik na ako sa trabaho, hindi na ito namamansin at kunting mali ko'y pinapagalitan na naman ako.
Hindi ko nga siya maintindihan dahil huling pagkikita namin, okay naman kami. Nangangapa nanga ako dahil hindi ko alam kung anong rason, bakit ganito na naman ang trato niya sakin.
Nakakainis na ang pagiging bipolar niya, kulang nalang talaga at e uuntog ko na ang ulo niya sa pader. Nalilito na ako sa nga pinapakita niya.
Byernes ngayon at nag-aayos na ako ng sarili. Inaya kasi ako ni Ashton sa isang party. Umoo na ako dahil na babadtrip ako sa boss ko. Ewan ko ba, feeling ko kasi pag kasama ko si Ashton na rerelax ako.
Nakalimutan ko nga lang tanongin kay Ashton kung anong klaseng party, basta ang sabi lang niya ay mag suot ng formal attire. Kaya ayon, nag suot ako ng white long sleeves tas black pencil skirt. Char, syempre joke lang.
I'm wearing a simple white gown na hanggang paa ko lang ang haba. I paired it with 2 inch white sandals dahil hindi ko kaya yung nga matataas yung takong. May dala naman akong black na pouch as my accessory.
Nilugay ko lang naman ang wavy ko'ng buhok na nasa beywang ko na ang haba dahil hindi ako marunong mag style no'n. Nag lagay lang ako ng kunting make-up para naman hindi ako mag mukhang patay sa party dahil sa putla ng balat ko.
I heard someone honking outside, kaya nag madali akong mag lagay nang perfume at tinignan ulit ang sarili sa salamin. Nang makitang mukha na akong tao, lumabas na ako agad.
Nang makita ko si Ashton na lumabas ng sasakyan, namangha ako. Ang gwapo niya kasing tignan sa suot niyang suit. Nag mumukha siyang prinsipe. Nang magtama ang mata namin napangiti siya, kaya naman lumabas ang dimples nito na mas nag pa gwapo rito.
"Wow Amee, you look beautiful." Namamangha niyang saad nang makalapit ako sa kanya at sinipat ako ng tingin.
"Thanks, ikaw nga din eh." Ngumiti naman ito at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
"Ang gentleman mo talaga kahit kailan. Pwedeng-pwede ka nang maging totoong prinsipe." Natatawa kong biro sabay pasok sa sasakyan.
"Can I be your prince?"
"Huh? Anong sabi mo?" May binulong kasi siya, hindi ko naman narinig dahil ang hina ng boses niya nong sinabi yun.
"I said, ayaw ko'ng maging prinsipe." Nagtaka naman ako. Sinirado niya na pinto at pumunta na din sa driver side.
"Bakit naman ayaw mo'ng maging prinsipe? Sayang naman yang mukha mo." Natawa siya sa sinabi ko sabay paandar ng kotse.
"Rather than being a prince, I want to be a knight." I turned to look at him nang sabihin niya yun.
"I want to be able to protect the people I care about." Sinsero niyang saad, sabay lingon sa gawi ko at kinindatan ako.
Hindi ko alam, pero biglang pumasok sa isip ko yung panahong bata pa kami ni Zayn.
"Don't worry Amee, when I'm around no one will lay a finger on you. I promise. "
I shake my head at tumingin nalang sa bintana. He promised to always protect me. Just like a Knight.
But how well you protect me, when you're not even by my side Zayn?
"Oy Ameera, okay ka lang?" I turned around to look at Ashton na palingon lingon sa gawi ko. Ngumiti ako at tumango.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...