Ameera's POV
Napabuntong hininga nalamang ako ng makita'ng late na naman ako sa klase. Hindi na kasi bago sakin na tanghali ng gumigising, minsan pa nga na m-missed ko ang first subject namin, kaya hindi na ako nagugulat.Matapos ko'ng mag hilamos at mag toothbrush, nagbihis na ako agad at lumabas na ng kwarto. Nang makababa na ako na abutan ko si mama sa kusina na hinahanda ang breakfast ko.
"Morning ma. " Hinalikan ko si mama sa pisnge at umupo para makakain na. Late na din naman ako edi, lubos-lubusin ko na.
Mga ilang minuto din ay natapos na akong kumain at nag paalam na agad kay mama. Mag lalakad lang naman ako dahil hindi naman kalayoan sa bahay ang pinapasukan kung skwelahan. Kaya nga kampante akong hindi gumising ng maaga, pero napasobra naman ata yung tulog ko, ito late na naman.
Nang malapit na ako sa gate, bigla na lamang ma'y umakbay at ginulo ang buhok ko. Kumunot ang noon ko ng mapagtanto ko kung sino ito.
"Ano bah Z! Lumayo ka nga! " Tinulak ko ang lapastangang gumulo ng buhok ko tsaka ito kinurot sa gilid.
"Ara- aray!! Titigil na! Titigil na! Amazona talaga. " Dali-dali naman itong lumayo sakin hawak ang tagiliran niya na kinurot ko at may pa bulong-bulong pang nalalaman, kahit rinig ko naman. Inirapan ko na lamang ito.
"Kainis ka talaga!! Ginulo mo pa to'ng buhok ko, epal talaga kahit kailan eh! " Nakakunot ko'ng inayos ang buhok habang napapatingin din sa bwesit na lalaking gumulo non.
"Sorry na kasi Amaz— I mean Amee, ito naman di mabiro. Umagang-umaga ang init na agad ng ulo mo. " Angal niya habang nakangiwi at sapo-sapo parin yung tagiliran na kinurot ko kanina.
"Sino ba namang hindi iinit ang ulo, eh ikaw ba naman bubungad sa umaga ko! " Tinignan ko lang siya ng masama at inirapan sabay lakad na papasok, tumawa lang ito pero di ko nalang pinansin dahil super late na talaga ako.
Mag s-second subject na kasi, ayaw ko namang pati second subject hindi ako makapasok. Malalagot pa ako kay mama. Nag madali na ako at muntik ko pang nakalimutang may unggoy palang sumusunod sakin.
"Teka lang naman Amee! ang bilis mo naman!" Hinihingal pa ito habang humahabol sakin. OA din masyado, di naman ako tumatakbo ah, lakad-takbo lang naman ginagawa ko tas siya hinihingal na. Bakla talaga.
"Eh sa late na ako, at tsaka ba't ka ba sumusunod? Eh sa ibang deriksyon yung room mo. " Nilingon ko ito at nakitang napatigil ito sa pag sunod sakin kaya napatigil narin ako. Nagtatanong ko naman siya'ng tinignan.
"Ay oo nga pala. " nahihiyang napakamot ito sa kanyang batok at nag paalam na agad.
Minsan nagtataka talaga ako kung bakit ang daming nagkakagusto sa mokong na yun. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad-takbo.
Ilang minuto lang din ay nasa room na ako, buti nalang talaga at na una akong pumasok kisa kay ma'am na ilang segundo lang din ay sumunod na sakin at nag simula na rin ang klase.
Natapos ang klase at nag ayos na ako ng gamit ko, habang nag-aayos bigla nalamang umingay sa labas ng room kaya minadali ko na ang pag-aayos at lumabas din.
Doon nakita ko ang lalaking naka sandal habang parang may hinihintay, which is ako. At ang lalaking naging dahilan ng ingay sa hallway ay walang iba kundi si Zayn Hawksley, kaibigan ko simula pa elementary. Una ko siyang nakilala sa birthday ni mama, four years old pa ako non habang si Z naman ay six. Simula pa kasi highschool magkaibigan na si mama at ang mama ni Z na si tita Zyra. Mula no'n naging close kami.
Nang mapansin niya na ako, lumapit ito kaagad. Routine na kasi namin na palaging sabay mag snacks or mag lunch.
Hindi ko alam kung ano trip niya sa buhay at kinailangan niya pa'ng tumigil dito sa room namin at hintayin ako, na pwede naman sanang mag kita nalang kami sa cafeteria. Pero wala eh, gusto lang daw niyang pati pag punta sa cafeteria ay mag kasabay kami.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomantizmAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...