Ameera's POV
Hindi ko na sinabi ang totoo dahil ano pang magagawa no'n? Nakalimutan niya na, ibig sabihin hindi importante ang mga pinag-daanan namin noon, para sa kanya.Bumuntong hininga si Zayn matapos niya akong tinitigan ng ilang minuto after ko'ng sabihin yon.
"You can go now. " Lumakad na siya pa balik sa upuan niya at balik na ulit sa pag t-trabaho, not minding my presence.
"Then I'll go now sir, just call me when you need anything. " Pagkatapos no'n ay lumabas na ako agad.
Nang makalabas ay huminga ako ng malalim. Maya-maya lang ay naramdaman ko'ng basa yung pisnge ko. D'on ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Tinakpan ko yung bibig ko nang napapalakas na ang iyak ko, baka marinig pa ni sir na nasa loob lang ng office nito.
Nag trabaho na ulit ako ng makabalik sa mesa. Habang nag t-trabaho ay biglang tumunog ang intercom, yung naka konektado lang sa office ni Zayn. May isang intercom pa na konektado naman sa lahat ng department.
May pinindot lang ako para marinig yung kabilang linya.
"Order some lunch. " sabi lang nito na syempre sa malamig na boses na naman. Hinintay ko pang may susunod pa siyang ipapagawa pero wala ng nag salita. Ang tipid niya naman mag salita. Naka premium ata.
Wala naman siyang sinabi kung anong klaseng pagkain ang gusto niya, kaya ako na ang mismo ang namili.
Ilang minuto lang ay dumating na yung pagkain dala ng guard. Nag pasalamat lang ako dito at umalis naman ito agad.
Pumunta na ako agad sa harapan ng pintoan ni Zayn at kumatok ng tatlong beses.
"Come in. " Bigla tumubok ang puso ko ng marinig ang boses niya mula sa loob.
Pumasok naman ako agad. Bumaling agad ang tingin ko sa kanya nang makapasok ako. Nakita ko siyang nakatayo at nakaharap sa malaking salamin na kita ang magandang view ng lugar.
May katawag ito at sinenyasan lang ako gamit ang kamay na ma upo. Masunurin akong tao kaya umupo ako agad.
"Then I'll see you later. " paalam niya na may bahid ng lambing sa boses. Nakabahid din sa mga mata niya ang pagmamahal sa kung sinong nasa kabilang linya.
Siguro girlfriend niya yon. Ilang taon na din ang lumipas kaya malaking posibilidad na tama ang hinala ko.
Kumirot naman ang dibdib ko dahil sa isipang yon.
Wait, diba dapat maging masaya ako saakanya?
Napatingin ito sa gawi ko at binaba ang tawag. Nag lakad siya palapit sakin na suot na naman ang seryoso niyang mukha, para bang namamalik mata lang ako sa nakita kanina.
Nang nasa may sala na din siya ay napatayo na ako. Ang pangit naman kasing naka-upo ako tas yung boss nakatayo. Tsaka aalis na ako no.
"Then I'll go now sir. " paalam ko na dito at aalis na sana ng mag salita siya.
"Sit." Saad nito na may seryosong tuno kaya napasunod ako agad. Ginawa pa akong aso. Hmp.
Umupo ito sa kabilang upuan ng sala. Ngayon magkaharap na kami. Nagtataka ako kung bakit niya ako pinapa-upo. Gusto niya bang habang kumakain siya ay may nanunuod sa kanya? Ang weird naman no'n.
Habang kumakain ito ay para lang akong tanga'ng naka-upo lang d'on.
"What are you doing? " Nakakunot niya akong tinignan kaya nag taka ako.
"Naka-upo." Obvious ko namang sabi. Eh sabi niya umupo e.
"No–" napabuntong hininga ito na para bang nawawalan na ng pasensya dahil sa sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...