Chapter 15

6 2 0
                                    

Ameera's POV
 
 
"Hoy! Amee! Nakikinig ka ba?" Kinaway ni Sarah yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Napatingin ako sa kanya ng ginawa niya yon.

"Sorry, ano nga ulit sinasabi mo?" Tinignan niya ako ng nagtatanong niyang mukha.

"Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin panay tulala ka sa kawalan. Saan-saan ba nililipad yang utak mo?" Tanong nito habang kumakain.

Sabado ngayon at kasulukuyan kaming kumakain ni Sarah sa isang resto— na nakalimutan ko yung pangalan– dahil nag aya itong kasama ko.

Tatanggihan ko sana dahil wala ako sa mood pero hindi ito pumayag at kinuha pa ako sa apartment. Wala ako'ng choice kaya sumama na ako.

"Ah, wala naman. Pagod lang guro." Saad ko na kinataas ng kilay niya.

"Talaga lang ha?" Tumango lang ako kaya bumuntong hininga siya.

"Okay, So balik tayo sa sinasabi ko, diba...." Nakatingin ako sa kanya, kahit hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito ay tumatango nalang ako.

Ang totoo niyan, kaya wala ako sa sarili dahil may napagtanto ako sa sarili ko.

Bago ko lang din inamin sa sarili ko matapos ang halik na pinagsaluhan namin ni Zayn, sa gabing din yon napagtanto ko'ng.

I like Zayn.

Hindi ako makapaniwala, tingin ko matagal ko na itong nararamdaman pero tinatanggi ko lang sa sarili ko dahil kaibigan ko si Zayn.

Ngunit simula no'ng mga nag daang araw na paligi ko'ng kasama si Zayn, at yung mga pinapakita niya sakin, doon ko lang tinanggap sa sarili ko na gusto ko nga si Zayn.

Not just as a friend, but as a man.

Ngunit simula din nang napagtanto ko yung nararamdaman ko para kay Zayn, bigla naman itong lumamig. Hindi niya na ako tinititigan katulad ng palagi niyang ginagawa. Lumamig ang trato ni Zayn sakin matapos ang huling halik na pinag saluhan namin.

Nagtataka ako dahil akala ko may kunting 'something' na samin ni Zayn, pero nag kakamali pala ako.

He wouldn't even look at me anymore, at hindi na din ako nito pinapaorder ng pag kain niya for his lunch. Hindi niya na ako pinapansin pag nagkakasabay kami sa elavator.

His acting cold towards me, kung kailan inamin ko na sa sarili ang nararamdaman ko.

Nagalit ba siya ng bigla ko siyang tinulak sa araw na yon? 

Dahil sa ginagawa niya, nasasaktan ako. Minsan nga hindi ko nalang namamalayan umiiyak na pala ako, sa tuwing maiisip ko ang pakikitungong pinapakita niya sakin.

Napabuntong hininga ako ng matandaan ko na naman yung pinagalitan niya ako.
 
 
   
 
 
FLASHBACK
 
 
 
Kasalukuyan ko'ng tinatapos ang trabahong binigay sakin ni Zayn.

Sabi niya kailangan daw agad ito mamaya sa meeting kaya dapat daw dalian ko. Nang mapagod uminom ako ng kape na binili ko sa labas kanina.

Nang ibinalik ko na ito, nagkamali ako ng paglagay kaya natumba ito. Nagulat ako sa nangyari at dali-daling itinayo ang cup ng kape.

My eyes widened when nakitang lahat ng mga papeles na kailangan daw ni Zayn agad ngayon ay nabasa ng kape.

I panicked at dali-daling inalis ang mga papel sa misa, pero huli na ang lahit dahil basang-basa na ito.

"Nako! Lagot ako kay Zayn nito!" Naiiyak na ako dahil hindi ko alam ang gagawin.

Pinapaypayan ko ito kahit alam ko'ng wala na itong magagawa dahil naging brown na din ang papel.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon